MJ's POV
*pouts*
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung makaalis dito sila ate at kuya el papuntang korea. At ngayon naman ang dating ni Key kaya todo ang linis ko sa apartment. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko, 7:34 na ng umaga. Sinadya kong wag munang maligo para isahang pawisan lang. Haynako.
Maya-maya lang din, natapos na kong maglinis ng kwarto. Natapos ko na din namang linisan yung sala at kusina kahapon kaya naman dumiretso na ko sa banyo para mag-ayos ng sarili. After doing my rituals, lumabas ako ng banyo at nagsuot na lang ng black shirt at maong shorts.
Hindi na lang ako mag-aayos, bahala na. Si Key lang naman dadating. So hindi na ko nagsuklay o polbo, dumiretso na lang ako sa sala at dinala yung pagkaing niluto ko para doon na lang kainin. Sakto namang pag-upo ko, tumawag si Key.
"Oh, asan ka na babae?"- tanong ko habang ngumunguya.
"Otw. Nagdala na din ako ng groceries. Alam ko namang patay gutom ka, sya bye bye na. Nayayamot na tong kasama ko."- sabi ni Key sabay off ng tawag.
Teka ano daw? Kasama nya? Ah, baka driver? Rich kid eh. Oo, tama. Driver lang yun.
Pagtapos kong kumain, nilapag ko muna sa center table yung pinagkainan ko tsaka inabot yung remote control ng TV. *pouts* Wala manlang cartoons. Puro pelikula, kaynes. Beauty and the beast gusto ko eh, makabili nga ng CD nun.
Napalingon ako sa pinto ng may marinig akong kumakatok. Tinatamad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko tsaka tinungo yung pintuan.
"Pasooooook-----mmmmmp!!!"- napatakip ako ng bibig ko ng madatnan kung sino ang nasa labas ng apartment ko.
The one and only!! Thunder mylaaaaabs~ hihihihi!
"Hoy babae, papasukin mo na muna ako bago ka mag-inarte dyan."- singit bigla ni Key ng mapansin nyang nakatingin lang ako kay Thunder. Sinamaan ko naman ng tingin si Key bago magbaling ng tingin kay Thunder tsaka ngumiti.
"Ah, sige pasok kayo~ kakatapos ko lang maglinis, hehe."
Nginitian naman ako pabalik ni Thunder bago pumasok bitbit yung mga gamit ni Key. Bakit nga ba hindi na lang yung driver, butler o kung ano pa man ang naghatid kay Key dito? Hayaan na nga, at least kasama ko ngayon si Thunder. Huwaaaaa!
"Kamusta naman byahe nyo?"- tanong ko nang maisara ko na yung gate.
"Okay lang naman. Medyo traffic. Kaya nga nainis itong si Thunder eh."- si Key sabay upo sa sofa sa sala habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng apartment ko.
Tiningnan ko naman si Thunder na nakatingin kay Key habang nakakunot ang noo. Napangiti ako ng lihim dahil baka nahihiya sya sakin. Hihi!
"Ah, haha! Anong gusto nyong kainin?"- tanong ko, nakatingin pa din kay Thunder.
"Aba, ang bait mo ata ngayon Maxine hindi kagaya dati nung nasa Zaraga ka pa na halos ipagtabuyan mo ko palabas ng bahay nyo."- komento ni Key ng hindi nakatingin sakin. Nagtatanggal sya ng sapatos.
"Hays, andami mong arte. Bahala ka nga dyan."- sabi ko tsaka dumiretso ng kusina. Bigla ko namang naalala yung groceries na binili ni Key.
"Ay, yung groceries pala. Key! Padala naman dito!"- sigaw ko ng makapasok na ko sa kusina.
Inumpisahan ko namang kalkalin ang maliit na ref sa kusina para tignan kung anong pwedeng mailuto. Napangiwi ako ng madatnang walang laman maski tubig yung ref. *pouts*
Nakarinig ako ng yabag ng paa kaya napalingon ako sa entrada ng kusina. Napangiti naman ako ng makita si Thunder doon, bitbit yung grocery bags.
"Salamat, Thunder! Si Key, nasaan?"- tanong ko sakanya tsaka kinuha yung isa sa tatlong grocery bags na bitbit nya.
"Ah, pumasok dun sa kwarto. Anong pwede kong itulong?"- sabi naman nya habang itinataas yung sleeves ng kulay gray nyang polo pagtapos nyang ibaba yung mga bitbit nya sa lamesa.
Hayyy. Ang sweet talaga nitong si Thunder. Nakakainlove masyado... Kaagad naman akong nag-isip mg pwedeng gawin ni Thunder para mag-stay sya dito kasama ako. Mwehehe!
"Uhmm, pakilagyan na lang itong mga bote ng tubig tsaka mo ilagay sa ref. Hehe, salamat!"- sabi ko sakanya. Agad naman nyang sinunod ang sinabi ko.
Ako naman, nagsimula na kong magprito ng hotdogs at magsaing. Gusto ko sanang lingunin si Thunder kaso nahihiya ako. Baka sabihin nya pa pinagnanasaan ko sya. Hayyy. Paano ko ba sya kakausapin? Jusq naman oh!
"Ang hirap naman ng ganito eh..."
"Ang alin?"- si Thunder. Natigil naman ako sa pagpiprito ng marinig sya. Omg, nasabi ko ata ng malakas?!
"A-ah, y-yung ano... U-uhm, h-hehe. Hayaan mo na. Tapos ka na ba dyan sa ginagawa mo?"- tanong ko na lang para maiwas sakin yung topic. Haynako Ey, ayusin mo buhay mo. Tama na muna ang paglalandi. Nasaktan ka na dahil dyan diba? Tama na muna, maawa ka sa sarili mo. Huhu.
Eh hindi naman ako lumalandi ah?! Hays, ano ba tong mga pinag-iisip ko. Nasisiraan na ata ako ng tuktok.
"Hey?"
"Huh?"
Aish. *mental facepalm*
I heard him chuckle tsaka lumapit sa lamesa.
"May bahay pala kayo sa Zaraga?"- tanong nya.
Hays. Iba talaga epekto sakin ni Thunder. Hihi!
"Ah, oo. Sa grandparents ko yun."- sagot ko sakanya.
Katahimikan pagtapos niyon. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy na sa pagluluto.
------------
Thunder's POV
"Ah, eh ano bang pangalan ng papa mo?"- she asked while drinking her apple juice. Favorite nya daw yun.
I smiled. She's really cute. Kahit na minsan nakakarindi sya dahil sa dami nyang tanong.
"Dindo's his name."- maikling sagot ko.
We're currently sitting in the small living room. I was sitting on the mini couch in front of the sofa where Maxine was seated. I roamed my eyes all over her place. Maliit lang ang bahay nya ngunit mukang malaki dahil sa kakaunting furnitures.
"Are you living alone?"- I asked after observing the place.
I saw her nod then put mallows inside her mouth. I wanted to laugh because of her fluffy cheeks but I didn't and smirked instead. You know, boys thing.
"Yes. Independent. Hihi! Si mama at papa, sa QC nagtatrabaho. While I'm here. Escaping."
Napatitig ako sa mga mata nya. Kanina masaya yun, but now it do looks really sad and.... Scared?
She sighed heavily, lift up her legs and hugged her knees. Uh-oh. Why is she acting like that? Is she going to cry?!
"N-natatakot ako dun d-dahil kay----"
What the heck?! O.O
"H-hey, stop crying!"- I commanded but she didn't listen.
Bullshit. Why the hell is she crying?! Hindi ko alam kung paano yan patatahanin! Nasaan na ba si Sean Key!?
"Will you please stop crying? Ang laki laki mo na, umiiyak ka pa ng ganyan."
Suddenly, she stops sobbing and sniffing. She looked at me frozen. I furrows.
"What?"- I asked in confusion. She wiped her wet eyes, rubbed her nose and seated properly before shaking her head.
Wow, weird... -__-"
YOU ARE READING
Make It Yours
РазноеPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...