Chapter 30
DEA's POV:
Pagmulat ng mga mata ko ay ang gwapong mukha ni Ishaan ang nasilayan ko. Ang gwapo nya talaga.
Bigla syang dumilat at ngumisi.
"Ano miss Dea, mas gwapo na ba ako sa Ishaan mo?"Yun ko lang napagtantong nasa realidad pala ako. Hindi na sya si Ishaan kundi si Jude.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit magkatabi tayong natulog?" halos mapasigaw ako.
"Ako dapat ang magtanong nyan? Bakit ka nandito sa kwarto ko? Sinadya mong dito matulog para matsansingan ako no? Sasabihin kong congrats kasi ang sarap ng tulog mo habang nakayakap sakin!" tatawa-tawang wika nya.
"Liar!!!" pagkasabi ko ay agad akong lumabas ng kwarto. Rinig ko parin ang pagtawa nya. Nakakainis sya!
"Morning iha, napasarap ata ang tulog nyo ni Jude. Magtatanghali na." bungad ni lola Esing sa kusina dahil maghihilamus sana ako.
"ha!? a.... e...." wala akong mahagilap na sabihin.
Nagpaalam akong uuwi.
"kaya mo na bang umuwi iha?"
"upo la.."
"Ihatid mo nga sya Jude sa lungsod. Ikaw ang magmaneho.""Ayuko nga lola. Baka pagkamalan nanaman akong ibang tao dun." -Jude-
.
"Anong sabi mo Jude? Pinagkamalan kang ibang tao?" -lola. Gulat sya."upo!"
Yan na nga ba sinasabi ko.
Pinaupo muna kami ni lola
."Jude apo, di ba sabi mo pinagkakamalan kang ibang tao?"
"Upo lola! Maraming bisis narin kapag nagpupunta ako sa lungsod. Ako daw yung sikat na businessman. Pati tong si miss Dea sinasabi nyang ako yung Ishaan na boyfriend nya. Sino po ba talaga ako lola?" seryosong tanong ni Jude.
Nag-isip si lola.
"Oras na siguro apo para malaman mo ang totoo. Dati sinasabi ko sa sarili na kung may maghahanap sayo ibibigay kita sa kanila pero hanggang sa umabot ng taon na walang dumating para hanapin ka. Kaya nagpasya akong sabihin sayo na nahanap lang kita sa kakahuyan malapit sa bangin. Sugatan ka kaya dinala ka namin sa clinic. Di masyadong malalim ang sugat mo pero wala kang maalala."
Nakita kong nagulo ang utak ni Ishaan.
"Totoong ako si Ishaan?"
"Oo.. Alam kong ikaw talaga yan kahit sinasabi mong ikaw si Jude." sabat ko naman.
Pinakita ko yung picture naming magkasama sa wallet ko. Mabuti nalang nakaligtaan kong punitin to noong nag-away kami.
"Pero lola, di ko po sila kilala kaya hindi ako sasama sa kanya!"
Ouch!!!
Sabagay naiintindihan ko sya. Magulo ang utak nya dahil wala syang maalala.
Nerispito ko ang desisyon nya kaya mag-isa akong bumalik sa lungsod. Masaya narin ako at least alam kong buhay sya. Ang tangi nyang hiniling sakin na wag ko muna daw sasabihin o ipaalam sa pamilya nyang buhay sya.
Gustong-gusto ko ng sabihin kina tito Rafael pero nangako ako kay Ishaan. Magagalit sya sakin at di na nya ako hahayaang pumunta sa kanila kapag ginawa ko yun.
Ngunit isang araw ng pumunta ako sa bayan para dalawin si Ishaan ay nasundan pala ako nina tita Sheena.
Nagalit si Ishaan sakin at sinabi nyang wag na raw akong magpapakita pa sa kanya. Syempre it hurts!
Nagmukmok ako sa kwarto. Ni kumain di ko ginawa hanggang sa nagkasakit ako. Naabutan nalang ako ni mommy na subrang taas ng lagnat.
"I-ishaan..."
Awang-awa na sina mommy at lola sakin.
Isang gabi..pinilit kong magdrive papunta sa kinaroonan ni Ishaan. Gustong-gusto ko syang makita kahit pa magalit sya sakin.
ISHAAN's POV:
Gulong-gulo ang isip ko. Tama bang ipinagtabuyan ko ang nagpakilalang pamilya ko? Tama bang tratohin ko sila ng ganun? Bakit nakokonsensya ako?
At si miss Dea, bakit hinahanap-hanap ko ang presinsya nya? Bakit kasi hindi ko sila maalala. KAhit pilitin ko mang alalahanin sumasakit lang ang ulo ko.
Hindi ako makatulog ngayong gabi. Nakikisabay pa ang kalangitan. Umuulan at kumikidlat sa labas. Napasilip ako sa maliit na butas ng kwarto ko para tingnan kong malakas pa ba ang hangin at ulan.
Nang mahagip ng tingin ko ang isang kotse na huminto at lumabas roon si miss Dea.
Anong ginagawa nya dito?
DILikado sa labas! Baka tamaan sya ng kidlat.Mabilis akong lumabas at pinuntahan sya. Parang nanghihina sya at nangangayayat. Halos isang linggo ko na syang di nakikita dahil nga itinaboy ko sya.
"Ish-ishaan!" pagkabigkas nya..nawalan na sya ng malay. Mabuti nalang nasalo ko sya agad."Anong nangyari sa kanya Jude?" nag-aalalang tanong ni Lola pagkakita kay miss dea.
"Nag-aapoy po sya sa init lola." sagot ko. Bakit kasi sya nagpaulan? Ano bang nasa isip nya? Ang tigas talaga ng ulo!" dugtong ko.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikitang kalagayan nya.
Binihisan sya ni lola at pinunasan ng maligamgam na tubig.
Hindi ako makatulog habang binabantayan sya. Bakit subra akong nag-aalala sa kanya? Ano ba sya sa buhay ko?
Pinagmasdan ko ang maamo nyang mukha. Napangite ako. Ngayon ay alam ko na. Mahal ko ang babaing to.
DEA's POV:
KInusot-kusot ko ang mga mata ng makitang wala ako sa kwarto ko. Nasaan kaya ako?
Nilibot ko ang mga mata. Hanggang sa tumama yun sa lalaking tulog habang nakapatong ang ulo nya sa may hinihigaan ko.
Ano bang nangyari? HULi kong maalala yung paglabas ko ng kotse dahil pinuntahan ko si Jude."Dea?" mamaya ay wika nya.
"Jude, pasensya na...pumunta pa ako dito. Wag kang mag-alala aalis na ako." babangon na sana ako para umalis ngunit pinigilan nya kamay ko.
"Wag kang aalis Dea." nagsusumamo mukha nya.
Naguluhan aKo. Tika...Dea lang tinawag nya sakin ngayon samantalang lagi naman may 'miss' na dugtong sa pangalan ko.
Di kaya......"Im sorry Dea kung nagawa ko mang ipagtabuyan ka. Di ko sinasadya. Oo! Naalala ko na ang lahat. Ako ngA si Ishaan at ikaw naman ang girlfriend ko."
Napayakap agad ako sa kanya.
Im speechless!!"Thanks God bumalik na alaala mo." naluluhang sabi ko.
"Yeah salamat sayo Dea. Ikaw ang naging daan para maalala ko ang lahat.""Pero paano?" -ako.
"I dont know basta pagkagising ko lang ngayon naalala ko na lahat dahil siguro sa ikaw ang una kong nasilayan."Nagyakap kami ng mahigpit
"I love you Dea!"
"I love you too Ishaan.""Talaga?"
"Oo! Muntik na nga akong mabaliw nong sinabi nilang patay ka na.""Kung ganun..will you marry me?"
Di ba sya nagbibiru? Inalok nya ako ng kasal?
Di na nga ako magpapakipot baka ano pang mangyari nanaman.
"Yes Ishaan I will marry you!"
..
..
..
EPILOGUE:Bumalik nga sila sa lungsod kasama si lola Esing at ng dalawang bata na sina Tin2x at Ken. Doon na sila tumira sa mansyon.
Masayang-masaya ang pamilya ni Ishaan dahil nagbalik na sya. Ibinalita din nila na ikakasal na sila.
Ikinasal din ang dalawa pagkalipas ng isang buwan.
"Mabuhay ang bagong kasal!!"
Years past......
Nagkaanak sina Ishaan at Dea ng tatlong anak. Sina Ethan, Ethena at Echo.
Simula non naging mapayapa at masaya ang kanilang pamilya.
------------The END-----//////////
A/N: A million thank you to all the readers na sumuporta sakin para tapusin Ko ang kwentong ito. Kayo ang naging inspiration ko...even to those SiLENt readers tnx guys.
.
.
.@xiam19
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...