Kabanata 15

291K 10.2K 3.1K
                                    

Kabanata 15: Night

I was scanning the photos on my camera roll when Faye approached me with a two cup of coffee on her hands. Ipinatong niya iyon sa kaharap naming maliit na lamesa bago umupo sa tabi ko. Sumilip siya sa camera ko.

"You really are pefect together," she commented.

I gave her a sweet smile.

"Pwede ko bang makita ang mga shots mo?" Tanong niya kaya nakangiting ibinigay ko sa kanya ang camera ko.

Kinuha ko ang isang tasa ng kape na tinimpla niya para sa akin at sumimsim doon. Bahagyang umawang ang labi ko nang maramdaman ang init no'n.

"It tastes so good. Bagay kayo ni Gizo." Natatawa kong sabi sa kanya. They are both good when it comes to drinks.

"Nice shots..." Manghang sabi niya bago ibinalik sa akin ang camera ko. I shut it down bago ipinatong sa tabi ko.

Kumilos ang kanyang kamay para kunin ang kape na para sa kanya.

"You know what? Kapag nagta-travel ako, madalas ay hindi ko dala ang camera ko."

I put down my cup of coffee before I turned to face her. She also put down on the table hers.

"I want to capture everything with my own eyes. I don't want to waste even just a second to click a button," she chuckled.

Napatango na lang ako. Pakiramdam ko ay kahit nakangiti siya ay may itinatago siyang lungkot. I mean... Lahat naman tayo ay may itinatago pero masyadong bukas si Faye para maramdaman ko iyon.

"That's nice but sometimes because of our chaotic minds, we usually tend to forget the good times we had. I want these photos to see in the midst of the chaotic state of my mind." I said.

Minsan kasi ay nakakalimutan natin lahat ng masasayang nangyari sa atin dahil mas nangingibabaw ang mga sakit. At least... Once I look at these photos, I will suddenly remember everything that my mind can't.

"Uh, yeah. But I want everything about Gizo and I to just remain on my mind. Ayokong magkaroon siya ng bakas sa mga bagay na meron ako." Ramdam ko ang pait sa pagkakasabi niya no'n.

Sa mga sinabi niyang iyon ko nakumpirma na may problema talaga siya at dahil 'yon kay Gizo.

"Uh, I'm sorry. But... Why?" Hindi ko alam kung paano siya tatanungin dahil hindi naman kami gano'n ka-close para magsabi sa akin.

She faked a smile. "We are just having fun... I mean. Gizo."

Kumunot ang noo ko at mukhang naintindihan niya iyon kaya nagpatuloy siya. "I knew from the very start that what we have is just for temporary. We don't love each other. It won't last. " She shook her head. Natigilan ako sa sinabi niya.

Natikom ang bibig ko dahil hindi ko inakalang gano'n lang ang namamagitan sa kanila. Ang akala ko ay seryoso sila sa isa't-isa.

"You don't love him?" Gusto kong malinawan dahil medyo malabo ang pagkakasabi niya sa puntong iyon.

"Not yet but I think... I'm falling." Ngumiwi ito. "I want to stop this game as soon as possible."

"What? No. Go for it. What if he really loves you too? Come on, Faye. I know we are not that close to each other but believe me, I want you for him." I gave her an assurance smile. She's a good girl... I can feel it. "It's better to try hard than to not at all."

Mahina itong tumawa. "Thanks... But I don't want to expect. That's the scariest thing in this world. Expectations."

Niyakap ko siya nang makita ang pangingilid ng kanyang luha. Hinagod ko ang kanyang likod. Ramdam ko ang sakit na ngayon ay nasa loob niya. Parang nakikita ko ngayon ang sarili ko sa kanya.

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon