Kabanata 16

269K 9.3K 4.9K
                                    

Kabanata 16: Underneath

Napatingin silang lahat sa akin nang makita akong papasok sa kusina. Andoon na silang lahat kasama si Ryde na hindi man lang makatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay may dalang kirot sa pribadong parte ng katawan ko kaya hindi ko magawang ihakbang nang maayos ang mga binti ko. I bit my lower lip as I sat on the vacant chair beside Ryde.

"N-Napilay ka ba?" Tanong ni Faye.

Napaiwas ako ng tingin. Napatingin ako kay Gizo nang humalakhak siya na mas lalong nagpapula sa mukha ko. Mukhang may alam ang lalaking ito.

"Chels? Nadulas ka ba?" Halata ang pag-aalala sa mata ni Faye. "Bakit gano'n ka maglakad?"

I shook my head. Damn. Stop asking, please.

"Nag-exercise kasi ako kagabi. Napasobra ata." I lied. Kinagat ko ang labi ko bago umiwas ng tingin.

Napatingin akong muli kay Gizo nang pumalakpak ito at tuwang-tuwa sa sagot ko. Si Ryde naman ay busy na kumakain sa tabi ko at hindi pa ako nililingon magmula nang makapasok ako rito. What the hell is his problem again? Lagi na lang siyang ganito.

I can still remember the night when I confessed my feelings for him. Hindi niya ako pinansin kinabukasan no'n.

"Exercise at night?" Faye asked again.

Hindi na ako sumagot. Kumuha na lang ako ng pagkain at nagsalin no'n sa plato ko. Hindi ko na rin sila binalingan ng tingin.

"Nag-exercise rin naman tayo kagabi, 'di ba?" Dinig kong tanong ni Gizo at kahit na hindi ako lumingon ay alam kong para iyon kay Faye. "I think mukhang nakasabay pa ata natin sila. Sayang lang at hindi tayo nagtagpo. 'di ba, Ryde?"

Napatingin ako kay Ryde nang umangat ang kanyang mukha. Pulang-pula ang mukha nito.

"Fuck off, Gizo." He glared at him.

"What? Kami sa kwarto, kayo sa labas." Natatawang sabi pa niya.

Napatingin sa akin si Ryde na bahagyang kinaawang ng kanyang bibig. Mas lalong namula ang kanyang mukha.

"Shit!" He cursed. Napanganga ako nang bigla itong tumakbo palabas ng kusina.

Humagalpak ng tawa si Gizo habang si Faye naman ay nakakunot ang noo na animo'y nag-iisip pa. Hindi ako nakakain nang maayos kaya inubos ko na lang ang tubig na nasa baso.

"You had sex?" Nabuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa tanong ni Faye.

Muling humalakhak si Gizo na sobrang pula na ng mukha niya. Maging ako ay namula sa hiya. What kind of question is that?

"Oh--- Sorry," Nahihiyang sabi ni Faye. Napagtanto niya sigurong medyo hindi magandang pakinggan ang tanong niya.

Matapos no'n ay bumalik na ako agad sa kwarto ko. Sina Faye at Gizo na muna ang naghugas ng mga plato dahil kahapon naman ay ako ang kumilos at gusto ko munang iwasan si Gizo na walang ginawa kundi asarin ako.

Hinawi ko ang kurtina at pinagmasdan ang magandang tanawin mula rito. Bumagsak ang tingin ko sa kulay puting buhangin at pakiramdam ko ay umakyat na naman ang dugo sa ulo ko.

We did it. That was a surreal feeling and I can still clearly see his hugeness and how we did it. Napangiwi ako nang marinig sa utak ko ang mga ungol na binulong namin sa hangin. Masakit pa rin ang sa gitnang parte ng hita ko at maging na rin ang likod ko. Halos malamog ako sa ginawa ni Ryde.

"Don't you want to swim?" Tanong sa akin ni Faye na naghahanda na para sumuong sa dagat. Naka-two piece swimsuit itong kulay asul.

Ngumiti ako bago umiling. "Mamaya na lang siguro?" Binalingan ko ng tingin sina Ryde at Gizo na nag-iihaw ng barbeque. Pareho silang topless and just wearing a trunk short.

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon