Haaaaaaays! Ano ba naman to! Kahit kelan talaga, badtrip tong si ex eh. Tingnan mo, tiningnan ko lang yung bago nyang profile pic nya sa fb, nag-lag na phone ko. Ngayon, kailangan kong i-off tong phone ko!! Malas talagang lalaki yun. May balat sa pwet siguro yun! Hay! Nakakagigil naman oh!"Miss, upo ka lang. Wag kang masyadong maharot."
Napatingin ako sa gilid ko nang may narinig akong boses. Napaupo ako ng maayos. Kase naman! Sa sobrang inis ko, gumagalaw pala tong upuan na kinauupuan ko dito sa park. Naistorbo ko tuloy tong si kuyang na nag-aayos din ng cellphone. Teka nga, bat ko ba sya tinitingnan?!
[Eh pogi kasi eh...] -Konsensya
Ay anuba! Napailing na lang ako tsaka tumutok sa phone na inaayos ko. Natanggal ko na yung takip at battery ng cellphone ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nilagay ni Kuyang yung sim card nya sa gilid nya, bale katabi ko yung sim. AY ANUBA!! BAKIT BA INIINTINDI KO BA YUN?!
[Eh pogi nga kasi...]- Konsensya
Epal ka konsensya ha. -_- Tatanggalin ko na sana yung sim card ko nang maayos na ang phone ko at ma-stalk ko na si ex nung biglang tumahol yung aso sa tapat ko, tumalsik tuloy yung sim card. Kasabay ng pagtalsik ng sim card, umugong din ang upuan. At ang malupet?! Asan dito ang sim koooo?! Yung sim ni kuya at sim ko magkatabi. Alin ang kukunin ko?! Pareho kami, kung minamalas nga naman oh! Eh etong kuyang to, hindi manlang tumingin at kinuha yung isa sa mga sim tsaka umalis.
Waaaaah! Akin ba tong sim na to? Sure ka kuya ah? Ayon, nagmuka kong baliw na sinundan sya ng tingin habang papalayo sya. Naman! Sana ito yung sim card ko. Yung number ni ex. Huhu.
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...