Kabanata 14

265K 9.2K 1.6K
                                    

Kabanata 14: Hugged

Sinundan ako ni Ryde hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto ko. Pagkalapag ko ng bag ko ay mabilis na pumasok ako sa loob ng comfort room. I looked at my reflection on the mirror. I didn’t see it coming… I am so scared right now.

Kitang-kita ko sa salamin ang pangingilid ng luha sa mata ko hanggang sa pagdausdos nito pababa sa aking pisngi. I bit my bottom lip. Bakit kailangang mangyari ito?

“Chels…” I heard Ryde knocked on the door. “Can I come in?” Malambing niyang tanong. Hindi ko kinandado ang pinto kaya kung gugustuhin niya ay makakapasok siya.

Mabilis na pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at naghilamos. Hinayaan kong yakapin ng malamig na tubig ang pisngi ko at para na rin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

“Papasok na ako,” dinig kong sabi ni Ryde sa labas bago narinig ang tunog ng pagbukas ng pinto.

Nagtama ang mga mata namin sa reflection sa salamin. Bumali ang leeg nito.

“Did you cry again?” He let a heavy sigh. Nanatili ito sa gilid ng pinto. Lumapit ako sa towel na nakasabit at pinunasan ang mukha ko. Nagbadya na naman ang luha ko kaya mabilis ko ‘yong iwinaksi.

I faced Ryde as soon as I finished drying my face. “You can’t expect someone to jump because of joy after hearing that,” I said.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi bago sumandal sa pinto. Humalukipkip ito habang nakatingin sa akin, sa kanyang labi ay sumilay ang isang ngisi.

“M-Masaya kang malapit na akong mamatay?” Iyon ang nararamdaman ko sa kinikilos niya ngayon.

He simply shook his head.

“Then why are you smiling?”

Bumali ang leeg nito. “Why would I cry if I am not the one who will die?”

Napanganga ako sa sinabi niya. Ibinato ko sa kanya ang towel na hawak ko bago dumaan sa harapan niya palabas ng comfort room. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ang kanyang mga yapak na nakasunod sa akin.

“Come on, Chels. Hindi ka mamatay,” tamad niyang sinabi.

Umupo ako sa harapan ng salamin at kinuha ang suklay. Marahan kong hinagod ang buhok ko gamit ang bagay na ‘yon. I tried to avoid Ryde’s gaze on his reflection. Pero ramdam ko ang titig niya sa akin.

“Umalis ka na rito, Leibniz.” I said in a lower voice.

“That will also become your surname someday,”

I turned to face him. He’s still wearing his mischievous smile and that makes me more irritated. Parang ang saya niya sa nangyayari sa akin. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari sa akin.

“That time will not happen anymore, Leibniz.” Lumungkot ang boses ko. Umupo siya sa kama ko habang nakaharap sa akin. “I am… I am going to die.”

“How could you say that? Come on. Ba’t ang bilis mong maniwala sa sinasabi ng iba?” He glowered.

“Y-You mean… It’s not true?” Nabuhayan ako ng loob. “Did Rouve just lie to me?”

Nagkibit-balikat ito. “I can’t confirm it yet.”

“Bwisit ka, Leibniz!”

“Stop calling me by my surname, Love.” He pouted his lips. Hindi ‘yon naging cute sa paningin ko bagkus ay mas dumagdag sa aking inis.

“Why didn’t you tell me, Ozix?” I asked him.

Humalakhak ito kaya ibinato ko sa kanya ang suklay na hawak ko.

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon