Kabanata 19: Good news
Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ryde kagabi. 'Yong mga sikretong ipinagtapat niya sa akin. Siya na pala ang sumagot sa lahat ng gastos ng naaksidente niya. 'Yong mga gamot na binibili niya ay hindi para sa amin kundi para sa kanila. 'Yong kailangang ng operation ay hindi rin isa sa amin, kundi sa naaksidente niya. I am so proud of him because of that. Hindi niya tinakasan ang nagawa niya.
But I don't understand... Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ni Ryde para hindi na sila magsampa ng kaso? Gusto ko silang makausap pero hindi sinabi sa akin ni Ryde ang pangalan ng naaksidente niya.
"Miss Vellarde?" Napaangat ang tingin ko nang marinig na may tumawag sa akin.
Nahihiyang napangiti na lang ako sa mga kasama ko ngayon sa meeting room. We are having meeting but I can't pay attention to it. I am so preoccupied right now. Hindi ako makapagtrabaho nang mabuti.
"Hey!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Rexor pagkalabas namin sa meeting room.
I stopped from walking and turned to face him. I hid everything in just a smile. Pretending sometimes is not that bad. You don't always show everything... Not everyone will understand you. That's life... This is life.
"You okay? Kanina ko pa napapansin na tulala ka." Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
Is it bad to open up to someone who is not close to you? Pakiramdam ko ay nag-iisa ako ngayon sa mga problema ko. If Jean was just here. Baka binatukan na niya ako.
I miss her so much.
"Coffee?" He asked me.
I looked at him. Sinabi ko sa kanya ang gusto ko. Pinauna na niya ako sa opisina namin. Pagkapasok ko ay mabilis na umupo ako sa pwesto ko.
Sumandal ako sa swivel chair. Mapait akong napangiti nang maalala na naman si Ryde. Hindi man niya sinasabi sa akin ay alam kong hirap na hirap na siya ngayon. Nasasaktan ako sa tuwing dinadaan niya lahat sa biro.
Umangat ang tingin ko nang bumukas ang pinto. Hinila ni Rexor ang isang bakanteng table at nilagay doon ang mga alak.
"Buti hindi ka nahuli?" Biro ko sa kanya dahil bawal ang magdala ng mga nakakalasing na inumim dito.
Tinaasan niya ako ng kilay bago umiling. Tumayo ako at umupo sa inilaan niyang upuan para sa akin.
"Ako pa ba? Masyado mo ata akong minamaliit," naiiling na sabi niya. Umupo ito sa tapat ko.
Nilagyan niya ng ice cube ang baso bago 'yon sinalinan ng alak. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya 'yon.
"Wait..." Tumayo ito at kinandado ang pinto. "Mahirap na. Baka may makakita." Natatawa niyang sabi.
I smirked before I pointed my finger on the CCTV camera. Napangiwi ito sa nakita niya.
"I don't care. Tsk..." Natawa na lang ako sa kanya.
Inilapit niya sa akin ang isang basong may alak. Pinagmasdan ko muna 'yon bago kinuha at nilapit sa aking labi. Napapikit ako nang diretsong nilagok iyon. Nanginig ang katawan ko dahil sa lamig.
Tumawa naman si Rexor bago lumapit sa aircon at hininaan 'yon. Habang ginagawa niya 'yon ay nagsalin akong muli sa aking baso at ininom 'yon.
"Easy... Baka hindi ka pa naglalabas ng hinanakit, tulog ka na." Natatawa niyang sabi bago uminom ng kanya.
Inayos ko ang kumawalang buhok sa tenga ko bago sumandal sa upuan. Bumagsak ang tingin ko sa basong may lamang yelo.
"We are not that close but I don't mind if you will open up. I am your boss so yeah, maybe I can give you advice," he chuckled.
BINABASA MO ANG
Trapped (Book 2)
RomanceTIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not only her eyes but also her heart. If we are just in a fairy tale, we can it call it a happy ending. However, no one is free from a cruel and e...