MJ's POV"Hoy"
Grabe yun ha? Maka-hoy naman. Kunot noo kong nilingon yung direksyon kung saan ko narinig yung boses na yun. Si Yvonne. Ano namang problema nito? Oo nga pala, si Yvonne. Yvonne Ibo. Lahat ata ng tao, inis dyan. Masyado kasi syang assumera. Feeling maganda, magaling, mga ganun. Oo rank three sya. Pero di sya matalino nuh. Lantaran nga pangongopya nyan. Tsaka bali balita din na nang-aakit sya ng teacher para makapasok sa honor rolls. Tsh. I don't care. I have my own business.
"Bakit kasama mo si Harvey?"- mataray nyang tanong sakin.
"Eh bakit di pantay kilay mo?"- re-butt ko naman sakanya. Nainis siguro sya dahil kumunot ang noo nya. Kung pakelamera sya, pakelamera din ako. Pasalamat sya at wala ako sa mood para magpaka-pilya. Madami akong iniisip.Oo nga pala. Nakalimutan ko. Ex ni Harvey si Yvonne. Aish, Ey! Why so stupid! Argh! >.< Malamang, gagawing issue to ni Yvonne.
"Bakit, inggit ka?"- nakangisi nyang tanong sakin. Mukang nang-aasar. Hah! Kala nya naman maaasar ako? Ngumisi din ako sakanya, at tinaasan ng kilay.
"Bakit naman ako maiinggit sa drawing mong kilay?"- magmuka kang tanga dyan Yvonne. Sasagutin kita ng tanong! BWAHAHAHA! Napasimangot sya sa sinabi ko at nag-walk out. Napailing ako at napabuntong hininga."Oh ano Yvonne? Palag pa? Hahaha! Hi Beshy!"- si Eliza nung makapasok ng room namin. Nginitian ko sya sakto namang nakipag-apir sya sakin kaya nagmuka akong astig. Narinig pala nya yung sagutan namin ng ibon na yon.
"San ka galing? Bat antagal mo?"- tanong ko sakanya nung umupo sya sa tabi ko.
"Bakit, miss mo ko? Hehe. Si Garrett kasi, hindi agad ako pinaakyat. Nilandi muna ako. Hihi!" Para akong masusuka sa sinabi ni Eliza.
"Dugyot kayo eh noh?"- sabi ko tsaka pinatong yung ulo ko sa desk ko.Alam na kapag sinabi ni Eliza na nilandi sya ni Garrett. Nag-laplapan sila sa janitor's room.
-----
Nakalumbaba ako habang nakatingin sa MAPEH teacher ko na walang tigil sa kadadakdak sa harap. De joke. Naglelesson sya. Hays, uwing uwi na ko. Tiningnan ko yung wall clock namin. 15 minutes na lang bago matapos ang klase. Konting oras na lang...
"So, para sa inyong final task this last period..."- sabi ni sir.
Oo nga noh. Ang bilis, matatapos na agad ang school year. Kinakabahan ako sa bagong school na papasukan ko next school year...
"You need to have a mosaic paintings. Do it on a oslo paper. Deadline is on thursday. Goodbye class 4-A."Tuesday ngayon, may dalawang araw pang makagawa ng task na yun. Yes! Makakauwi na! Agad kong niligpit ang gamit ko at tinapik si Eliza.
"Bye beshy!"- paalam namin sa isa't-isa. Narinig ko pa syang nagsabi ng 'I love you' bago ako tuluyang makalabas ng room.Mabilis ko lang nababa yung lahat ng hagdan sa building namin. Waaaaa. Miss ko na si miyaki...
"HOY MJ MALANDI!"
Napatigil ako sa pagtakbo nung narinig ko yun. Taena, ano daw yon?! Nilingon ko si Yvonne na nasa huling dalawang hakbang ng hagdan na nakatayo kasama ang alipores nyang mukang sugpo. Si Eunica Belo.
Hinarap ko sila ng tuluyan habang seryoso at kalmado lang ang muka ko. Tae, ayoko sa lahat sinasabihan ako ng malandi eh. Tawagin mo na kong tanga, wag lang talaga yan.
"Ulitin mo nga yang sinabi mo."- diretso kong sabi. Ngumisi naman sya. Leche ka! Ampangit mo Yvonne!
"Bakit, nainis ka ba? Kase totoo!"- malakas na sabi nya dahilan para lingunin kami ng ibang mga estudyante.
"Ayan sige! Lapit kayo dito guys!"- sigaw naman ng walangyang Eunica na to. Papansin talaga!
"Oh ano MJ? Totoo diba? Kase nilalandi mo si Harvey!"- lalong napintig ang tenga ko. Punyeta to ah."How sure you are? Bakit affected ka? Bitter much?"- sunod sunod kong tanong sakanya. Kalmado pa din ako. Ayokong magmukang b*tch sa harap ng mga chismosong etudyante na to.
"Sabihin mo, malandi ka lang!"- sigaw na naman nya. Tae, gusto ko syang sampalin ngayon ha.
"Eh anong tawag sayo? Fuck girl?"- tanong ko sakanya. Ako naman ang ngumisi this time. Nagbulungan yung iba, especially dun sa mga hindi familiar sa mata ko. Nataranta si Yvonne dahil tiningnan nya yung mga taong nagbulungan. Pagtapos tiningnan nya ko. Nagcross arms at ngumisi ako sakanya. Nagulat ako nung tinaas nya yung middle finger nya sakin, pero hindi ko pinahalata. Nagtaas lang ako ng kilay at nag-flip hair bago tumalikod sakanya. Bobo nya talaga kahit kailan. Rank three kaya sya, ano na lang iisipin ng mga tao na to sakanya pagtapos nyang magbad finger sa sandamakmak na tao na to? Hays, YVONNE BOBO talaga.Habang naglalakad, naramdaman kong nagvibrate phone ko sa loob ng skirt ko. Pagkakita ko, si Harvey nagtext.
From: harvey
Message: kita tau sa court. Love you. ❤Nag-blush ako bigla. Tae, ano ba to! >////< Nagreply lang ako ng 'okay' at nagpatuloy na sa paglakad.
Naglakad lang ako para naman magmuka akong VIP hihi. Pagdating ko dun, ang dilim dilim ng buong court. 6:12 na din kasi ng gabi tapos puro puno pa yung paligid ng court.
Pag ako pinagtitripan lang ni Harvey babustedin ko yung hinayupak na yun. Takot ako sa dilim!!!! Itetext ko na sana sya kaso unti unti nagbukas yung ilaw sa court. Nakita ko si Harvey, nasa gitna kasama si Jonson at yung tropa nila. Sa likod nila may lamesa na merong kulay white na table cloth tapos madaming nakapatong. Yung buong court puro ribbons at hearts. Grabe, anlaki ng court tas naging ganito? Napatingin ulit ako kay Harvey na may hawak na rose at chocolates. Tulad ko, nakasuot sya ng uniform.
"Hi MJ."- bati nya sakin. Di ko maiwasang mapangiti sakanya. Kaya siguro medyo wala syang kasweet sweet kahapon dahil inipon nya para ngayon. Grabe, kinikilig ako. Anlakas ng tibok ng dibdib ko.
Ngumiti sya pabalik sakin. "Nagustuhan mo ba?"
Wala akong masabi kaya tumango na lang ako. Lumapit sya sakin, tsaka binigay yung hawak nya.
"Thank you."
"Wala akong alam sa panliligaw kaya nagpatulong ako kay Jonson at sa buong tropa."- sabi nya at napakamot ng ulo. Wow, grabe kinikilig talaga ako.
"Okay lang."- sagot ko at napatawa ng mahina. Kasi naman eh!
"MJ! Sagutin mo na yan! Seryoso sayo yan!"- biglang sigaw ni Jonson mula sa likod.Sa totoo lang, gusto ko na ding sagutin si Harvey eh. Gusto naman namin ang isa't isa at alam kong hahantong din yun sa pagiging 'in a relationship' namin. First time kong makaranas ng ganito, kaya sasagutin ko na sya.
"Harvey! Yung line mo!"- sigaw ulit ni Jonson. Ngumiti sya tas hinawakan yung kamay ko.
"MJ..."- tawag nya sa pangalan ko. Eeeeeh. Nikikilig ako. Ano ba. Ano ba!"Will you be my girlfriend?"
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...