Kabanata 28

247K 8.8K 3.4K
                                    

Kabanata 28: This is love

Gamit ang hinang-hina kong katawan at ang lakas kong mabilis na humupa ay hinarang ko ang daan ni Ryde. Suminghap ako nang makita ang tamad niyang tingin.

"H-Hindi ko sinadya. Natapon ko ang wine sa damit ko..." Para akong tangang nagpapaliwanag sa harap niya kahit na hindi naman siya humihingi no'n.

Tumitig ako sa kanyang walang emosyong mata. Gusto ko na siyang yakapin pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para ro'n.

"Ryde... Pwede bang huwag mo na lang akong pakialaman?" Namaos ang tinig ko.

Mas lalong tumamad ang titig niya sa akin. Nakakapanginig ng tuhod ang kanyang tingin pero hindi ako umiwas. Sinabayan ko kung ano ang ibinato niya.

Sa loob ng ilang buwan, sa wakas ay narito na ulit siya sa harap ko. I miss you, Ryde. I miss you so much but I know my limits.

May kinuha ito sa kanyang bulsa. May kinalikot siya sa kanyang phone bago ipinakita sa akin ang screen no'n.

"So gay, right?"

Mariin akong napapikit nang makita ang video na pagsaboy sa akin ng alak ng lalaking 'yon. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay. Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mata.

Hindi na ako magtataka na halos lahat ng naging galaw ko habang wala siya ay recorded. He is Ryde, by the way.

"Mataas ang kanyang pamilya sa lipunang ito... Pakiusap, Ryde."

"Don't say that in front of me, I am so offended right now. Hindi mo alam na sa mundo ko ay ikaw ang pinakamataas?"

Nakagat ko ang labi ko bago mariing pinunasan ang luha sa aking mata. Ibinalik na rin niya ang kanyang phone sa loob ng bulsa bago inayos ang sombrero niyang tumagilid na.

"It was just a wine... Isang mantya na kayang linisin ng tubig. Hindi isang dugo... I am just cold but not suffocated!"

Mabilis na dumaan ang galit sa kanyang mapupungay na mata at bahagya pang tumagilid ang kanyang ulo. Stop staring at me like that!

"Minsan na akong nakulong at wala akong pakialam kung muli iyong maulit sa parehong dahilan," may diing sabi niya.

"Damn it! Stop acting like a hero and save the bullets of your gun for your own sake! I can protect myself!"

"Damn it too! This is your gun and you do not need to protect yourself when I am here!"

Mas lalong nanginig ang kamay ko. Ito ang una naming pagkikita sa loob ng matagal na panahon at mga sigawan ang pinambungad namin.

"Ryde, would it be too much to ask for a birthday gift from you?" I asked him while looking at his deep eyes. He didn't say anything. "Pwede mo na lang ba akong ihatid sa apartment ko?" Sa mahinahong boses ay pakiusap ko.

Nilalamig na ako at bahayang inaantok na rin.

Namilog ang kanyang mata at sa unang pagkakataon mula sa loob ng matagal na panahon ay nakita ko ang pagsilip ng isang ngiti sa kanyang labi at parang mas natunaw ako dahil do'n.

"Hey!" Napatingin kami sa entrance nang may lumabas. Tracy.

Hindi kami nagsalitang dalawa ni Ryde. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Tracy habang nakatingin kay Ryde.

"It was you! Ikaw 'yong nakita kong nakatingin kay Chelsea nung nasa bar kami!" Dinuro pa niya si Ryde.

Napatingin ako kay Ryde na nanatiling tahimik na nakatingin sa akin. Naiilang ako sa kanyang titig kaya minabuti kong ibalin na lang ang akin kay Tracy na hanggang ngayon ay gulat pa rin.

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon