Kabanata 4

295K 11.5K 2K
                                    

Kabanata 4: Worried

"Come on, Rouve. Stop taking pictures of me!" I heard Cielo yelled.

Nagising ako mula sa ingay nila pero parang masyadong inaantok pa ang aking mata para imulat 'yon. Masakit din ang ulo ko. Mabigat ang mga braso at kamay ko. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako.

"I'm just preparing the shots for your funeral," Rouve groaned.

"Just go home, Rouve. Ako na ang bahala kay Chelsea."

Where am I? Unti-unti kong iminulat ang mata ko kahit na ramdam ko pa rin ang pagod sa mga ito. Ang unang tumamabad sa akin ay ang ilaw mula sa puting kisame. Sumunod ang puting wall at mga aparato sa gilid ko.

"Hey, thank God." Napatingin ako kay Cielo na nakangiti sa akin. "May masakit pa ba sa'yo?"

Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kanya. Nasa ospital nga ako pero bakit?

"Wait... Do you know my name?" Sumingit si Rouve. Napalunok ito at halatang kabado sa isasagot ko. "I knew it! Nagka-amnesia ka!" Pinitik pa nito ang kanyang daliri at halatang masaya sa akala niyang tama.

"This can't be. Chelsea, you have a big project!" Nakangiwing sabi naman ni Cielo na mukhang natataranta na rin. "Wake up, Chels! Tandaan mo lahat ng dapat tandaan."

I shook my head and tried to open my mouth, "Can you help me? Gusto kong umupo." Naging halos pabulong 'yon. Hindi ko kayang suportahang mag-isa ang sarili ko dahil sa panghihina na nangingibabaw sa akin.

Tinulungan naman ako ni Cielo habang si Rouve ay nakatingin lang sa amin. Nakahawak pa ito sa kanyang baba na animo'y may iniisip na naman.

"Since you have an amnesia. You better not to talk with strangers." He suggested. Tumango-tango pa ito.

Muli kong iginala ang mata ko sa paligid. Hindi ako maaaring magkamali na nasa ospital ako. May aparato rin sa tabi ko. Pero bakit andito ako? Ang alam ko ay pumasok kami nila Cielo sa jewelry shop and that's all.

Napangiwi ako nang umatake na naman ang sakit ng ulo ko.

"Don't force yourself. In the right time, you will remember it all."

"Shut your mouth up, Rouve. You're not helping." Inikutan niya ito ng mata na pansamantalang nawala ang itim dito bago humarap sa akin. "It's better to start with introducing ourselves, Rouve."

Napanguso ako sa mga sinasabi ng kambal na ito.

"Hey. You are Chelsea Eras Vellarde." Gusto kong matawa sa sinabi ni Cielo. Bakit ba iniisip nilang nagka-amnesia ako dahil lang sa hindi ko binabanggit ang pangalan nila? "I am Cielo G. Wintoz. I have a boyfriend. His name is Ryde Ozix Leibniz." Then she grinned.

"He's mine, Cielo." I smirked.

Tumango naman ito, "O-Okay. Sinubukan ko lang kung nawala talaga ang alaala mo." Pasimple nitong siniko si Rouve.

Napabuga ako ng hangin. May nangyari ba sa akin sa loob ng jewelry shop kaya ako narito ngayon? Nadulas ba ako at nabagok ang ulo? Ipinilig ko ang ulo ko dahil mas sumasakit lang ito sa kakaisip.

"Why am I here?" I asked them. Napapikit ako nang umilaw ang camera ni Rouve. Mabilis naman na inagaw ni Cielo ang camera at itinago sa kanyang bag. "Anong nangyari sa jewelry shop?"

"Don't ask me, please. Iniwan ko kayo ro'n para pumunta sa mga gadgets." Umupo si Rouve sa couch at binalingan na lang ng atensyon ang kanyang phone.

Napatingin ako kay Cielo na nakatingin sa akin.

"'Yon lang ang matandaan ko. Pumasok tayo sa shop then..." Napanguso ako. "Anong nangyari sa akin? Why am I here now?"

Nanatiling nakatingin sa akin si Cielo na parang iniisip kung ano ang nangyayari sa akin. Iniwas ko ang tingin ko dahil masyado siyang nakatitig sa akin. What? May nangyari bang hindi ko alam?

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon