DEA's POV:
Pagdating ko nga sa office ni tito ay may kausap syang babae. Medyo middle-age na pero maganda at makinis parin. Mukha lang 30 sya tingnan.
"Iha lumapit ka dito samin." ani tito.
Lumapit naman ako sa kanila. Umupo ako sa silyang tapat na inuupuan ng babae. Titig na titig sya sakin habang nakangite. Di ko tuloy alam kung ngingite rin ba ako sa kanya o hindi.
"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko Dea. Siya si Arlene Dellano. Ang yong ina!"
Nabigla ako sa sinabi ni tito pero naging masaya kalaunan.
"Oo Athena, ako ang yong mommy." napaluhang sabi nya.Kaya pala parehas ang mga mata namin dahil nakuha ko yun sa kanya.
"Athena?"- nakakunot na tanong ko.
"Oo anak, Athena ang tunay mong pangalan. Patawarin mo ako dahil ngayon lang kita hinanap. Nawala kasi ang ala-ala ko. Kahapon lang bumalik." paliwaag nya."Totoo ang sinasabi nya Dea. Napag-alaman din namin kahapon sa doctor na kaya di bumalik agad ang memory nya dahil sa mga gamot na pinapainum sa kanya ni Edgardo." si tito.
" Ano? Edgardo? Tama ba ang narinig ko?" ako.
"Oo anak, nong patayin ni Edgardo ang daddy mo, kinuha nya ako at habang nasa byahe kami isang aksidenti ang nangyari na tuluyang nagpalimot sa nakaraan ko."Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat-lahat. Napakasama talaga ng Edgardo na yon! Pinatay na nga si daddy, kinuha pa nya si mommy na akala naming pinatay din nya.
So much for that, mahigpit kong niyakap si mommy. Hay salamat may mommy pa pala ako. Masayang masaya ako talaga. Ang sarap pala ng feeling ng may nanay.
Hindi nagtagal ay dumating sina Ishaan at lola. Masaya din sila sa nalaman na buhay pa pala si mommy. Nagpasya kaming umalis na sa compound at umuwi. Pero syempre nagpasama kami ng limang bodyguards para safe.
Pagdating namin sa bahay ay nagluto sina lola at mommy ng mga pagkain. Gusto kasi namin na magcelebrate. Masayang-masaya ako. Yung tipo na wala na akong mahihiling pa sa Diyos.
Habang kumakain kami at nag-se'celebrate na, napansin kong natutulala minsan si Ishaan. Para bang may malalim syang iniisip.
"Ok kalang ba Ishaan?"
"Ha? Ah.. Oo naman Dea. Ok lang ako." nakangite sya pero alam kong hindi abot yun hanggang tenga. Parang pilit lang yon.
May bumabagabag sa kanya!
Ano kaya yon?
"oh bat nakakunot yang noo mo?" mamaya'y tanong sakin ni Ishaan sabay pitik ng noo ko."Aray! Masakit yon huh?" himas ko sa tinamaan nya.
"Sorry.. Oh ito para mawala." unti-unting nilapit nya mukha nya sakin at hinalikan ako sa noo.
"Ano? Wala na di ba?" paglalambing nya.Napangite ako. Tingnan mo tong lalaking to, kanina nakasimangot at napakaseryoso ..buti ngayon di na.
"Dea, whatever happen..always remember na mahal na mahal kita. Nagpapasalamat ako kay God na binigay nya sakin. You're the only one who makes me feel this way..yun bang..I can sacrifice my whole life just to save you. Di ba Im your hero?"
"Ano bang mga pinagsasabi mo dyan? Ang corny mo ata ngayon pero LIKE ko yan! hehe. Tandaan morin na ikaw lang ang mamahalin ko."
"Uhummmmn!!" singit ni lola," dessert muna kayo mga apo."
"sige po!"
Nagtawanan kami.Hindi ko alam pero may nararamdaman akong di magandang mangyayari. Yinakap ko nalang si Ishaan ng mahigpit. Mahal na mahal ko talaga sya. I can't imagine my life without him.
"Subrang cheezy na yan!!" wika ng dumating na si Abby. Tenxt ko kasi sya na pumunta dito sa bahay para maki-join sa kasayahan.
Hindi rin nagtagal ay dumating din sina Irish at Riz.
"Dea pasenya na ngayon lang kami dumating. Umattend pa kasi ako sa party ng kaibigan ni Patrick(asawa nya)." ani Irish.
Oo nga pala may asawa na sya at medyo umuumbok na ang tyan nya. Buntis na kasi sya.
"Ako naman Dea late dahil ang tagal dumating ng sundo ko. Natraffic din."-si Riz.
"Oo na sige na! Tara kain na kayo rito!"
*
Nagkwentohan, tawanan at kulitan kami. Patawa din kasi tong si Abby. Parang bumalik lang kami sa pagiging high school. Ang pgkakaiba lang wala dito si Sam ngayon."By the way guys, I saw sam! Nandito nanaman sya sa Pinas!" sabi ni Riz.
"Saan? Pero di na ako magtataka. Alam kong sya ang may pakana sa pananakot at pagbabanta na dumating sakin. Hindi na ako natatakot ngayon sa kanya." ako.
"Yeah gurl! Ganyan nga! Tsaka nandito naman kami. Kampi kami sayo. Hindi nanamin kasi kilala si Sam. Ang demonyita na! Grabeh!!" si Irish naman.
"Yes mga girls total andito naman si Abby para mag-SUB kay Sam di ba? Para 'the for girls completed again!"
"oo ba!! Join ako dyan." abby.
Tawanan ulit kami.
..
....
..xiam19
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...