CHAPTER 10- Selos?

127 5 0
                                    

Sa Mansyon:

"Oy Dea,  balita ko di ka na raw katulong dito. Ano bang nangyari?  Bakit senyorita ka na namin?" usisa ni Abby.
"Basta..pero di naman magbabago turingan natin Abby. Ikaw at ako pa rin to."
"Yan gusto ko sayo eh! Ang bait mo talaga. Sige dyan ka muna baka mapagalitan ako ni Madam Fe..heehe"
"sige"

Pakaalis ni Abby ay patungo sana ako sa may veranda nang may mabunggo ako.

"Ah sorry sir Ian!" hinging paumanhin ko.

"ah ok lang. Ahm.. Tika lang Dea, wala ka bang ginagawa? Im so bored here. Tara samahan mo ako dun sa may pool.

Nag-alangan pa akong sumama.

"Ah sige ba!" nakangiting sagot ko.

Nagkwentohan muna kami ni Ian hanggang sa naisipan naming mag-swim sa pool. Nagchange out-fit muna kami. Nakaswimtrunk lang sya at ako naman syempre...pahuhuli ba ang lola nyo? Naka-two'piece ako mga bes...hehe. Mabuti nalamang ay may gamit dun sa guest room. Pagmamay-ari daw ito ng cousin nilang nasa ibang bansa ngayon.

"Wow!  You're so gorgeous Dea." puri nya.
Pakiramdam ko tuloy nag-init yung mukha ko. Di kasi ako sanay ng pinupuri.
"Oh. ang cute mo rin palang magblush." -dagdag  nya.

Ane be?  Sir Ian naman eh!  Pinapakilig mo ako. Hala ka!  Baka mainlove ako sayo!

"Let's go!"

Ngumite nalang ako. Mabait si Ian. Mas tanda lang daw ng isang taon si Ishaan. Gwapo din mana sa daddy nya. Pero para sakin mas gwapo pa rin si Ishaan hehe.

Enjoy na enjoy ako sa tubig. Palabiro din pala kasi si Ian.

Pagkatapos namin sa swimming pool ay naligo na ako at nagbihis. Balak kong puntahan si lola kaya magpapasama ako kay Ishaan. Hinanap ko sya sa buong mansyon ngunit di ko mahagilap. Nandito lang naman daw sya kanina sabi ni Abby.

Baka nasa kwarto kaya mapuntahan nga!
Kakatok na sana ako nang kusang bumukas yun. Bumungad ang hinahanap ko.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Pwedi mo ba ak--------" di nanaman natapos yung sasabihin ko dahil linagpasan lang ako at tinalikuran. Talaga bang ang hilig nya na di ako pinapatapos magsalita.

Di manlang talaga namansin. Ano ako hangin!? Bakit mukha nanaman syang galit? Ano bang ginawa ko para ikagalit nya?

"Ishaan!" tawag ko pero tuloy-tuloy lang talaga na umalis. Di nagtagal ay may kotseng palabas ng gate at nakita kong si Ishaan yun.

Ay kaloka!! Ano ba nanaman ang problema nya? Akala ko ok na kami. Kainis talaga ang bruhong yun. Ginawa ba naman akong invisible.

"Ay! Inindyan ni sir?" wika ng dumating na si Abby.
"Oo nga eh.Iwan ko nga kung anong problema nun!" -ako.

"Ehermm!! Alam ko problema nun"
"Huh? Ano naman?"

"Selos" short said ni Abby.
"Selos?  Kanino?"
"Aba'y kaloka ka rin eh! Kanino pa ba? Eh di nagselos ang tao nong makita kayo ni sir Ian sa swimming pool. Nakita ko kasi sya kanina na pinapanood kayo habang naliligo. Ang saya nyo ngang tingnan parang couple..kasu di ata nasisiyahan si sir Ishaan. Nakita ko ang galit sa mukha nya. Kaya sabihin mong di yon nagseselos."  -Abby.

Nagseselos?  Bakit naman sya magseselos?

"Tigilan mo nga ako Abby. Hindi yun nagseselos. Baka namamalikmata ka lang sa nakita mo." -ako.
" Bahala ka dyan kung ayaw mong maniwala. Basta para sakin nagseselos yun!"

Haixsst!!  Gulo ulit utak ko. Makapagpahinga na nga lang sa kwarto. Tatanda at magkaka-wrinkles agad ako nito eh...

Bukas ko nalang pupuntahan si lola.

ALWAYS BE MY HERO- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon