Kabanata 17: Not really
Nung gabing iyon ay hindi ako agad dinalaw ng antok. Bumangon akong muli mula sa kama at kinuha ang phone ko na kasakuluyang naka-charge. Binunot ko ang saksakan bago umupo muli sa kama.
It's already 2 in the morning. Muli kong tinignan ang mga litrato na kinunan ko. Kinuha ko ang memory ng camera ko at inilagay sa phone. Natawa ako nang makita ang sarili kong umiiyak sa camera habang si Ryde na nakahiga sa buhangin ay nakangiting nakatitig sa akin. 'Yon ang pinaka nagustuhan ko sa dami ng mga nakunan ko. The way he looked at me... It's love.
Sumandal ako sa headboard. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa screen ng phone ko bago nakaramdaman ng pagkauhaw. Lumabas ako ng kwarto ko at marahang naglakad papunta sa kusina. Hindi pa man ako lubusang nakakapasok nang may marinig akong mga bulungan do'n.
Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa takot. Hindi naman siguro multo ang mga 'yon? Kahit kinakabahan ay sinubukan kong sumilip. Agad na nahagip ng mata ko sina Gizo at Ryde na nakaupo sa gilid ng table at may hawak na tig-isang beer sa kanilang kamay.
"I'm trying to do my best." Dinig kong bulong ni Gizo. "Pero hindi sila nagpapabayad. Anong tingin mo?" Mabilis na napaatras ako nang lumingon si Gizo.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero hindi ako umalis. Nagtago ako sa pader na pumapagitna sa amin. I'm all ears at this time.
"Tingin ko ay alam na rin nila ngayon na nasira rin ang sasakyan mo nung nangyari ang insidente. Ryde... What are you going to do? Nag-uumpisa na silang maghinala sa'yo."
Anong pinag-uusapan nila? May kinalaman ba ito sa pagkasira ng harapan ng sasakyan ni Ryde?
"It's me..." Kahit na bulong lang 'yon ay malinaw kong narinig. "That's it," dugtong pa ni Ryde.
"W-What? Fuck, dude."
"It's my fault. The blood... It's all because of me."
Mabilis na tumakbo ako papasok sa kwarto ko nang marinig ang mga yabag. Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang humihiga sa kama. Ipinikit ko ang mata ko nang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko.
Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa akin at paggalaw ng kama ko. Kahit na hindi ko imulat ang mata ko ay kilalang-kilala ko ito dahil sa kanyang pabango na kabisado na ng pang-amoy ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay may alak na kasama ang amoy niya.
Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking pisngi. Kumalabog ang dibdib ko sa simpleng haplos niya at ang panginginig ay umabot sa dibdib ko. Sobrang sikip ng paghinga ko.
"We'll get through this, my love..." He whispered.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising para ihatid sina Faye at Gizo sa bangka na maghahatid sa kanila pabalik. Hinila ko si Faye palayo kina Gizo at Ryde na nag-uusap. Hinarap ko si Faye na nakangiti sa akin.
"Take care, Faye. Huwag kang masyadong magpagod. Hindi lang ikaw ang umaasa sa katawan mo." Pagpapaalala ko na kinatawa niya.
"Salamat, Chels... Salamat sa pagpapaalala. Ikaw pa lang ang nasasabihan ko tungkol dito at nagpapasalamat akong hindi mo ako binigong magbukas ng isang sikreto sa'yo." Nangilid ang kanyang luha. "Ano ba 'yan. Masyado akong emotional." Natatawa niyang sabi.
Niyakap ko siya. "May you find happiness..." I said.
Kumalas siya sa pagkakayap at hinarap ako. "Mag-iingat ka... kay Ryde." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Masyado ka niyang mahal. You know? Too much love can kill you." Natatawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Trapped (Book 2)
RomanceTIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not only her eyes but also her heart. If we are just in a fairy tale, we can it call it a happy ending. However, no one is free from a cruel and e...