MJ's POV
*sighs*
Nakakapagod mag-impake, mygad. Bakit ba kasi andami kong dinala eh samantalang may mga gamit naman pala ako dito. Haynako.
Pagtapos ng mahabang oras ng pagiimpake, bumaba na ko sa kwarto ko bitbit ang dalawang maleta tsaka isang backpack.
*sighs*
"Oh, Ey. After 5 minutes aalis na tayo. Si kiel kasi eh. Antagal kumilos. Daig pa ko na babae. Tsk tsk."- nakanguso habang naka-cross arms na sabi ni ate mira sakin. Ngumiti na lang ako tsaka tumango.
Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung nagreply na si Key sa text ko. Nagpaalam kasi ako sakanya na aalis na kami ngayon. Kahapon, nagpumilit sya na sabay daw sya samin. Kulang na lang talaga sabihin nya saking gusto na nyang tumira kasama ko. Nakakaloka ang babaeng yon. Sabagay, sa apartment ko na nga pala titira ang babaeng yon oras na makapunta na sya ng manila. Sana naman madali lang makahanap ng condo ang dad nya. *sighs*
Hindi naman sa ayaw ko syang pagstayin si Key sa tinutuluyan ko. Nakakahiya lang kasi dahil makalat akong babae. Waaaaa. Ni hindi ko nga alam kung paano magluto ng adobo, tinola, sinigang, paksiw basta madami! Hotdog at itlog lang ata kaya kong lutuin eh.
"Ey? Huy, ey ano ba?"- biglang rinig kong sabi ni ate habang niyuyugyog ako. Luh? Ano daw?
"H-huh?" O.o
"Hays, sabi ko kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga. May problema ba? Lutang ka oh."- tanong nya. Napakurap naman ako.
"Nako, wala ate. Inaantok lang ako. Hehe. Tagal naman ni kuya el!"- reklamo ko na lang bigla. Baka kasi pag sinabi ko, hanapan na naman ako ni ate ng ka-blind date para daw matuto na ko ng mga gawain.
Like, seriously? Pwede naman akong matutong magluto ng walang boyfriend. Ibang klase talaga to si ate mira mag-isip...
--------------------------------
Anim na oras ang byahe at nakaka-apat na oras kami. Nakaidlip na din ako kanina kaya kumakain ako ngayon ng chips. Si ate mira na natutulog at si kuya el naman ang nagdadrive ng sasakyan namin.
"Ey, ayos na ba ang requirements mo sa school na papasukan mo?"- biglang tanong ni Kuya. Napatango naman ako.
"Uhm, oo kuya. Naka-enroll na din ako doon."
Tumango si Kuya. Maya-maya tiningnan nya ko sa rear mirror.
"Ano nga ulit yung pangalan ng school mo?"
"New Crescent Academy, Kuya. Bakit?"- takang tanong ko sakanya sabay subo ng chips.
"Bakit naman doon mo naisipang pumasok, Ey? Alam mo bang madaming brats doon? Sana doon ka na lang sa pinasukan ko noon."- kunot noong sabi nya sakin habang nakatingin sa daanan. Ano ba yun? Nagagalit ba sya sakin dahil doon ako nag-aral?
Hays! Ang issue talaga nito ni Kuya.
"Saan? Sa Brite International School? Kuya, alam mo namang ayoko sa mga foreigners. Ayos naman dun sa NCA sabi nung dean doon. Tsaka ano naman kung madaming brats? Hindi ko naman sila papansinin eh."- depensa ko habang ngumunguya.
"Hay, bahala ka nga. Paano ka naman nakakasiguro dyan? Tss. Ewan ko sayo."
Hala, ano bang problema neto ni Kuya? Masyadong big deal sakanya amp. Hayaan ko na nga lang. Inubos ko na lang kaagad yung kinakain ko tsaka natulog na muna.
*
Pagdilat ng mga mata ko, nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Nakabukas ang mga pinto ng kotse at nilalabas na nila ate at kuya ang mga bagahe namin doon.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko tsaka nag-inat bago lumabas ng kotse para tumulong sa pagbababa ng nga bagahe.
"Oh, Ey. Akala ko tulog ka pa, bubuhatin na sana kita eh."- sabi ni Kuya habang papalapit sa kotse galing sa loob ng apartment.
"Tss."- sabi ko na lang tsaka kinuha yung maleta bago pumasok ng apartment.
FAST FORWARD
"Woah~"
"What?"
"Wow, talaga?? Ang galing naman ng school mo, Ey! Hihi!"
Napakurap kurap ako habang nakatitig sa dalawang baklang nasa tapat ng apartment ko. Sila daw kasi ang magsusukat sakin para sa uniform ko. Wow talaga. Akala ko, bibili pa ko sa bangketa ng uniform ko eh!
"Yes. May I know who's the student who happen to enroll in NCA?"- sabi nung isang bakla habang nakangiti kay Kuya. Tss, ano ba to, ang landi naman... (- 3-) Etong si ate mira naman, ni hindi manlang mahalata na nilalandi na yung fiancée nya. Haynako.
"Ako po yun."- bored na sabi ko habang nakataas ang kanang kamay. Ngumuso ako.
"Oh, by the way I am Juris and this is Kris. What's your name, hija?"- sabi sakin nung Juris na mukang matino hindi katulad nung haliparot na si Kris.
"Maxine Jane De Guzman po."- nakangiting tugon ko sakanya.
"So, pwede ka na ba naming sukatan?"- tanong nya sabay ngiti samin. Tumango ako sakanya tsaka sila pinapasok.
Pagpasok nila, pinatayo agad nila ako sa harapan nila tsaka ako sinimulang sukatan. Todo bantay naman sakin si Kuya El. Overprotective mode na naman sya. Sabagay, lalaki pa din sila kahit bakla sila magsikilos.
"Uhm, pwede po magtanong?"- nakangiti kong sabi kay Juris. Tiningnan nya naman ako habang nakangiti tsaka tumango.
"Matagal nyo na po ba tong ginagawa?"
"Oo girl. Bakit?"- sagot nya tsaka sinabi kay Kris yung sukat ng braso ko.
"Wala naman po. Itatanong ko lang po sana kung okay po ba sa NCA? Hehe."- sabi ko tsaka nagkamot ng ulo. Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng newspaper.
I sighed. Kasi naman eh. Si Kuya kasi kung ano ano sinasabi, ayan tuloy medyo kinabahan ako. Wengya.
"Oo naman girl. Maganda ang school at pagtuturo doon..."- sagot ni Juris na ikinaluwag naman ng dibdib ko. Buti naman. Hoo~
"Kaya nga lang, madaming masasama ang ugali doon. Iilan na lang ang may mabait na ugali. Ako nga eh. Isang beses, pinatid ako ng mapadaan ako sa banyo ng mga kalalakihan! Nakakaloka. Nung ma-guidance naman, ang katwiran nila'y napagkatuwaan lang raw nila ang beauty ng lola mo!"- maarteng pagkukwento ni Juris sakin.
"Lalo naman ako, bakla. Buhusan ba naman ako ng tubig ng dahil lang sa nginitian ko ang JC na yun! Hay, nakakaloka talaga!"- singit naman ni Kris sa usapan namin.
Teka, ano daw? JC? JC Yu? O.O
"JC? JC Yu ba?"- takang tanong ko kay Kris na sinusulat ang sukat ng leeg ko.
"Oo, sino pa ba? Hayy!"
Oh. My. Gad. This is not happening! You mean, schoolmate ko sya?! Hin-------- OMG, wait...
Flashback
"Good afternoon co-students. My name is JC Yu, standing in front of you to represent New Crescent Academy wherein different academic tracks are offered..."- sabi nung lalaki na gwapo pero mukang masungit. Hmp. Pagtapos nyang mag-discuss ng academic tracks, pinasa nya yung mic dun sa isa pang lalaki.
"Good day everyone. I am Thunder Yu to show you the facilities inside our beloved NCA..."- pagpapakilala naman nung isa pang gwapo na mukang masungit din. Ayt. Bakit lahat na lang ng gwapo, masungit? Buti na lang si Harvey hindi gwapo. Muntik na kong mapatingin sa direksyon kung nasan sya, buti na lang nagulat ako sa palakpakan.....
Ay teka, YU? Wait, pareho silang YU diba? Ah... Magkapatid pala sila.
End of flashback
Napatakip ako ng bibig. Oh my gad! Bakit... Bakit hindi ko agad naisip yun?!
"Oh, girl? Anyare sayo dyan? Para kang nakakita ng hubad na machete! Kaloka to!"- sabi ni Kris sakin ng makita ang reaksyon ko.
Shocks! Kaschoolmate ko yung kambal!!!! Kaschoolmate ko si ugok!! Huwaaaaaaa!! Noooooo!! Oh my god! Nooo!! >_______<
YOU ARE READING
Make It Yours
AcakPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...