Kabanata 6: Jerk
Matapos kong bilhin ang kwintas na 'yon ay kumain muna kami saglit. I was just quiet the whole time. Binabasag niya ang katahimikan sa pamamagitan ng pagtatanong ng kung anu-ano pero natitigil din 'yon sa sagot ko.
"What time tomorrow?" Muli niyang pagbasag sa katahimikan. Inabot niya ang table napkin at ipinunas 'yon sa kanyang bibig.
"Our flight is 8:00 AM kaya kailangan ay maaga tayo."
Matapos no'n ay tahimikan na naman sa pagitan namin ang nangibabaw. Matapos kong kumain ay inabala ko ang sarili ko sa aking phone. Muli kong binalikan ang message galing sa unknown number.
September 30, 2017. 3:00PM. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang petsa nung pumunta kaming mall at pagkagising ko'y nasa ospital na ako. Ngayon ay hindi na ako naniniwala na basta na lang akong nahimatay sa loob ng jewelry shop. May mga nangyari pa na hindi ko maalala.
"Sinong ka-text mo?" Muntik ko ng mabitawan ang phone ko nang biglang magsalita si Ryde.
Sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian nya lang ng pagkunot ng noo. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Wala."
"Kung wala ay itago mo na 'yang phone mo sa bag. I am here with you so I think you have no reason to handle that thing." Umangat ang kilay ko dahil halatang galit ang kanyang tinig.
Hindi na lang ako nakipagtalo at ibinalik ko na sa loob ng bag ko ang phone. Ramdam ko ang titig na ibinibigay sa akin ni Ryde. Masyado ring mabigat ang mga paggalaw ko. Para akong batang nagdadabog.
"Where do you want to go after this?"
"Home."
"Except that."
"My bed."
"Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita." Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Bumali ang kanyang leeg pero hindi ako nagpatinag. Pinanatili ko ang walang ganang ekspresyon ko.
Ayos naman kami kanina nung hindi ko pa nahalatang may itinatago siya sa akin. I want to know that... This is not curiosity, I am worried. Pinaparamdam niya sa akin na wala akong maitutulong kung sakaling malaman ko 'yon.
"Are you sick?"
"Not really. Maybe tired?"
"Are you starting fight with me?" His expression suddenly turned into a cold one.
Natawa ako sa sinabi niya pero alam kong dahil 'yon sa inis. "Hindi ako makikipagtalo sa'yo sa ganitong lugar." Bahagya pa akong tumawa. Maraming tao rito at ayokong sumikat sa social media at maging viral ang away namin.
"Why are you even mad?" Namaos ang kaniyang boses.
"I am not mad!"
Umawang ang bibig niya dahil sa pagsigaw ko. Nakaramdam din ako ng hiya lalo na at napatingin sa akin ang mga katabi namin. Napatingin ako kay Ryde nang marinig ang malakas niyang pagtawa.
"So, yeah. You're not mad. I get it."
Mas lalo akong nahiya dahil naaagaw na niya ang atensyon ng mga kumakain dito. Alam niyang nakatingin na sa kanya ngayon ang mga tao rito at hindi man lang siya makaramdam ng hiya.
"Are you pregnant, Love?" He snickered.
Napapikit ako sa inis at dahil sa ayokong maihambalos ko sa kanya ang aking bag ay tumayo na ako at nagsimula ng lumabas. Oh ghad. Why did he say that? Freaking jerk! Hindi ka pa rin nagbabago. Ang hilig mo pa rin akong inisin.
"Hey! Walk carefully! Baka mapano ang baby natin." Mas lalo kong binilisan ang paglalakad.
Gusto ko nang makalabas dito para maharap si Ryde. Gusto ko nang ihambalos sa kanyang mukha ang bag na hawak ko nang walang ibang nakakakita. Pagkalabas ko ng mall ay madilim na.
BINABASA MO ANG
Trapped (Book 2)
RomanceTIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not only her eyes but also her heart. If we are just in a fairy tale, we can it call it a happy ending. However, no one is free from a cruel and e...