CHAPTER 11- Sampalan

129 3 0
                                    

Kinabukasan ay nagpunta ako kay lola. May apat akong bodyguards na kinuha ni sir ay este tito Rafael. Tito na kasi ang gusto nyang itawag sa kanya.

Nag-iyakan kami ni lola matapos ko itanong kung tunay nga ba nya akong apo o hindi. Wala na syang nagawa kundi sabihin ang totoo. Napulot lang daw nila ako sa kalsada at pinalaki na parang tunay na apo. Wala kasi silang anak ni lolo. Tanging ako ang nagpuno ng kagustuhan nilang magkaanak. Naging anak at apo ako sa kanila.

Gusto ko sanang isama si lola sa mansyon na pansamantala kong tinutuluyan. Pero tumanggi sya. Gawin ko daw muna ang dapat kong gawin. Ang makuha kung ano ang nararapat sa akin.

Paglabas ko ng bahay para sana bumalik na sa mansyon ay may dumating na kotse at bumaba roon sina Sam kasama sina Irish at Riz. Nasabik ako sa kanila.

"hi,  my dear friend!" -Sam.

"Nakakamiss na kayo ah!" -ako sabay yakap sana sa kanila pero di ko inasahan yung ginawa ni Sam.

Itinulak nya ako kaya natumba ako.

"Yan ang nababagay sayo!" galit na sabi ni Sam.
Linapitan ako ni Riz at itinayo.
" "Ano ba Sam!? Bakit mo tinulak si Dea?" takang wika ni Riz.

"Pwedi ba Riz wag kang mangialam?"
"Magkakaibigan tayo di ba? So bakit ka ganyan? Parang di na kita kilala." - Riz ulit.

"Kaibigan?  May kaibigan ba akong malandi? Hindi ko na sya kaibigan simula ng nilandi nya si Ishaan!.... Ang kapal ng mukha mo!" -malakas na sampal ang pinakawalan nya sa mukha ko.

Ouch! Sakit nun ah.

"Hindi ko nilandi si Ishaan!" bulyaw ko sa kanya.

"Kahit ano pang sabihin mo, it can't change the fact that you're a whore. Sa hitsura mong yan? ngayon ka pa pinatulan ni Ishaan? Di ba naghirap na kayo at isa ka nalang katulong? So sa madaling salita, pinatulan ka lang ni Ishaan dahil nilandi mo at niladlad mo siguro yang katawan mo"

Ok na sana eh... Di ko na sana sya papatulan kasu subra-subra na ang mga sinabi nya. Malakas na sampal din sa mukha nya ang pinakawalan ko.

"Wag na wag mo aKong pagsasalitaan ng ganyan!! Wala kang karapatang laitin ang pagkatao ko."-galit na  rin na sabi ko.

Sasampalin nya sana ulit ako nang pigilan sya ni Irish.

"Tama na Sam! Lets go." -Irish.

Naiwan kami ni Riz. Di ko alam kung iiyak o magagalit.

"Riz,  hindi totoong kami ni Ishaan. Sinabi nya lang yun dahil nandun sa mall si Arvin."
"huh?  Si Arvin yung ex mo?"

"oo"- sagot ko.
"Eh ba't nang tinanOng talaga ni Sam si Ishaan kung kayo ba talaga sinabi nyang fiancee ka nya."
"Ginawa nya lang yun dahil gusto nyang saktan si Sam. Kaya please tulungan mo ako para maliwanagan si Sam. Ayuko ng ganito."

"Iwan ko nga dyan kay Sam. Ang dami nang ipinagbago. Sa kilos at pakikisama. Sa mall mga na pag-aari nila pinakilala lang ba naman kaming dalawa ni Irish na mga alalay nya. Tas nong may fans syang nagdatingan umasta na syang di kami kilala. Naging modelo lang tumaas na pagkatao nya.Kaya di na ako nagtaka na kaya nya gawin sayo yung kanina."

"Pabayaan nalang natin sya. Basta ang mahalaga ngayon mapatunayan kong wLa akong inagaw sa kanya."  -ako.

"by the way tungkol pala kay Ishaan,  nalaman kung nakipaghiwalay talaga si Sam sa kanya kaya wala ng pakialam dapat si Sam sa inyo di ba? Sya naman tong nang-iwan. Para sakin gusto ko kayo ni Ishaan ang magkatuluyan."

Alam kasi ni Riz na gusto ko si Ishaan dati pa. Tutulungan na nga nya  dapat ako para mag-go to move kay Ishaan nang bigla nalang ibalita ni Sam na mag-on na sila. Kaya para makalimutan si Ishaan ay sinagot ko si Arvin na nanliligaw ng mga panahong yun.
..
..
..
😡

ALWAYS BE MY HERO- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon