Lumipas ang isang linggo.
Nag-enroll ulit ako sa university na pina pasukan ko. Kailangan ko daw munang magtapus ng pag-aaral at maging magaling bago magpakita sa empire.Naging schoolmate ko si Ian kaya lagi kaming magkasama. Si Ishaan naman ay patuloy parin na hindi ako pinapansin. Iwan ko ba sa lalaking yun.
Di ko parin napaliwanagan si Sam dahil di ko na sya nakita simula nong magsampalan kami..
Yung mga nagtatangka naman sa buhay ko..ahm wala na siguro sila. Silent eh. Sana di na nila ako pagbantaan.
Pero nagkakamali lang pala ako. May nagtxt sakin na unknown number at sinabing hawak nila si lola. Para akong binagsakan ng kung ano at nawalan ng lakas.
HINDI!!
Di Ako mapakali sa mga oras na to. Inaantay kong may update about kay lola pero ni txt o tawag wala! Sana ako nalang kinuha nila hindi si lola. Kawawa naman sya.
Andito kami ngayon sa bahay ni lola kasama si Ishaan.
Bigla ba namang may nagpaputok mula sa labas. Dumapa kami.
May kinapa si Ishaan sa likod nya. Nakita kong baril iyon.
"just stay there. Akong bahala sa kanila."
My goshh!!!!! Nanginginig mga tuhod ko dahil sa takot.
Nakipagpalitan si Ishaan ng putok sa mga kalaban. Di nagtagal ay lumapit sya sakin at tinahak namin ang pinto sa likod ng bahay. May pader sa likod ng bahay kaya kailangang akyatin. Nakaakyat na ako habang siya Ay paakyat palang. Rinig ko na ang mga taong humahabul samin.
"ayon sila!"
Bang!!
"Ahhh!! "
"Ishaan!!!"Tinamaan si Ishaan ng bala sa tagiliran.
Kahit na may tama sya ay tinahak namin ang parti na puro kahoy...hanggang sa mailigaw namin ang mga humahabol.
Halos 30 minutes din kaming tumakbo makalayo lang sa kanila.
Namumutla na si Ishaan dahil sa kanyang tama. Maraming dugo na kasi nawala sa kanya.Diyos ko po wag mong pababayaan si Ishaan. Di ko alam ang gagawin sa kanya. Tulungan NIYO po ako.
Naligaw na kami!!
"Dea... Magpahinga muna tayo!." - sya na halatang nanghihina. Umupo sya at sumandal sa isang puno. "p-pagod na ako. Dito lang muna tayo"
"Ishaan, wag kang susuko. Alam kong may darating para tulungan tayo. " tuluyan ng nagbagsakan yung mga luha ko. Awang-awa ako at subrang nag-aalala sa kanya.
"O-oh ba't ka umiiyak? (sabay ubo) nandito lang ako di k-kita pababayaan. W-wag ka ng matakot. Wag ka ng umiyak. T-tahan na." alam kong pinipilit lang nya magsalita pero halatang hirap na hirap na sya. Kung pwedi lang sana ilipat ang sakit na nararamdaman nya..sana ako nalang.
Lalo lang tuloy nag-unahan ang mga luha ko.
Hinawakan nya mukha ko at pinunas yung luhang nagbagsakan.
Kung di lang kami nandito sa sitwasyong to siguro'y kinilig na ako sa mga sinabi nya.
"w-wag ka ng umiyak ok? -sya.
Tumango-tango ako.
"Sorry Ishaan.. kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung di dhil sakin di ka naghihirap ng ganito.""Ssshhh... Wag mong sisihin ang sarili mo. Ahh!!" napasigaw sya sa kirot na lalong dumaloy ang dugo.
"Oh my gosh!!"Mabilis kong hinubad ang long-sleeve ko na ipinatong sa itim kong sandong soot. Sando nalang natira. Wala ng hiya-hiya to. Buhay ni Ishaan ang nakasalalay dito.
Agad kong itinali ang damit sa tagiliran nyang dumudugo. Puti pa naman damit nya kaya halata ang maraming dugo.
"para manlang kahit kunti ay tumigil ang sugat mo sa pagdurugo" -ako.
Tiningnan nya lang ako at maya-maya ay pumikit.
"Ishaan? Ishaan! Wag kang matutulog" histirikal na wika ko.
"tulong! tulungan nyo kami! Tulong! Nandito kami pakiusap tulungan nyo kami! " umiiyak at malakas na pagkakabigkas ko.
"hu! hu! hu! hu! 😭😭😭
Yinugyug ko si Ishaan pero di na talaga sya kumikilos.
NO!
NO!Wag mo akong iiwan Ishaan! Please wag kang aalis... Mamahalin pa kita!!
Nagpasya akong tumayo at maghahanap ng taong tutulong pero di pa ako nakakahakbang ng lima ay may tumuklaw sakin na isang ahas.
Nagdilim ang paningin ko.
..
..
..
😭
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...