Kabanata 20: Favor
Pinaglalaruan ko ang buhok ni Ryde habang nakahiga siya sa hita ko at naglalaro ng NBA sa kanyang phone. Isang linggo na rin matapos ko malaman ang mga sinabi ni Ryde. Hindi ako pumasok ngayon para makasama siya kasi pakiramdam ko ay kung hindi ko siya makikita ngayon ay hindi na ulit ako magkakaroon ng pagkakataon.
"Ayaw mo ba talaga munang umuwi sa inyo, Ryde? Sasama naman ako eh." Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi ang mga salitang 'yon ngayong araw.
Hininto ko ang paglalaro sa kanyang buhok at tumingin sa screen ng kanyang phone. Patuloy pa rin ito sa paglalaro.
"Ryde..." I called his attention.
"Hmmm? Ayoko. Iiyak lang lalo si Mommy," walang ganang sabi niya.
Napatango na lang ako. Naiintindihan ko si Tita Flare dahil nararamdaman ko rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Gusto kong maging positibo sa pagkakataong ito na makalipas ang dalawang buwan ay magkakasama kami ulit.
"Paano 'yong resto mo? Who will handle that?"
"Gizo," maikli niyang sabi.
Muli na naman akong napatango. Kinagat ko ang labi ko dahil may gusto akong itanong na hindi ko masabi.
"Ryde... Ang sabi mo makukulong ka..." Napalunok ako dahil hindi ko na alam kung paano 'yon dudugtungan.
Umayos ng upo mula sa pagkakahiga si Ryde. Binitawan niya ang kanyang phone bago tumingin sa akin. Bumagsak ang tingin ko pero mabilis din niyang itinaas ang mukha ko gamit ang kanyang kamay.
I looked at his eyes.
"Are you really willing to wait for me?" He asked.
My lips slightly parted. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay kapag sinabi kong hindi ay papakawalan na niya agad ako.
"I have no choice, Ryde. Wala namang ibang Ryde Leibniz sa mundo..." Napanguso na lang ako.
He chuckled.
Natigilan ako nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko. Sandali kong ipinikit ang mata ko kasabay ng pagtaas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa akin. Napatayo ako nang maramdaman kong maduduwal ako.
Mabilis na tumakbo ako papunta sa CR at tumapat sa bowl. Pakiramdam ko ay lalabas lahat ng bituka sa loob ko pero wala man lang lumalabas sa bibig ko.
"Hey... Nahihilo ka ba?" Naramdaman ko ang kamay ni Ryde sa likod ko at bahagya 'yong hinahagod.
Hinampas ko ang kamay niya. "Alam mo na pala magtatanong ka pa..." Muli akong tumapat sa bowl nang maramdaman na masusuka ako ulit.
"Ang sungit mo, Love." Tumawa siya.
Tumayo ako at iniwan siya sa loob. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Pumunta ako sa kusina niya at kumuha ng tubig sa refrigerator. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Ryde.
"You want coffee?"
"Don't ask me, please. Just do it..." I rolled my eyes.
Umupo ako at pinanuod siyang magtimpla. Napasimangot na lang ako dahil naiinis akong nakikita siyang nakangiti. Masaya talaga siyang naaasar ako.
"Here, Love. Konting sugar lang ang nilagay ko."
"I didn't ask..." Kinuha ko ang tinimpla niyang kape at bahagyang sumimsim doon.
Umupo siya sa katapat kong upuan at kinuha ang kanyang phone. Tutok na tutok siya roon at napapansin ko pa ang mahina niyang pagkagat sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Trapped (Book 2)
RomanceTIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not only her eyes but also her heart. If we are just in a fairy tale, we can it call it a happy ending. However, no one is free from a cruel and e...