Pinapasok muna ni lola si Ishaan sa loob ng bahay matapos malamang anak sya ng mga amo ko. Feeling close naman tong si lola kay Ishaan. Pero ok na yan at least kahit sandali mawala ang lungkot ni lola at pansamantalang ngumite.
"Alam mo iho, pagpasinsyahan mo na tong apo ko kung minsan ay pasaway. Nakwento nya kasi sakin yong mga ginawa nya."
"Walamg anuman yun lola."Ay! ngumite siya!! Si lola lang naman pala makakapagpangite sa kanya. Mula kasi ng makita ko sya after 3 years di ko na yan nakitang ngumite.
Kung hindi kasi nagsusungit aba'y napakaseryoso naman ng mukha.Habang nasa byahe kami papunta sa mansyon ay napansin kong kumonot bigla ang noo ni Ishaan at parang di mapakali. Patingin tingin sya sa side mirror.
"Shit!!" mamaya'y bigkas nya.
"Bakit? may problema po ba?"-ako.Sa halip na sumagot sya ay mas binilisan pa nya ang pagpapatakbo ng kotse. Napahawak tuloy ako sa dingding ng kinauupuan ko.
Nakarinig ako ng putok na dahilan para mapasigaw ako.
"Yuko!" utos nya.Maraming tanong ang rumihistro sa utak ko. Sino ang mga yun? Bakit sila nambabaril?
Habang nakayuko ay rinig na rinig ko parin ang putukan. Ibig sabihin di parin kami tinitigilan ng mga yun. Tinakpan ko nalang yung tenga ko upang di matakot sa mga putok.
Sandali pa ay biglang tumahimik. Tanging tunog nLang ng makina ang naririnig ko.
"Wala na sila. Nailigaw ko na."
"Sino sila?"-naka'kunot-noo na tanong ko.
"basta malalaman mo rin"Napatitig ako sa kanya. Pagkatapos ng barilan parang wala lang sa kanya yung barilan? You know mga bes.... he looks cool pa rin kahit muntik na kaming ma-ambush.
Gwapo nya talaga!
Cool na cool!
GaNda ng katawan!
Pormang-porma!Ay anu ba yan! pinagpapantasyahan ko nanaman ang sungit nato.
"Oh? bakit ka ganyan makatingin?"-ayan! nagsungit nanaman."Bakit bawal na ba ngayon tumingin? Ano ka? Holy water?"
Balik tingin sya sa kalsada. Inindyan ang beauty ko.
So? 😠paki ko sa pagmumukha nya?FAST FORWARD:
"Dea, ikaw ang nawawalang anak ng matalik kong kaibigan na si Zus Dellano,ang nagmamay-ari ng XXC Empire Company. Mula ngayon ay kailangan mo nang maag-ingat sa kadahilanang gusto kang patayin ng mga kasalukuyang namamalakad ng empire. Gusto kasi nilang tuluyang mapasakanila ang kompanya. Pero di ako makakapayag. Hanggat nabubuhay ako hinding -hindi mapapasakanila ang pinaghirapan ng yung ama."sabi ni Sir Rafael.
Gimbal ako sa mga narinig ko. Di ko alam kung maniniwala ba ako o hindi sa mga narinig ko.
Ako? Anak nong... Sino nga ba yun? Paanu nangyari yun? Sabi nina lolo't lola namatay daw sa aksidenti ang mga magulang ko noong dalawang taon palang ako.
"Ano po? Paano nangyari yun?"
"Pinasok kasi ng mga armadong lalaki ang bahay nyo at pinagbabaril ang iyong mga magulang. Mabuti nalamang ay naitakas ka ng isang kasambahay nyo. Huli na nong makarating ako. Nag-aagaw buhay na ang iyong ama. Ibinilan ka nya sakin na hanapin at siguraduhing ikaw ang magmamana ng XXC Empire Company.
Marami pang sinabi si sir Rafael na di na kayang intindihin ng utak ko. May sinabi sya na tanging pumasok sa utak ko.
Bantayan daw ako ni Ishaan habang may nagbabanta sa buhay ko.
..
..
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...