CHAPTER ONE

33 3 0
                                    


MJ's POV

Andaming holidays tuwing august. Kaya favorite month ko ang august eh. Hihihi! Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Hays, ano naman kayang gagawin ko?? Napatingin ako sa paa ko nung makaramdam ako ng maharot na balahibo. Ayiiiieeeeh!! Ang cute cute ni Miyaki, shitzu kong aso. Kinuha ko sya atsaka nilagay sa tyan ko.

"Hi, miyaki baby. Gusto mong lumabas ng bahay? Hihi!"- tanong ko sakanya habang hinahawi-hawi ang white and gold nyang balahibo. Napatawa ako ng malakas ng dilaan nya ang kanang pisngi ko.

"Gusto mo? Okay sige, tara na baby!"- masiglang sabi ko atsaka sya binuhat palabas ng kwarto ko. Nakita ko agad si mama paglabas ko ng kwarto. Wow, spaghetti!!!

"Ma, anong meron?"- tanong ko kay mama na naghahalo ng sauce. Hindi sya sumagot kaya naman tiningnan ko na lang si miyaki.

"Miyaki, kakain lang si mommy saglit ha? Tapos aalis na tayo."- pagkasabi ko nun, kumuha agad ako ng plato at tinidor tsaka umupo.

"Bukas, babalik na ko ng trabaho. Umayos ka dito ha?"- sabi ni mama tsaka umupo sa tapat kong upuan. Napangiti ako. Kaya pala nagluto si mama.

"Wow, ang sweet. Hihi. Opo ma. Kayo din nila papa umayos po kayo sa Q.C wag kayong mag-aaway. Ay, ma. Lalabas lang kami ni Miyaki."- tumango lang si mama pagtapos kong sabihin yun. Yup, nakahiwalay ako sa mga magulang ko. Eh kase, gusto kong maranasan maging independent tsaka may nakakatakot akong karanasan don sa Q.C kaya pinilit kong makaalis sa lugar na yun. 16 naman na ako kaya kaya ko ng mag-isa. Hindi naman pwedeng lumayo sila mama dahil sa trabaho. Tsaka itong apartment na to, sila ang nagbabayad. Tapos pinapadalhan na lang nila ako ng allowance, monthly.

Pagtapos kong kumain, nagpaalam ulit ako sa mama ko atsaka dumiretso sa pintuan. San kaya kami pwedeng tumambay ni Miyaki? Buhat buhat ko si miyaki habang naglalakad. Napagdesisyunan kong sa court ng subdivision na lang kami tumambay. Bago kami pumunta dun sa court, bumili muna kami ni miyaki ng ice cream stick. Pagpasok ko sa court, merong walong tao sa loob. Limang lalaki at tatlong babae. Hays, akala ko pa naman masosolo namin ni miyaki tong court. Umupo kami ni miyaki sa isang bench na nasa dulo ng court. Nasa kabilang dulo naman yung walong tao. Sa tantya ko, mga kasing edad ko lang sila.

15 minutes na kaming nakaupo ni miyaki dito at hindi pa din sila umaalis. Hays, antagal naman nilang tumambay dito.

"Aww!"- tahol ni miyaki. Tiningnan ko naman yung direksyon kung saan yung tinatahulan nya. Nakita ko naman yung dalawang lalaki na palapit samin. Bakit kaya? Lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao o kahit anong gamit. Hawak din nila yung bola na nilalaro nila. Sumulyap din ako sa pwesto nila kanina. Yung tatlong lalaki, kasama yung tatlong babae. Mga naglalandian. Ah, magshoshota sila siguro.

"Hi ate."- bati nung isang lalaki na papalapit samin ni miyaki. Payatot sya pero may itsura. Nakataas din ang buhok nya. Nginitian ko lang sya.

"Sinong kasama mo?"- tanong nya ulit nung tumigil na silang dalawa sa harap ko. "Miyaki."- maikli kong sagot atsaka binuhat si miyaki papunta sa lap ko. Ngumiti ulit ako sakanila. Okay na din to, at least may makakausap ako.

"I'm Harvey, and you are?"- napatingin ako sa kasama nung payatot na lalaking kumakausap sakin. Ang angas nyang tingnan. Medyo may kaliitan, kasing tangkad ko kasi eh. Hindi gaya ng kasama nya, bagsak ang buhok nya at medyo may laman naman, hindi payatot.

"MJ."- maiksi kong sagot.
"Ako, Jonson pangalan ko."- sabat naman nung payatot. Ngumiti ako ulit. "Hello sainyo."

Nagkwentuhan kaming tatlo. Tagadito din pala sila, at magbestfriend sila. Yung anim na kasama nila, magshoshota nga talaga, tama ako. Tapos dayo yung mga kasama nila. Katabi lang naming street nakatira si Harvey, tapos sa street lang din namin si Jonson. Nagkatanungan kami kung saan school namin, at pareparehas pala kami.

"Hala, tanghali na pala. Napasarap kwentuhan natin."- sabi ko habang nakangiti. Kailangan ko ng umuwi.
"Oo nga eh, ansarap mo kasing kakwentuhan MJ. Haha"- sagot naman ni Jonson.
"Sige ha? Salamat sa oras nyo. Kailangan ko ng umuwi eh."- sabi ko atsaka tumayo buhat si miyaki. "Miyaki, say bye to them na."- sabi ko kay miyaki tsaka hinimas balahibo nya. Tumahol naman sya. Ngumiti ulit ako sakanila at aalis na sana ng biglang tinawag ako ni Harvey.
"Wait, pwede kong kunin number mo?"- malamig na tanong nya sakin. Feeling ko naman namula ako sa sinabi nya. First time may nanghinging number sakin eh. Ano ba to. >.< Nakita ko namang siniko ni Jonson si Harvey habang nakangisi.

"H-ha? A-ah sige. Akin na phone mo."- nauutal kong sagot. Inabot naman nya agad yung phone nya at agad ko itong kinuha. Ayos lang naman na ibigay ko number ko diba? "Ayan, sige una na ko. Bye."- paalam ko tsaka naglakad na paalis.

Kasabay kong aalis si mama kaya pagtapos kong maligo, naligo na din sya. Bigla akong nalungkot nung naisip kong wala na naman akong kasama dito sa apartment. Pagtapos kong magbihis ng uniform, dumiretso ako sa lamesa at nagsimulang kumain ng almusal. Madaming niluto si mama kahit dadalawa lang naman kaming kakain nito. Siguro, namiss nya din akong hainan. Hehe. Maya-maya lang tapos na si mama at nakabihis na. Sinabayan nya naman akong kumain.

"Ey, sa katapusan magpapadala na lang kami ng pambayad at panggastos mo. Wag kang mahihiyang magsabi samin ng papa mo pag kailangan mo ng pera, okay?"- panimula ni mama. Tumango na lang ako bilang sagot dahil puno pa ng pagkain ang bibig ko.

Pagtapos namin kumain, naghanda na kaming umalis ng bahay. Nung nasa pintuan na kami, inabutan ako ni mama ng 500.
"Ano to ma? May pera pa naman ako na galing dun sa pinadala nyo ni papa eh."- sabi ko kay mama pero hindi sya sumagot. Hays, feeling ko tuloy naispoiled ako nila papa. Nilocked ko na ang pinto atsaka pumasok sa kotse ni mama.

Pagdating namin ng school ko, nagpaalam ako kay mama bago umalis. Nagulat pa nga ako nung hinalikan ako ni mama sa ulo. Feeling ko maiiyak ako. Waaaaaa. Pagbaba ko ng kotse, pinagtinginan ako ng mga estudyante. Sanay na ko, bestfriend kasi ako ni Eliza kaya ganyan. Nabadtrip nga ako nung sinabi nung iba na sipsip ako kay Eliza. Aba! Kahit papano naman may ibubuga ako no. May laman pa din utak ko kahit minsan, isip bata ako.

Diretso akong naglakad papuntang classroom ko. Section 4-A. Nagulat ako nung makita ko si Harvey sa tapat ng pintuan ng room ko. Anong ginagawa nya dito? Kunware hindi ko sya nakita at dirediretso lang akong pumasok ng room. Pero bago pa man ako makapasok sa room, tinawag nya ko.

"MJ."
"Uy, hello. Bakit nandito ka?"- patay malisya kong sagot. Haha ang ewan lang.
"Uhm, wala lang."- eh? Abnormal ata to?
"Sige una na ko."- napangiwi ako sa sinabi nya. Hinintay ko syang makaalis pero di naman umalis. Munggago eh nuh? Hmp. Ngumiti na lang ako sakanya para pumasok na sana ng marinig ko syang bumulong.

"Manliligaw sana ako."- Ha? Ano daw? Tama ba narinig ko? Manliligaw si Harvey? Sakin?

Make It YoursWhere stories live. Discover now