MJ's POV
Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Aish. Magpapasko na kasi kaya ganun. 12:18 ng madaling araw. Pinilit kong imulat ang nanliliit kong mga mata para mapatay yung electric fan tsaka para na din makapag-cr. Pabalik na sana ako sa pagkakahiga ko ng biglang magring yung phone ko. Hays. Oo, hindi sakin yung sim. Pag-uwi ko nun galing sa park, agad kong kinalkal yung laman ng sim na nakuha ko. At sa kasamaang palad, wala akong kilala sa mga contacts na nandito. Gigil. Tsk. Pero kahit ganun, sinagot ko pa din yung tawag.
"Hello?"
"Hello, may extra pera ka pa ba? Load mo nga ko."- cool na sagot nung boses sa kabilang linya. What the f? Inuutusan ba nya ko? Ni hindi ko nga sya kilala. The nerve with this man. ( ̄~ ̄;)Ang kapal ng muka ah. I take a glance dun sa phone ko at sa number na nakaflash sa screen. It's unknown. Well, the hell I care?
Pinatayan ko na lang sya ng tawag kesa naman sa makipag-away ako sakanya. Madami pang tulog... Tsaka ko na lang poproblemahin yung sim ko. Hays.*****
So, ano ng plano ko? Napagdesisyunan ko na makipagkita sa taong nakapalitan ko ng sim kinaumagahan. Ugh. Shyness was already eating me up like hell. Kasi naman, yung itsura ko. Haller! Tapos ang pogi pa nun! Agh! Kasabay ng pagpikit ko ng mata, binagsak ko sa mesa yung tasa ng kape na iniinom ko.
"No. I need that sim card. Nandun lahat contacts ng relatives koooo!"- pagrereklamo ko. Agad kong tinawagan si Eliza para ipaalam sakanya yung plano ko. Isang ring lang at nasagot nya agad.
"Hello beshy. I planned to meet this guy na nakapalitan ko ng sim."- bungad ko sakanya.
[Oh. Kelan?]- sagot nya sa kabilang linya. Again, I closed my eyes tightly and heave a sigh.
"Today."
FAST FORWARD
I decided to wear something simple lang since wala naman akong masydong pampormang damit. I picked up my plain black v-neck T-shirt and jeans out of my drawer. And for my final get up, white sneakers. Hindi na din ako magdadala ng sling bag or whatsoever. May pocket naman tong jeans ko. Buwahaha! Tsaka wala naman akong ilalagay dun. Phone ko lang na naglalaman ng sim nung lalaki, extra money and myself. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang bagsak kong buhok na hindi naman kahabaan. I took another glance at myself in the mirror and turns my heel outside my apartment.
Para akong ewan na hindi magkandaugaga dito sa jeep. Ugh. Damn you, traffic. Sobrang init pa. G na G pa yung mga tao. Bakit kaya hindi na lang nila sarilinin yung init ng ulo nila? Kailangan pang ibunton sa iba. Naiinis tuloy ako.
Beep
Nagtext na naman tong lalaki na to. Ugh. Pang-ilang delete na ba nagawa ko sa mga messages nya? Masyadong mainipin, amp!
[From: My number
'Wer r u now?']I instantly rolled my eyes. Kakatext ko lang sakanya a minute ago tapos eto na naman sya't nagtatanong kung nasan na ba ko. Ugh. He's totally depressing me.
Reply: Almost there.. Wag ka ngang atat. Traffic atm.
And then I hit the send button harshly.
"Bwisit. Traffic na nga, pinapainit pa ulo ko."- i murmured with irritation.
After 30 minutes, narating ko yung hinihintuan ng jeep malapit sa pagkikitaan namin. It's already 10:13am nung makababa ako ng jeep. I was relieved nung nakita ko yung muka ko sa bintana ng kotse na nadaanan ko. Konting haggard lang ang natamo ko sa traffic kanina kaya hindi na ko nag-abalang ayusin pa yung muka ko. Naglakad na ko papuntang mall na sinabi nya para din makagala pa ko. Ang boring kasi ng buhay ko. Wala akong kasama sa bahay except kay Miyaki. Yung paglabas ko kay Miyaki, I gave it a break. Baka kasi nagsasawa na yung baby ko na yun.Nakapasok na ko ng mall and I almost forgot na may kikitain pala akong hindi ko kilalang tao. I immediately fished my phone out of my pocket and saw 2 missed calls coming from him. Oh, well.
Beep
Sakto yung text nya. Berigud. Wahaha!
[From: My number
'R u here already?']
Reply: Yeah. Asan ka ba?
[From: My number
'3rd floor, near men's comfort rum]And I was like, wtf? Bakit dun sa cr? Binasa ko ulit yung text nya at napa-sapok ako sa ulo ko. Aish. Boba ka, Maxine. 'Near' daw, 'near.' Hays. Napailing na lang ako atsaka nagreply ng 'ok' sakanya bago nagsimula muling maglakad paakyat ng third floor.
Habang papaakyat ng hagdan, andami dami ng pumapasok sa isipan ko. Hays. Sana naman, maging maayos ang lahat. Huuuu. Habang nag-iisip, napahinto ako ng maalala ko yung tumawag sakin kagabi. Sino kaya yun? Ang kapal kasi ng mukang manghingi sakin ng load. Atsaka parang hindi nagtaka yung taong yun nung ako yung sumagot at hindi yung totoong may-ari... Napasandal ako sa hawakan ng hagdanan and crossed my arms across my chest. Hmmm, pero sabagay. May possibility na nawrong dial lang sya tapos nagkataon na babae din yung ineexpect nyang makausap. Oo, tama! Ang galing ko talaga! Haha! Napatapik pa ko sa isa ko pang palad dahil sa taglay kong katalinuhan. (>y<)
Napawi din agad yung ngiti ko ng mapagtanto ko na nasa public place pala ako. Aish. (_ _ ,) nakakahiya. Muka akong autistic. Hindi ko na lang pinansin yung mga tingin nila atsaka umalis sa pagkakasandal sa railings para umakyat na ulit papuntang third floor.
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...