MJ's POV
Kinabukasan
*Sx by the fire at night~ silk sheet and diamonds all white~ lucky for you, that's what I like, that's what I like~*
Nagmulat ako ng mata dahil sa ringtone ng phone ko. Kinapa ko sa bedside table ko yung phone ko at nakapikit na sinagot ang tawag.
"Mmm, helloooo?"- inaantok pang wika ko. Minulat ko ang kanang mata ko para tingnan ang oras sa wall clock na nasa kwarto ko. 5 palang ng umaga.
"Goodmorning Maxine."- bati ni.... Russen? Ano naman kaya ang dahilan at tumawag sya? Napamulat ako ng mata.
"Oh, Russen. Na-napatawag ka?"
Simula nung mawala si Eliza, nagpasya syang wag ng ituloy ang panliligaw sakin sa di ko alam na dahilan. Inisip ko na lang na baka naapektuhan sya ng sobra sa pagkamatay ni Eliza kaya naman ako na lang ang umiintindi. Isa pa, magkaibigan naman na kami ngayon eh.
"Tumawag lang ako para magpaalam..."- sagot nya sa kabilang linya. Wag nyang sabihing, may cancer sya?! Aish, nakagat ko ang kuko sa hintuturo ko.
"H-huh? Magpaalam?"- takang tanong ko naman sakanya.
"Mmm. Aalis na kasi kami nila mama. Pupunta na kaming Japan."- sabi nya kasunod ang pagbuntong hininga ko. Maiiwan na naman ako... Lagi naman...
"A-ah, ganun ba.. Kelan kayo a-aalis?"- tanong ko tsaka inalis yung pagkakakagat ko sa hintuturo ko.
"Ngayon na. Papunta na kami ngayon ng airport."
"Hmm, sige. Ingat kayo ha? Tsaka babalik naman kayo d-dito diba?"- ngumiti ako. Sandali syang natahimik sa kabilang linya.
"H-hindi ako sigurado eh."- sagot nya pagtapos. Bahagya namang nawala ang ngiti ko.
"A-ah..."- sagot ko na lang.
"Sige, ibababa ko na ang t-tawag."- sabi nya. Bumuntong hininga ako.
"Sige, bye. I-ingat kayo ah?"- paalam ko sakanya. Ibababa ko na sana ang phone ko ng bigla nyang tinawag ang pangalan ko.
"Maxine.."
"Oh, bakit?"- tanong ko sakanya.
"M-mamimiss kita..."- sabi nya. Natigilan ako sandali tsaka napangiti ng maliit.
"Ako din Russen."
----------
Maaga pa kaya naman nagdesisyon akong mag-jogging sa labas pagtapos kong kumain ng tinapay at nagkape. Nagsuot ako ng loose shirt na kulay peach tsaka leggins na hanggang tuhod. Sinuot ko din yung airwalk ko na kulay itim bago lumabas ng bahay. Pagkasara ko ng pinto, sinalpak ko sa tenga ko yung earphone ko bago magsimulang tumakbo.Mula sa bahay, tinakbo ko yung bandang kanan ng bahay. Kung hindi ako nagkakamali, sa dulo nun ay may mga puno ng mansanas tsaka roses. Bahagya kong binilisan ang pagtakbo para marating agad ang lugar na yun.
Maya-maya lang, nakarating ako doon. Sumalubong sakin yung maraming puno ng mansanas. Sinundan ko ang pathway papasok ng malaking lupain ng puno ng mansanas. Sa paglalakad ko, hindi ko maiwasang tumingin sa mga bunga nito. Hindi na din naman kasi ganun kadilim hindi katulad kanina. Ang pupula tsaka ang sarap tingnan lalo na yata kapag kinain na. Napatigil ako sa paglalakad ng may mapansin akong tao sa di kalayuan. Nandun sya sa spot ng mga roses at hinahawakan ang mga yun na nadadawanan nya.
Napanguso ako. Akala ko pa naman ako lang ang nakakaalam ng lugar na to bukod sa may-ari. Pero, baka sya ang may-ari?
Pinakatitigan ko yung lalaki. Yung buhok nya kagaya ng kay ugok----Teka! Bakit ko ba iniisip ang ugok na yon?! Erase, erase!
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...