CHAPTER FIVE

11 3 0
                                    


MJ's POV

"Pass all your works."

Agad agad ko namang kinuha sa bag ko yung mosaic painting ko. Ngayon nga pala yung pasahan nito. Masyado kasi akong na-occupied dahil kay Harvey kahapon. Naiirita na ko kasi kailangan ako ang unang magtetext sakanya bago nya ko kausapin. Kailangan ako ang pupunta sa room nya para sabay kami. Dati lang sya ang gumagawa nun sakin... Napapaisip tuloy ako minsan kung mahal nya pa ba talaga ako. Natigil ako sa pag-iisip nung siniko ako ni Eliza.

"May problema ka?"

Umiling na lang ako bilang sagot. Hays.

FAST FORWARD

Ilang linggo nang ganitong set up namin ni Harvey. Ang cold cold nya sakin. Tsk. May nagawa kaya akong mali? Nakakairita na ha. Bukas na kaya yung monthsarry namin! Kainis! Tapos ngayon, gusto kong makipagkita sakanya kaso ayaw nya! Kesyo, mainit daw. Feeling ko kawawa ako sa relasyon namin. Huhu. Kaya ang ending, nagdecide na lang akong umuwi. Nasasaktan na talaga ako ha. Hindi ko na to kaya. Naimulat ko yung mata ko ng may matanaw ako. Teka si Harvey ba yun? M-may kasamang babae? Kumunot ang noo ko. T*ngina, ano yon?! Sabe niya mainit!!?

Nakita ko na napatingin sya sa direksyon ko, agad kong iniwas ang tingin ko at nagpatay malisya na hindi ko sila nakita. Tapos narealize ko na ambobo, dapat pala tinitigan ko sya para wala syang masabi!! Titingin pa sana ako sa kanila kaso huli na. Wala na sila, nakalagpas na. Tsk.

"Wag kang iiyak, Ey. Mahal ka nun..."- sabi ko sa sarili ko. Lumunok ako. Feeling ko kasi maiiyak na ko. Nakakahiya, andami pa namang tao dito. Nung makasakay ako ng tricycle, tumawa ko. Wala kong pake sa driver kung akalain nyang natatanga na ko. Natawa ko sa kagagahan ko.

"Ako, mahal non? Haha patawa ka Ey..."- usal ko. Oo tama naman diba? Mas pinili nyang makasama yung babae na yun kesa sakin. Taena, eh bakit ba nilagawan pa ko nun kung lolokohin lang nya ko!? P*nyeta lang eh no... Hindi ko namalayan na nasa labas na kami ng subdivision. Matamlay akong bumaba at nag-abot ng 50 pesos sa driver. Hindi ko na inantay pa ang sukli at dirediretsong naglakad papasok sa subdivision namin.

Bwisit. Alas 5 ng hapon, mainit ba yun? Eh kung mainit, bakit may kasama syang babae kanina kung ayaw nyang mainitan? Wala pa nga silang payong nun eh.
"T-tapos ang saya... Ang saya saya nila habang naglalakad..."- pagkasabi ko nun, napahagulgol ako ng iyak. Sobrang sikip ng dibdib ko tas andami pang tanong sa utak ko. Pilit kong inaalam kung anong naging kasalanan ko. Muka akong timang na naglalakad habang umiiyak. Pero mas muka akong timang kasi minahal ko yung hayop na yun.
"Hala, umiiyak yung babae..."- komento nung mga bata na naglalaro na nadaanan ko. Naiyak ako lalo. Buti pa yung mga bata, may pake sa nararamdaman ko. Eh sya? Napasalampak ako sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Dun ako umiyak. Medyo madilim naman na kaya walang makakapansin sakin. Niyakap ko yung tuhod ko. Taenang luha to, bakit hindi tumigil? Ang sakit sakit naman nito. Ako lang ang nagmamahal saming dalawa. Ang bobo ko no? Nakakainis..

"Hello? Harvey, right?"

Napataas ang tingin ko. Sinong tumawag sa pangalan ng hayop na yon? Si Eliza, nakatayo sa harap ko habang nakatapat sa tenga nya yung phone nya. Pero tinanggal nya agad sa tenga nya yun at ni-loud speaker.

"Hi, sino to?"

Nag-flashback sa utak ko yung mga times na bumabati sya sakin ng "Hi, MJ." T*ngina. Naiyak ako ng todo. Tinakpan ko yung bunganga ko para di nya marinig.

"Crush kasi kita eh. May girlfriend ka na?"- sagot ni Eliza. Napatingin ulit ako sakanya at sa cellphone nya. Wala akong pake kung puno na ng uhog ang muka ko. Ang gusto ko lang, umiyak ng umiyak. Umaasa ako na kahit sa iba, naipagmamalaki nya ko kahit nasasaktan ako ngayon kaso hindi... Umasa lang pala ako.

"Wala eh. Naghahanap nga ako..."- namiss ko ang boses nya. Kaso kung ito ang sasabihin nya, wag na lang. Bakit Harvey? Anong nagawa ko sayo? Minahal naman kita... Napayuko na lang ako at hindi ko na kinaya, pumasok ako ng apartment. Sumalampak sa sala at dun umiyak ng malakas.

"Pucha, grabe naman yun!!? Ansakit sakit eh! Ansakit sakit..."
Naramdaman kong niyakap ako ni Eliza. Hindi sya nagsasalita.
"Ambilis naman... Bakit kayo ni Garrett? Ha-ha ambobo ko. Taena.."- umiiyak pa din ako. Umiiyak sa kabobohan ko.
"Ako lang nagmahal saming dalawa, antanga ko..."

-------

Kinabukasan, mugtong mugto ang mata ko. Tinapalan ko na lang yun ng concealer. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Eliza at Garrett na naghahanda sa kusina. Teka, anong ginagawa nila dito?
"Goodmorning beshy."
"Goodmorning Idol."
Sabay na bati nila sakin. Ngumiti ako sakanila.
"Goodmorning. Bakit kayo nandito?"- tanong ko.
"Nakalimutan mo? Iyak ka ng iyak kagabi kaya to the rescue ang beshy mo. Dito na ko natulog kasi anong oras ka din nakatulog, alas 1! Hays!"- paliwanag ni Eliza.
"Eh ito?"- tanong ko sabay turo kay Garrett na nilalantakan yung sandwich na may palamang mayonnaise.

"Grabe, parang hindi ka galing sa pagka-brokenhearted kung umasta--- OUCH!"- kinurot sya ni Eliza sa muka.
"Beshy, tara kain na tayo."- pagbabago nya ng usapan.

Sa totoo lang, wala akong maramdaman. As in wala. Bahala sya. Pakiramdam ko naka-move on na ko. Kasi ang nasa isip ko lang ngayon, wala na kong pakelam sakanya.

Nasa mall kami ni Eliza, kasama si Garrett. Sabi kasi ni Eliza, I need some fun. Aish, sinabi ko na ngang wala na kong nararamdaman eh. Hindi na ko nasasaktan.
"Ang bilis mo maka-move on Idol. Kakabilib."- komento ni Garrett.
"Wala eh. Tsaka saglit lang naman naging kami kaya siguro ganun... Pero minahal ko yung deputa na yun."- sagot ko. Pumasok kami sa arcade zone at doon nagpalipas ng oras. Pagtapos namin magpakapagod, dumiretso kami sa mcdo at doon kumain ng tanghalian. Libre naman ni Garrett eh.

"Beshy, be happy okay? I'll be here."- sabi ni Eliza nung pauwi na kami. Nginitian nya ko tas niyakap. Hays, parang naiiyak tuloy ako.
"Di ko na nga naaalala eh. Pero thank you beshy. Baka kung di ka pa dumating at ginawa yun, malamang nagmuka na kong super tanga. You saved me from that."- nakangiti kong sagot sakanya. Sobrang thankful ko dahil kay Eliza. She's always right by my side in terms of happiness and sadness. I'm so lucky to have her as my bestfriend.

Pagkauwi ko, dumiretso agad ako ng kwarto. Gabi na pala. Di ko napansin ang oras. Bago ako matulog, nakipaglaro muna ako kay Miyaki. Nakakagaan ng loob dahil wala na kong masyadong lungkot at sakit na nararamdaman. Oo tama, naka-move on na nga talaga ako. Naalala ko tuloy yung kasabihan na walang bagay na perpekto sa mundo. Hayyys. Ginulo ko ang balahibo ni Miyaki tsaka natulog.

Hindi ako magpapa-apekto sa nangyari, Harvey. Hinding hindi.

Make It YoursWhere stories live. Discover now