Kabanata 11

273K 10K 3.5K
                                    

Kabanata 11: Memories

Halos hindi ako pinatulog kakaisip sa nakita ko. Natatakot ako para kay Ryde at sa dahilan kung bakit nababalutan siya ng dugo sa picture. The picture was taken on a parking lot of hospital. Papasok na si Ryde kanyang kotse ang pagkakaintindi ko sa kuha ng litrato na 'yon.

Nagising ako ay alas otso na ng umaga. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay wala na si Ryde sa sofa at malamang na bumalik na sa kanyang condo unit.

Napabuga na lang ako ng hangin bago muling pumasok sa aking kwarto. Pumasok ako sa comfort para saglit na maligo. Habang dumadausdos pababa sa aking hubad na katawan ang malamig na tubig ay lumilipad naman ang isipan ko sa kung anu-anong bagay.

I need to confront him regarding this. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari at ayokong dumating ang araw na saka pa lang ay magkakalabas ng loob na tanungin siya kung kailan malabo na ang lahat. Nope. I am not going to wait for that day.

Kanina pa ako nakatayo sa harapan ng condo unit ni Ryde. Hindi ko alam kung paano siya haharapin at kung paano ako mag-uumpisa. I was about to press the passcode when the door suddenly moved. Nagtama ang mga mata namin ni Ryde.

His eyes were confused and silently asking why am I standing in front of his condo unit like a stranger being shy to face him. Basa pa ang kanyang buhok na halatang kakaligo lang. Halata rin na papasok na siya sa trabaho.

"What are you doing there?" He asked me. "Wait... Wala kang pasok?" He really is confused.

I took a deep breath. "Can we talk?" Nakita kong natigilan ito sa sinabi ko at halatang kabado.

Pagkapasok ko ay muli niyang isinara ang pinto. Umupo ako sa sofa at naramdaman ko rin na tumabi siya sa akin. Nakakasakal ang hangin sa loob at nakakapanibago ang pakiramdam na ito sa akin.

"Chels... Is there something wrong?"

Marin akong pumikit at kinuha lakas ng loob ko sa katawan para harapin siya. Medyo nagulat pa ito sa akin dahil sa biglaan kong paglingon.

"There is," I said, honestly. "And you're going to tell me everything about it.... Honestly."

"Why are you acting so weird today? Masama ba ang pakiramdam mo?" Iniwas ko ang mukha ko nang aktong hahawakan niya ang noo ko.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Ryde."

"What? I don't understand."

Natawa na lang ako bago kinapa sa bulsa ko ang aking phone. Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap sa inbox ang message sa akin kagabi.

"Wala ka bang pasok? Come on, Chels. Kaka-promote mo lang."

Itinapat ko sa kanya ang screen ng cell phone ko nang makita ko na ang message na 'yon. Mabilis na nagbago ang expression ng kanyang mukha, from worried to a cold one. Parang nawalan ng gana ang kanyang mata matapos kong ipakita sa kanya 'yon.

"What's that?" Tanong niya na dapat ay sa akin... Dapat ako ang nagtatanong no'n.

"I don't know. What happened?"

Ibinalik ko na sa aking bulsa ang phone ko nang hindi inaalis ang tingin ko kay Ryde.

"Are you sure it was me?"

That made me laugh a bit. "I know you so well, Ryde. Alam kong ikaw ito at pakiusap lang... Sabihin mo sa akin kung bakit puno ng dugo ang damit mo."

Alam kong hindi siya ang nasugatan o napahamak. Parang nadikitan lang siya ng dugo mula sa naaksidenteng tao.

"Wait... Was it me?" Kinabahan ako nang mapagtanto. "Ako ba ang inakay mo papasok sa hospital nung naaksidente ako? Kaya puno ng dugo ang damit mo?"

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon