Magmula ng malaman ko ang panloloko sakin ni Ishaan, isinubsub ko sa trabaho at pag-aaral ang aking sarili. Maaga akong gumigising para Hindi maabutan Ni Ishaan dahil sabi Ni mommy na araw-araw daw itong pumupunta sa bahay. Bakit ko daw sya iniiwasan o kung may problema daw ba ako.
Ang kapal lang talaga ng mukha nya! Nanggigigil talaga ako. Akala nya maloloko pa nya ako. Magsama sila Ni Sam! Pareho silang mga 'animalz'.
"Dea may problema ba kayo Ni kuya Ishaan?bakit tanong ng tanong yun sakin kung pumapasok ka daw o nakakausap daw kita." sabi Ni Ian habang lunch time.
Tanggap na nya na talagang hanggang kaibigan lang ang maituturing ko sa kanya basta wag daw magbabago ang pagkakaibigan namin.
" ahm wala naman, sya siguro ang may problema." Nakapoker face na sagot ko.
" weeh? Sige na sabihin mo na! May problema ba kayo Ni kuya? May ginawa ba sya sayo?"
"Wala! Basta sabihin mo nalang sa kanya na ayuko ng makita ang pagmumukha niya."Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Di ko na nagalaw yong pagkain.
" oh tapus ka na nyan?"
"Oo, nawalan na ako ng gana. Bilisan mo na nga dyan. Samahan mo ako.""Saan?"
" Basta! Gusto Kong matanggal tong stress ko. Gusto Kong pansamantalang makalimutan ang hinayupak na kapatid mong yun." Hinila ko sya kahit may sinusubo pa. Lumabas kami ng University at pumunta sa isang mall. Namasyal, nagshopping, naglaro at kumain kami sa mall.Subra akong nag-enjoy. Hinila ko si Ian papunta sa isang boutique.
"Ibili mo ako nung T-shirt. Tig-isa tayo." ako.
"Dami mong pera nagpapabili ka pa sakin."
"Eh gusto ko yung galing sayo. Ayaw mo?" Nakabusangot mukha ko.
"Hay naku! Matatangihan ba kita? Lakas ng charm mo eh."Binili nga nya ang maroon shirt. Sya naman aqua blue shirt. Lumabas na kami ng boutique.
"Tika Dea, may ibibigay pa ako sayo." Ani Ian sabay kuha ng kanan kong kamay. May isinoot syang bracelate sakin. Silver bracelate yon na may simpling design.
" Ang lambot naman ng kamay mo!"-sya.
"Ikaw huh!? Tsansing na yan! Pwedi mo na akong bitawan."-ako.
.
.
"So kaya mo pala ako iniiwasan dahil may kalantari kang iba!?" Wika ni..."Kuya/ Ishaan?" sabay na sagot namin ni Ian.
Grabeh ang tingin nya. Ang sakit sa mata. Nag-aapoy sa galit.
Kaya....biglang sinuntok ni Ishaan si Ian." Ano bang problema mo kuya Ishaan?" gumanti din ng suntok si Ian. Hanggang sa nagsuntukan pa sila.
"Tumigil na kayo! Ano ba!" sigaw ko sa kanila pero paran wala silang naririnig.
"Ishaan!?Ian!!hoy!! Tumigil na kayo!"
Mas magaling si Ishaan dahil siguro may alam sya sa fightings kaya isang suntok pa galing kay Ishaan ay tumilapon si Ian at nawalan ng malay."Ano ba Ishaan!!itigil mo na yan!" malakas na sigaw ko. Baka mapano pa si Ian.
Napatigil si Ishaan na para bang nagsisi kung bakit nagawa nya yun sa kapatid.
" Ang sama mo!! Ano bang problema mo!?"
"Anong problema ko? Ikaw ang problema ko! Si Ian ba ang dahilan kung bakit di mo ako kinakausap? Sya na ba ang bago mong lalaki."
Dahil di ko na carry ang mga pinagsasabi nya..mag-asawang sampal ang binigay ko sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan! Ikaw nga tong manloloko!! Pwedi ba Ishaan wag ka ng magpretend na mahalaga ako sayo! Dahil alam ko na ang lahat!"
"Anong ibig mong sabihin.?"-sya.
"Anong ibig kong sabihin!?" napaiyak na ako."alam ko nang niloloko mo lang ako. Na hindi mo talaga ako mahal! Si Sam talaga ang mahal mo. Magkakaanak na kayo di ba?"Tuluyan ng nagbagsakan ang luha ko. Lagi nalang ako umiiyak. Sawa na ako..pero ang sakit talaga eh!
"Congrats dahil nagtagumpay kayo ni Sam na lukohin ako. Magsaya kayo dahil durog na durog na ang puso ko.!"
Hindi ko na sya hinayaang makasagot dahil dumating ang ambulance para kay Ian. Sumakay ako para samahan to.
Kawawa naman si Ian pero mas kawawa ngayon ang puso kong sugatan.
..
..
..
@xiam19
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActieHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...