Kabanata 27

238K 9K 2.6K
                                    

Kabanata 27: Wine and Gun

In the midst of silence, I heard a soft cry.

"Baby?"

Hingal na hingal ako 'pagkagising ko. Katulad ng madalas na mangyari ay parang kinakapos ako ng hangin. Kinuha ko ang unan na nahagip ng kamay ko at niyakap 'yon nang mahigpit.

"I'm sorry, baby..." I whispered.

Mabilis na dumausdos pababa ng mata ko ang mga luhang nakasanayan na atang bumagsak sa tuwing gigising ako sa umaga. Bago ako magpakita sa mundo, umiiyak muna ako. Bago ako ngumiti, nauna na akong umiyak. Ito ang naging buhay ko sa loob ng matagal na panahon.

"I'm sorry, Ryde..." Hindi ko napigilang mapahagulgol.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong humahagulgol at paulit-ulit na humihingi ng patawad.

Nang mapagod na ang mata ko sa paglabas ng luha ay bumangon na rin ako mula sa pagkakahiga. Hinawi ko ang kurtinang nagkukubli sa liwanag mula sa labas at hinayaang pumasok sa loob ang sinag ng araw.

I did my daily routine. Sa loob ng mahigit isang buwan, ganito lagi ang eksena ko. Kahit papaano ay nasanay na rin akong mag-isa.

Natigilan ako sa pagpapatuyo ng buhok ko nang maalala na naman ang usapan naming dalawa kagabi ni Tracy. Kung totoo man ang sinabi niya, malamang na alam na rin ngayon ni Ryde na wala na ang anak namin.

Nakaramdam ako ng takot dahil pakiramdam ko tuloy ay narito lang siya sa paligid at nakamasid. Pakiramdam ko ay kahit na anong araw ay bigla na lang siyang magpapakita sa akin.

Hindi pa ako handa at natatakot akong kapag na sa harap ko na sila ay hindi pa rin ako handa.

Pumasok ako sa trabaho na lutang. Ilang beses akong napagalitan ng Team Leader namin dahil mali-mali ang mga nasasabi ko. Madiin kong ipinikit ang mata ko. Hindi ko mabigyan pansin ang trabaho ko.

"Hey, you okay?" Binalingan ko ng tingin ang babaeng katabi ko.

Tipid na napangiti na lang ako at tumango. Nakalimutan ko kasi ang pangalan niya.

Nung break time ay nagulat na lang ako at sumabay siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko bitbit ang tray na may lamang pagkain.

"Hmmm... Ynnah," nakangiting sabi niya na inilahad pa ang kanyang kamay. "Chelsea, right?"

I nodded my head as I held her hand. Tatlong segundo lang bago kami bumitaw sa isa't-isa. Hinawakan na niya ang kutsara at tinidor kaya gano'n na rin ang ginawa ko.

Ynnah has a healthy body. Napangiwi na lang ako nang mapansin na halos tatlong putahe ata ng ulam ang nasa tray niya at may kung anu-ano pa.

"Nakakailang naman ang titig mo..."

"Hmmm... Sorry," nahihiya kong sabi bago itinuon ang tingin sa pagkain ko.

Sa loob ng matagal na panahon ay ngayon lang ako may nakasabay na kumain. Madalas ay ako lang mag-isa. Pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako sanay nang may kasamang kumakain.

Nauna siyang natapos sa akin.

"Oh? Aalis ka na?" Natigilan ako sa pagtayo nang magsalita siya. "Pakiramdam ko tuloy ay hindi ka sanay sa mga tao," natatawa niya pang sabi.

Dahan-dahang kong inalis ang pagkakahawak ko sa tray na sana ay ibabalik ko na. Muli akong sumandal sa upuan.

"Sorry..." Bulong ko.

"Why sorry?"

Napatingin ako sa kanya. Nakataas ang dalawa niyang kilay.

"Sorry..." Napapikit ako nang hampasin niya ang lamesa.

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon