THIRD PERSON'S POV
Kasalukuyang naglalakad paakyat ng hagdan si MJ habang nagtetext gamit ang kanyang cellphone. Sinabi nyang papunta na sya at nasa second floor na sya. Sa kabilang dako, nasa third floor ang taong nakapalitan nya ng sim card kasama ang kanyang driver. Kagagaling nya lang sa loob ng comfort room at napagdesisyunang hintayin ang katagpuan nya sa bench malapit sa CR.
"Young master, tumatawag po ang mommy nyo."- magalang na sabi sakanya ng kanyang driver habang abot abot sakanya ang telepono. Walang emosyon nya itong kinuha at kinausap ang kanyang ina sa kabilang linya.
[Hey there son.]
"Yes mom. Why'd you call? Is there something wrong?"- sagot nya. Tumingin sya sa kanyang relo at halatang inip na inip na sa kaiintay.
[Oh, no. There's none. I just wanted to inform you about your dinner date with Shyla.]
Napasinghap ang lalaki sa tinuran ng kanyang ina. Ayaw na ayaw talaga nya ang makipag-date lalo na't masyado syang abala sa pag-aaral kung paano mag-manage ng mga institutions.
"Mom, how many times do I have to tell you that I don't like hanging out with random girls?"- reklamo ng binata sa kanyang ina. Diretso lang ang kanyang tingin sa katapat na stall ng kanyang inuupuan.
"Besides, I'm busy studying some stuffs,"- dugtong nya.[But----]- hindi na nya pinatapos ang gustong sabihin ng kanyang ina at nagsalita ito. Napahawak sya sa kanyang sentido papunta sakanyang batok habang nagsasalita.
"Mom, gusto ko ako yung nag-aaya sakanila ng date personally. Moreover, it is all men's job. It's really unnatural kung sila ang pumipilit sa lalaking makipag-date, right?"- pangangatwiran nya na naging dahilan upang matahimik ang kanyang ina. Napangisi at bahagyang napayuko ang binata sa naging reaksyon ng kanyang ina.
"Bye mom. I love you."- he said before ending their conversation. Nakangiting binalik ng binata sa kanyang driver ang telepono na agad naman nitong kinuha.
"Manong Tomy, I felt dizzy. I want water."- biglang sabi ng binata ng makaramdam sya ng pananakit ng ulo. Magalang na yumuko ang matanda tanda ng pagsunod at mabilis na nilisan ang lugar upang bumili ng tubig. Napahawak muli sa kanyang sentido ang binata suot suot ang iritadong muka nya.
"Why is that person so slow?"MJ's POV
Haynako! Bakit ba kasi sira ang elevator? Nakakapagod. Hay. Narating ko na ang third floor at nagsimulang hanapin ang cr ng mga lalaki. Saan ba dito yun? Nakakainis naman, pinaghanap pa k----
"Ouch!"- angil ko ng matumba ako sa sahig dahil sa pagkakasagi saakin. Ugh, anubanamanto. Bakit ba puro kahihiyan ngayong araw?!
"Sorry madame."- sabi nung matanda na nakabihis pang-driver. Yumuko sya atsaka mabilis na naglakad paalis. Luh? Di ba sya tinuruan ng manners? Iwan daw ba ako dito na nakasalampak lang? (¬_¬)
"Aish, di manlang ako tinulungan..."- bulong ko. Agad akong tumayo atsaka nagpagpag bago naglakad ulit. Sa konting paglalakad, nahanap ko din kung nasaan ang cr. Hindi nakawala saking tingin yung lalaking nakaupo sa bench na malapit sa cr. Omg! Sya na yun!! Omg paano ako lalapit?! Huwaaaa! Napakagat ako sa daliri ko ng di oras. Omg naman kase, ang puti hutek na yan... Halos mapatakbo ako sa gulat ng napatingin sya sakin. He even furrowed his eyebrows to me na para bang inoobserbahan ako. Bahagya syang nakabend habang nakapatong ang siko nya sa lap nya. Omg ako lang ba, o ang hot nyang tingnan sa pose nyang yan? Ugh! Hindi ko alam pero bumilis yung tibok ng puso ko. Huwaa. Since ako naman talaga ang hinihintay ng poging nilalang na to, lumapit na ko sakanya. Hihi! Sinigurado kong maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko, kase baka maulit na naman yung nangyaring epic fail ko kanina with manong. Sinundan ako ng tingin nung lalaki.
(Now playing: What lovers do-Maroon 5)
"Hi"- bati ko sakanya with my oh-so-lovely-smile. Inaasahan kong ngingitian nya ko pabalik pero hindi. Nawala din tuloy ngiti ko. Hmp.
"What took you so long?"- cold na sabi nito sakin. Muntik na akong mapanguso sakanya. Anubayan. Ang arte nito.
"As I have said nga po kanina mister, traffic. T-R-A-F-F-I-------"- hindi ko na natuloy yung pagispell ko ng bigla syang tumayo sa pagkakaupo na naging dahilan para mapaatras ako. Duh?! Ang lapit ng muka nyaaaa!
"H-hoy!"- sita ko sakanya habang duro duro sya. Kumunot naman lalo yung noo nya. "Aish." Napangiti ako sakanya. Lumapit ako sakanya para marinig nya yung bulong ko.
"Anuba, kung may balak kang halikan ako, wag dito."- i whispered while giggling. Napatingin ako sa mga taong dumadaan para itago yung ngiti ko sakanya. Haynako, mga lalaki ngayon, ang lalandi. Wahahahaha! Naramdaman kong hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya kaya nilingon ko sya. Kung kanina nakakunot lang noo nya, ngayon nakataas na. At mukang galit sya. And for the second time, nawala ang ngiti ko.
"So you think, I'm gonna kiss you before giving your sim?"- masungit na tanong nya sakin. Napasinghap ako at napaayos ng tayo. Lumayo na din ako... Ng konti. Hehe.
"A-ah! O-oo nga pala. Hehe. Yung sim. Teka..."- sagot ko sakanya. Kinuha ko yung phone ko para kunin dun yung sim. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagcross arms sya habang nakatingin sakin. Napangiti ulit ako. Siguro crush ako nito eh. HAHAHAHA! Lumapit ulit ako sakanya.
"Ikaw ha! Kanina ka pa tingin ng tingin! HAHAHAHA! Crush mo ba ko? Ikaw naman, kakakilala palang natin---"- hahampasin ko sana sya sa braso kaso iniwas nya yun sakin na para bang may virus ako. For the third time, nawala yung ngiti ko.
"Just give me my sim and we're done. Here's yours."- sabi nya sabay abot sakin ng sim ko. Muntik na naman akong mapanguso sa kasungitan nya.
"Oo na, eto na."- sagot ko. Mabilis kong kinuha yung sim card nya at pinalitan ng sim card ko. Inabot ko yun sakanya na agad naman nyang kinuha sa pamamagitan ng paglalahad nya ng kamay. Aish. Akala ko pa naman mahahawakan nya kamay ko. Tiningnan ko sya at nakitang nakatingin sya sakin ng masama. Problema neto?!
"You know what? Stop being assuming, lady. You're so annoying."- hirit nya bago umalis at iniwan akong nakanganga.
What?! Did he just say I was assuming??!
YOU ARE READING
Make It Yours
De TodoPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...