Chapter 5
Dea's POV
Nakakahiya naman kina maam Sheena at Sir Rafael sa nangyari kagabi. Sabi ni Abby umagaw talaga ng pansin sa mga bisita yung pagkakahimatay ko. Hay naku kainis talaga tong katawan ko bigla-bigla nalang tumutumba.
"Ok ka na ba talaga iha?" tanong ni sir Rafael nong ihatid ko sa kanila ni maam yung meryinda.
" Ah upo sir, salamat nga po pala maam. Naabala tuloy kayo kagabi""walang anuman Dea. "-maam
Umalis na nga ako roon pagkatapus ay nagtungo sa kusina ng mansyon.
"manang Fe? Ate Letty? Itong meryinda pang isa kanino ko to ibibigay? "tanong ko pagkapasok ngunit walang sumasagot.
Ay naku nasaan nanaman kaya sila? Sa laki kasi ng kusinang to di agad nakikita ang mga narito eh.
"Manang? Abby? Nasaan kayo?"
"Dea! Nandito ako sa Banyo naliligo. Tawagin mo nga si Abby. Yung pinakukuha ko sa kanya sa may kabinet malapit sa ref."- si Manang Fe yun.
"Upo!"Nagtungo ako sa may kabinet malapit sa may ref. Nandun pala tung bruhang si Abby. Kaya pala hindi sumasagot kasi busy mangalkal ng ref.
Mapagtripan nga ang ang babaing toh 😂😏hehehe
Kumuha ako ng harina na nasa mesa. Marami kasi yung nasa bowl.hahahaButi nalang di ako nakikita ni Abby. Nakabukas kasi yung ref at natatakpan siya ng pinto nun kaya paa lang yung nakikita. Nakapanjama pa ang bruha. Di pa ata naligo.
Hinay-hinay akong lumapit at ingat na ingat na hindi makapag'ingay yung lakad ko. Siguradong magugulat siya 😜😁😁😃😆
"Hala ka, bulaga!!!! " panggulat ko dito sabay tapon ng harina sa mukha niya.
"Ouchhhh!!! "Hala! Busis lalaki?
"What did you do?"bungad niya sakin.
Naku lamunin mo na ako lupa!! Nakakahiya! Hindi pala siya si Abby kundi si sir Ishaan."Sorry! sorry!! sorry sir!"sabay kuha ng pamunas na nasa mesa. Pinunasan ko mukha niyang puno ng harina. Imagine nyo nalang. Para syang nagpolbos ng isang baldeng face powder.
"Yuck!! Ano ba!? Ang baho ng pamunas na yan! basahan yan eh!?" bulyaw nya sakin.
Patay! Basahan!? Napatakip nalang ako sa bibig.
"sorry! Sorry talaga sir. Di ko sinasadya."Nasapo nya ang kanyang noo. Alam kong galit sya at nagpipigil lang. Nakuyum pa nga nya yung kanyang kamao na akala ko'y lalanding sa pisnge ko.
"Stupid!"nagtatagis ang mga bagang wika nya. Matatalim din ang tingin nya na parang ibang Ishaan na ang kaharap ko.
Umalis sya bigla.Stupid!
Stupid!
Stupid!Bakit nasasaktan ako sa sinabi nya?
"Ano bang nangyari bes?" tanong ng kadarating na si Abby. Mula sya sa labas ng kusina.
Hindi na ako makakilos. Parang tumigil sandali yung paligid. Bakit nalang ganun ang impact ng sinabi nya sakin.
"Hoy!!" sabay tulak sakin.
"Hoy Dea? Anong ginawa mo kay sir Ishaan? Bakit galit na galit yun?"patuloy ni Abby."Ah.. Ha?.. Ahm ano kasi.... "
Nagdatingan yung ibang maid
"Dea, naku baka ipatalsik ka ni sir. Anong ginawa mo sa mukha nya?"-si Sonya."Ganito kasi yun, akala ko sya si Abby na nasa may ref. Di ko kasi nakita mukha kasi natatakpan ng pinto nung ref. Ayun trip ko lang..gusto kong gulatin si Abby at buraburahan ng harina sa mukha..kaya lang.. Ibang tao pala. At si sir Ishaan yun!"mangiyak-ngiyak na ako..
"Hay naku baka talaga nagpapapansin ka lang. Marami ka ng naperwisyo Dea. Kagabi nahimatay ka at nagpapansin sa mga bisita tapos ngayun si sir? Ano bang balak mo? Ang ipal mo talaga!" si Sonya.
"Hoy Sonya! Ang talim ng dila mo! Watz yur wurd!!" singhal naman ni Abby rito.
Lumabas sa banyo si Manang Fe.
"Magsitigel kayo. Hala magsibalik na nga kayo sa mga trabaho nyo. Sunod ka naman sakin Dea dahil mg-uusap tayo"
"upo"
😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/123924171-288-k711430.jpg)
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...