ISHAAN's POV:
Nakahinga ako ng maluwag matapos malaman na hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Sam.
Pero masamang balita naman ang natanggap ko kay bunso. Wala na si Ian. Hindi sya nakaligtas sa operasyon dahil napuruhan daw talaga sya sa aksidente.
Si Dea naman nasa panganib parin ang buhay.
Wala na si Ian!
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Dapat ako nalang ang namatay!Wala sa pagmamaneho ang utak ko dahil sising-sisi ako sa sarili. Kung saan-saan ako nakarating hanggang sa namalayan ko nalang na nasa tapat na pala ako ng bangin.
Ako dapat ang namatay!!
Mabilis kong pinaandar ang makina ng kotse papuntang bangin. Napapikit nalang ako.
Hanggang sa....naramdaman ko ang pagbagsak ng sasakyan ko.
My world turned dark..
Goodbye!.
.
After 2 years,DEA's POV:
Hanggang ngayon ay di ko parin matanggap na noong nagising ako sa hospital ay dalawang tao ang nawala sa buhay ko.
Si Ian...
Hindi sya nakaligtas dahil sa aksidente. HIndi ko nga nakita ang kanyang huling pamamaalam dahil two months akong comatose.At si Ishaan....
Yeah, wala narin sya...napaluha nanaman ako.
Iniwan nya rin ako. Nahulog daw ang sinasakyang kotse sa isang bangin. Sumabog ang kotse kaya puro abo nalang ang nadatnan ng mga pulis at tito Rafael.Two years na akong nangungulila at laging malungkot dahil sa pagkawala nila.
Nalaman ko din na bina-blackmail lang ni Sam si Ishaan para sumunod sa gusto nito. Hindi rin sya ang ama ng dinadala ni Sam. Ok na sana ang lahat dahil nakakulong na si Sam kasama ng Edgardo na yun.
Si Raz naman lagi nyang dinadalaw si mommy sa bahay. PArang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.
Tanggap na nilang lahat na wala na si Ian at Ishaan...pero ako di ko talaga matanggap na wala na ang taong nagpahalaga at tagapagligtas ko,.paano ko matatanggap na patay na ang taong minahal ko ng subra?
Nandito ako ngayon sa puntod ni Ishaan.
"Bakit mo ako iniwan?.. Lumaban naman ako para mabuhay..para makasama ka pero bakit ikaw ang umalis?"Isang oras ang nilagi ko bago umalis. Nagpunta ako sa mall para magpalipas ng oras at balikan ang mga ala-ala ko sa mall na to.
Naalala ko yung scene na nakita ako ni Arvin tapos dumating si Ishaan at sinabing fiancee nya ako. Kakatawa mukha ni Arvin nun.
Naglibot-libot pa ako hanggang sa naisipan kong umuwi. Pababa na ako gamit ang skelator nang mahagip ng tingin ko ang isang lalaki na naka-cap paakyat naman.
Kamukha ni Ishaan ang lalaking yun. Ah hindi!!! Si Ishaan talaga yun!!
Mabilis kong sinundan ang lalaki pero dahil sa madami ang tao ay bigla syang nawala.
"Ishaan! Ishaan!!!!!!" tawag ko sa pangalan nya kahit alam kong baka imagination ko lang yon. Baka dahil to sa subrang depression.
"Ishaan....huhuhuhu😭😭😭"
Napaluhod at hagulhul na ako ng iyak. Bakit kasi sya namatay?.
.
.
.
"Miss, ok ka lang ba? Panyo oh!! Punasan mo mga luha mo..sayang yan."Napaangat aang mukha ko sa nagsalita. Halos matumba ako sa gulat. "Ishaan?" hindi kasi sya multo or imagination ko.
Kaya para makasiguro ay hinawakan ko mukha nya at pinisil-pisil.
"Hindi ka nga multo! Buhay ka Ishaan!" napayakap ako sa kanya.
Siya talaga si Ishaan! Amoy palang!
"Miss..ok kalang ba talaga? Pasensya na pero hindi Ishaan ang pangalan Ko."Sa halip na sagotin ay tinitigan ko sya. Naka-ragged long pants sya, kupas na shirt at naka-cap ng black. Ibang-iba nga sya manoot kay Ishaan. Pero di ako pweding magkamali. Siya si Ishaan! Kahit saann bahagi tingnan.
"Miss!" tapik nya.
"ha? A...e... Ako si Dea., di mo ba ako nakikilala Ishaan?"Kunot-noo sya.
"Miss kanina ko pa sinasabi na hindi Ishaan ang pangalan ko! Ako si Jude! Ang gwapo naman ata subra ng boyfriend mo kasi kamukha ko pa!" di ko alam kong biru o hindi."Ikaw si Ishaan! Ano bang nangyari bakit di mo ako maalala?"
"Hindi nga ako yung Ishaan. Wag ka ngang makulit miss! Maganda ka sana kasu may sayad ata sa utak." mahina nyang sabi pero narinig ko parin yun ng klaro.
Medyo nairita ako.
"Anong sabi mo? Hoy!! Kapal ng mukha mo!! Wala akong sayad no!!" singhal ko.Pwes!! KUng hindi sya si Ishaan..itong bagay sa kanya sa pagtawag nya sakin ng ganun.
Walang pasabing inapakan ko ng mariin ang kaliwang paa nya. Hahaha sarap non lalo pa't 5 inch yung takong ng sandals ko.
"A-aawww!!!"
Mabilis akong tumakbo at natago. Pero syempre di muna ako umuwi. Sinundan ko si Ishaan ay este Jude na kamukha daw! Pero hindi ako pweding magkali..I know sya si Ishaan.
Nasundan ko sya hanggang sa isang bayan na malayo sa lungsod. 3 hours din ang byahe. Yung sinakyan niya lang ay isang single-motor. Namili siya kanina sa mall ng mga damit pambata, laruan at groceries.
..
..
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...