CHAPTER TWENTY FOUR

9 3 0
                                    

MJ's POV

"H-HAAAAAACHOOOOOO----"

Suminghot ako tsaka pinunasan ang ilong ko. Argh! Kahapon wala to ah?! Nakakagigil naman! Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyang nakasalampak sa kama ko habang sinisipon. Suminghot muli ako at inis na tumayo para lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko ng mapansing wala manlang nag-iingay na Ate Mira sa kusina. Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan na may seven steps lang.

Baka naman tulog pa?

Napatingin ako sa wall clock na nasa sala bago dumiretso sa sofa para umupo. Alas-tres na ng hapon. Kaninang umaga as usual nag-kwentuhan kami hanggang sa mapagod pagtapos ay nanood ng TV habang kumakain ng lunch. Nagpasya silang matulog kaya naman ako ang naiwang gising.

Hindi kasi ako makatulog dahil sa bwisit na sipon na tooooo! Kasalanan to ni ugok eh! Tsk... Humiga na lang ako sa sofa ng nakaangat ang ulo saka sinubukang matulog.

------------------------------

"Ey.... Ey, gising na. Hihihi!"- boses ni ate mira. Dahan dahan akong nagmulat ng mata tsaka dahan dahang bumangon.

"Yung.... Yung sip--- HIHIHIHI! Ey, yung ano---- HEHEHEHEHE!"- bungisngis ni ate mira. Pinangunutan ko sya ng noo tsaka kinusot ang kanang mata ko. Ano bang nangyayari kay ate? Tss.

"Anooooo?"- tinatamad kong tanong sakanya gamit ang bagong gising kong boses.

"Y-yung sipon mo nanigas na sa pisngi mo Ey. HIHIHIHIHI!"- bungisngis ulit ni ate. Parang nawala bigla ang antok ko tsaka napalaki ang mga mata. My god??!

"A-ate naman eh!!"- nahihiyang sigaw ko tsaka tinakpan ang muka ko bago tumakbo sa banyo para maghilamos. Omg! Nakakahiyaaaaaaaa!!!! Ugh!! >_______<;

Pagkatapos kong maghilamos, nagdadalawang isip ako kung lalabas na ba ako o ano. Anak ng bagoong, eh sa nahihiya ako eh! Nakakainis naman bakit ba kasi sa sala pa ko natulog! Tsk!

"Hachoooo!"- bahing ko na naman. Lintek na yan....

Inis kong pinihit ang door knob tsaka lumabas na lang ng CR kesa naman magstay ako doon! Agad akong dumiretso ng kwarto para magpalit ng damit pantulog. Gabi na kasi. Pagkatapos, dumiretso na ko ng kusina para kumain ng hapunan. Nung nakalapit ako sa mesa umupo ako sa tabi ni Kuya El habang si ate mira naman ay nagtitimpla ng juice.

"Uy guys, knows nyo ba yung perya dyan sa kanto?! Tara punta tayoooo! May octopus dun, sakay tayoooo! Sige na? Hm, Kiel? Ey? Please?"- parang batang sabi ni ate mira nang malapag na nya yung pitsel sa mesa. Napatingin ako kay Kuya at nakitang nakakunot ang noo pero nakangiting nakatingin kay Ate. Nailing ako habang nakangiti din. Ang cute kasi ni ate, mygad!

"Okay lang sakin, haha! Tutal next week aalis na kayo pagbalik natin sa Manila."- nakangiting sabi ko.

"Yey!! Ikaw Kiel? Anooooo? Payag ka na, daliiiii!"- excited na sabi ni ate habang magkahawak pa ang kamay na parang batang nagmamakaawang bilhan sya ng kendi. Hehe.

"Hmmm, sige. Pero kiss muna."- nakangising sabi ni Kuya. Ate just snort tsaka umayos ng tayo.

"Yun lang ba? Haha, okay."- sabi ni ate sabay kiss kay kuya kiel.

I rolled my eyes at ngumuso tsaka tumungo sa kinakain ko. Nabibitter ako sa mag-syotang to eh! Hmp! (" - 3 -)

"E-ehem. Sige na, sige na. Magsikainan na lang tayo."- paninira ko ng moment nila tsaka sumubo na ng pagkain. Kaagad naman silang kumain na din pagtapos pumunta na doon sa perya.

*

Nagsuot lang ako ng jeans, converse shoes na kulay itim atsaka plain white shirt. Nag-pony tail na lang ako ng buhok para hindi naman nakakairita kapag nagliparan na sa kung saan saang dako ng muka ko kapag nakasakay na kami ng octopus.

Kasalukuyan kaming nasa pila ng ferris wheel. Syempre understood na magsosolo flight ako nyan dahil wala akong jowa. And so?! At least nakakakain ako 3 times a day, hmp!

Maya-maya lang nakasakay na kami sa ferris wheel. Sabi ko nga, solo flight ako. Dalawang upuan ang pagitan ng pwesto ko at pwesto nila Kuya at Ate. Nilingon ko sila tsaka ngumuso. Ni-lock na kasi nung mama yung upuan nila. Tas yung sakin, hindi pa.

"Kuya, bakit di mo pa nilalock??"- agad na tanong ko ng mahinto si manong sa tapat ko.

"Hindi kasi pwede ng isa lang, naghihintay pa"

"Ako kuya!"- sigaw nung boses. Napatingin naman ako sa pinanggagalingan ng boses. Naks! May poreber ako. Hihihi!

Syempre charing lang. Babae na grabe kung mag-lipstick na itim ang lumapit kay manong tsaka inabot yung ticket bago sumakay sa inuupuan ko. Nang makasakay na sya, agad na sinara na ni manong yung upuan.

"Hachoooo!"- biglang bahing ko. My god! Agad kong pinunasan ang ilong ko gamit ang panyong dinala ko.
"Sorry."- sabi ko sa katabi ko ng mapansing nakatingin sakin.

"Ayos lang. Anong pangalan mo?"- tanong nya.

Nilingon ko sya at nakitang nakangiti sakin. Ngumiti din naman ako sakanya. Maganda sya. Maputi, matangos ang ilong. Napansin ko ding marunong syang pumorma. Astigin! Nakasuot sya ng black na sleveless sabay may itim na denim vest tapos boots at black shorts. Ang hilig nya sa itim diba?

"Uhm, Maxine Jane. MJ na lang---- HACHOO! Aish, sorry..."

Umandar na ang ferris wheel. Pagkatapos kong punasan ang ilong ko nilahad nya ang kamay nya sakin.

"Ako naman, Sean Key Mariano pangalan ko."

Kinuha ko ang kamay nya atsaka nakipagshake hands. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. Sana----

"Sana maging magkaibigan tayo, MJ."- dugtong nya. Ngumiti ako ng malapad sakanya atsaka tumango.

"Sure!"

*

"May kakilala kang JC Yu?"- tanong ko kay Key na nakaupo sa bench. Nagpasya kasi kaming manahimik sa isang tabi para magpahinga. Madami-daming rides na din kasi ang nasakyan namin. Ansarap nyang kasama! Lagi nya kong dinadaldal. May pagka-prangka din sya. Kapag ayaw nya, ayaw nya. Sinabihan nya nga kong plain dahil ayaw nya sa porma ko. Hmp.

"JC Yu? Mmm-mmm."- sabi nya atsaka tumango habang kumakain ng piattos.

"Talaga?? Paano? Kasi alam mo, nagkakilala kami nun nung nagkapalitan kami ng sim. Hayyy, gwapo sana kaya lang ang sama ng ugali! Ninakaw pa ang first kiss ko! At hindi lang yun, Key! Sinabihan pa ko ng biik! Nakakainis diba? Tapos ako na nga naghatid sakanila ako pa iniwan sa ere. Bahala daw ako umuwi. Nakuuu! Mas gusto ko pa ang kakambal nyang si Thunder eh. Kahit masungit, mabait din naman kahit papano."- mahabang kwento ko sakanya sabay subo din ng piattos na nilibre nya.

Nagtaas ako ng kilay ng bigla syang tumawa ng mahina.
"Oh, anong nakakatawa dyan Key ha?"

"Tsh. Hahahaha. Mga pinsan ko sila."

Make It YoursWhere stories live. Discover now