MJ's POV
8 years ago
"Hahahaha! Ate melody, hindi naman eh."- depensa ko sa sarili ko ng asarin nila ako kay kuya Jerome, kababata ko, na may gusto ako sakanya. Kasalukuyan kaming nasa roof top at dinadama ang malalamig na hangin dahil na rin sa alas sais na ng gabi.
"Asssuuuuuus!"- si ate melody, sabay sundot ulit sa tagiliran ko. Bakit ba ayaw nilang maniwala sakin? Hahahaha!
"Hindi no. Kase, mga ate, may nililigawan na ko. Mas gusto ko sya."- paliwanag ko sakanilang tatlo; Ate Melody, Ate Analyn tsaka yung boyfriend nya na si Kuya Sam. Ngumiti ako sakanila ng malapad pagtapos kong sabihin yun.
"Ikaw nanliligaw? Ampangit nun ah."- komento ni Ate Analyn. Nagkibit balikat na lang ako tsaka kumain ng mamon na nilibre ni Kuya Sam.
"MAXINE, UWI NA."- rinig kong tawag sakin ni mama sa baba. Napatingin ako sa hagdan ng rooftop.
"Tawag ka na."- sabi ni ate melody. Tumango ako tsaka uminom muna ng softdrinks. Tumakbo ako papunta sa pintuan pababa ng rooftop. Nang makarating ako dun, huminto muna ako para lingunin sila Ate tsaka kumaway. Nagsimula akong bumaba ng makita ko silang kumaway pabalik.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagbaba ng bigla akong tinawag ni Kuya Sam. Bakit kaya? Siguro may ibibigay ulit sya saking lollipop.
"Bakit po?"- tanong ko sakanya ng lingunin ko sya. Nginitian nya ako tapos lumapit sya sakin para pantayan ako sa hagdan. Umupo sya sa isa sa mga hagdan para maging magkatapat yung mga muka namin.
"Ang cute cute mo."- sabi nya sakin habang nakangiti sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.
"Salamat Kuya Sam."- magalang na sabi ko sakanya habang nakangiti.Bababa na sana ako kaso pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa pulsuhan ko. Tiningnan ko ulit sya. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang maselan na bahagi ng katawan ko. May kung anong bagay na napunta sa loob ng lalamunan ko. Parang may nabarang karne, katulad ng kapag kumakain ako. Hindi ako nakapagsalita ng simulan nyang igalaw ang mga kamay nya papunta sa pang-upo ko. Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng hawak nya. Huminga ako ng malalim habang mahinang umiiyak. Kahit ang hirap, pinilit kong makasigaw.
"M-mama! Si Kuya Sam!"- sigaw ko habang humahagulgol ng iyak. Nagalit sya sakin kaya tinulak nya ko sa hawakan ng hagdan. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo, pagkatapos naging madilim lahat...
Napabalikwas ako sa kama ng humihingal. Kaagad kong kinuha ang phone ko para kontakin ang mama ko. Sinubukan kong i-dial ang number nya kaso nanginginig at namamawis ang mga kamay ko. "M-mama..." Pinunasan ko ang luhang pumatak galing sa mga mata ko. Nanginginig pa din ang mga kamay ko pero hindi ako tumigil sa pagsubok na matawagan ang mama ko. Hanggang sa sunod sunod na patak ng luha ang nararamdaman ko sa mga pisngi ko. Paulit ulit ko itong pinunasan.
[Hello, anak. Magpapadala na kami ng papa mo mamaya.]- sabi ni mama ng sagutin nya ang tawag ko pagtapos ng ikalawang ring.
"M-mama... M-mama.."- tawag ko sakanya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at walang tigil na kahihikbi kaya naman kinagat ko ang hintuturo ko. Hindi ko maitago ang takot na nararamdaman ko.
[Anak, anong problema?! Bakit ka umiiyak?]- sagot ulit ni mama sa kabilang linya.
Napatingin ako sa orasan, alas kwatro na ng umaga. Niyakap ko ang mga tuhod ko.
"M-mama, si K-kuya Sam... N-napanag---- napanaginipan ko sy-sya. Ma-mama, natatak-ot ako."- pautal-utal kong sabi. Narinig ko si mama na sumigaw sa kabilang linya pero hindi ko gaanong narinig dahil humina ang boses nya, nilayo nya yung telepono sakanya.
[Anak, wag kang mag-alala ha? Walang mangyayari sayo-- DALIAN MO NA ROMAN!]
*call ended*
----
Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang mataas na sikat ng araw na nagmumula sa maliit na bintana na nasa kwarto ko. Hindi muna ako bumangon at patuloy na tiningnan ang mga kable na parang ang ganda ganda nito sa paningin ko, sa labas ng bintana ko. Nakatulog pala ako kakaiyak kanina. Walong taon na simula nung nangyari yung masamang karanasan ko sa Q.C. Pagtapos ng pangyayaring yun, nagsampa sila mama ng kaso laban sa lalaking yun. Nanalo kami, at nakulong sya. Walanghiya sya... Wala syang awa... Naramdaman kong sumampa si Miyaki sa tagiliran ko. Maya-maya tumalon sya papunta sa harapan ko. Napapikit ako ng dilaan nya ang ilong ko. Umiiyak na naman ako. Hays. Agad ko itong pinunasan atsaka niyakap si Miyaki.
"Thank you miyaki."
Habang yakap-yakap ko si miyaki, nag-ring ang phone ko na nasa tabi ko at lumabas ang muka ni Eliza. Kinuha ko ito tsaka sinagot ang tawag.
"Hi..."
[Hello beshy? May gamit ka na ba sa school?]
Suminghot muna ako bago ako sumagot sakanya.
"Ha? Uh, wala pa. Bakit?"- sagot ko.[Teka nga, punta ako dyan.]- sabi nya. Nakikita ko sa isip ko na nakakunot ang noo ni Eliza habang sinasabi nya yun.
Bago pa man ako makapagsalita ay pinatay nya na yung tawag.
"Anong nangyari?"- bungad sakin ni Eliza ng makarating sya sa bahay. Nasa sala kami, nakaupo ako sa sofa habang may kumot na nakabalot sakin. Nakatingin lang ako sa sahig. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.
"S-si sam... Ginugulo nya ko."- mahinang sabi ko dahil nagbabadya na namang bumuhos ang luha ko. I gulped as I felt a lump in my throat.
"Sssssh..."- pagpapakalma ni Eliza sakin. Inakbayan nya ko atsaka pinatong ang ulo ko sa balikat nga habang hawak naman ng isa nyang kamay yung mga kamay ko na nagsisimula na namang manginig.
"Sometimes Ey, it's good to cry when you're in misery."- kalmadong sabi nya. Pinikit ko ang mata ko at nanatiling nakasandal sakanya. Hindi ako nagsalita at nagpakawala ng mahihinang paghikbi.
"Walang taong totoong malakas. Walang taong walang kahinaan. Kasi yung kahinaan na yun ang magiging dahilan para maging malakas ka."- dugtong nya.
I closed my eyes tightly to stop the stupid tears flowing out. Totoong malakas ako in some ways but not in everything. I have this past being my weakness.
"But sometimes, it's also bad to cry so much over a thing. That's not a good habit. It means, you are coward enough for loosing your own fight."- Eliza said while caressing my head. It actually calmed me.
Right. All of my life, kinimkim ko yung masamang pangyayaring yun. Naging duwag ako para labanan yung takot ko. I may be strong outside, but actually I'm suffering inside because of that weakness.
"It's time to stand, Ey. Fight, and continue walking forward. Forget the past, surpass your weakness."
That made me smile. I lift up my head from Eliza's shoulder and hugged her.
"You're right Eliza. Thank you."- I said, still hugging her. She caressed my back before breaking the hug.
"Stop crying na ha? Naiiyak din ako eh."- she commands while wiping my tears. I chuckled a bit causing her to smile.
"Best bestfriend ever."
YOU ARE READING
Make It Yours
DiversosPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...