CHAPTER TWENTY TWO

6 3 0
                                    

MJ's POV

"H-hoy!! Hindi ako nakikipagbiruan ha! Tsk!"- inis na singhal ko sakanya ng humakbang sya palapit sa gate.

Aba't hindi sya natinag at parang hindi ako nakikita! Nagpatuloy lang sa paglalakad ang loko!

"Pwede ba!!!! Paano ako makakau......wi..."

Puchang yan. Tuluyan na syang pumasok sa loob ng malaking bahay na yon, hindi, mansyon pala. Bumagsak naman ang dalawang balikat ko habang nakatanga sa harap ng malaking gate na yun.

Bwiset! Bwiset! Ako na nga yung nagmagandang loob na ihatid sya dito aba't hindi manlang ako itinrato ng maayos! Hinayaan pa ko kung paano ako uuwi! Walang kwenta!

"Bubutasin ko tong gulong ng motorbike mo, leche ka!!!"- inis na sigaw ko ng mahagip ng mata ko yung motorbike nyang nakahinto sa gilid ko. Nang walang sumagot ay napaikot ko ang mga mata ko dahil sa inis at galit. Pakiramdam ko, naabuso ako ng todo todo!!! Napatitig naman ako sa motorbike nya at nakaisip bigla ng ideya. Tama, itong motorbike nya ang gagamitin ko!

Pero hindi naman kaya ako kasuhan ng lokong yon?! Baka palabasin nyang magnanakaw ako! Pucha, naiiyak na ko. Paano ako makakauweeeee?!???!!!

*BBBBBEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPP*

Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa businang napakahaba mula sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko ang kulay pulang kotse na nakahinto. Tuluyan akong humarap sa kotse at inaninag ang nagmamaneho nun. Hirap akong aninagin dahil sa liwanag ng headlights ng kotse. Medyo dumidilim na din dahil sa nagbabadyang ulan. Puchanggala kang ugok ka! Pag ako nagkasakit, lulunurin kita sa isang batyang chocolate syrup!!!

Lumabas sa kotse yung nagmamaneho. Nakaputing T-shirt sya tas jeans na tinernuhan nya ng black nike rubber shoes. Kung hindi ako nagkakamali, kaedaran ko lang din sya. Muntik na kong mapanganga, paano sya nagkaroon ng ganyan kakinang na kotse?! Isang gallon ngang ice cream hindi ako makabili!!

Maya-maya pa, nagtanggal sya ng shades. Literal akong napatingala para maghanap ng araw eh sobrang makulimlim nga. Minsan ang wiweirdo talaga ng mga mayayaman eh...

"H-hoy teka------ N-nasa loob ka n-na ah?! P-paano-----"- nauutal utal kong sabi ng makita ng maayos ang itsura ng lalaki. Ugok na to, nasa loob na to ah?! Bakit nandito na naman sa labas?! Iba pa ang suot! Ano, may portal ba dyan sa bahay----mansyon nila!!?

Agad nya akong kinunutan ng noo. Napakunot din naman ang noo ko. Aba't---- PARANG HINDI AKO KILALA AH?! Nalihis ang tingin nya sakin papunta sa motorbike na nasa gilid ko.

"Why did you have my brother's motorbike?"- kalmadong tanong nya. Napakurap-kurap ako ng madaming beses. Doon ko lang narealize na iba pa palang tao ang kausap ko dahil sa boses nya. Spell pahiya guys! M-J!

"B-brother??"- nagaalangang tanong ko. Tumango naman sya. Blangko ang emosyon nya na nagiging dahilan para mailang ako. Hindi ko kasi alam kung anong ibabalik ko sakanyang reaksyon!

"A-ah... U-uhm kasi a-ano... Teka sino ka ba muna?!"- reklamo ko. Kumunot lalo ang noo nya at napansin kong tumingin sya sa gate.

"You don't know me?"- hindi makapaniwalang tanong nya. Napaikot ang mata ko. Itatanong ko ba kung kilala ko sya?! My goodness! Stressing!!

"Anyway, my name is Thunder------- Fuck!"

Kaagad na tumakbo pabalik sya sa kanyang kotse dahil bumuhos ang malakas na ulan. Ako naman ay hindi alam kung saan pupunta! Puro puno ang nakikita ko sa paligid!!

"Bwiset naman oh!! Napaka-walang kwentaaaa---"

"Hey! Are you crazy?! Come here!"- biglang sigaw ni Thunder sakin pagkatapos nyang imaniobra yung kotse nya patagilid sakin, bale kaharap ko ang bintana ng driver's seat. Kaagad akong lumapit sa bintana.

"B-bakit?!"- nanginginig na tanong ko. Stressing! Ang lamig ng hangin at tubig pag pinagsama! Huhuhu!

"You're really crazy! Get inside my car! Now!"- sigaw nya dahil sa lakas ng ulan. Tumango ako sakanya atsaka pumasok sa loob ng kotse nya. Sa likod ako naupo. Pagpasok ko sa kotse nya, nakaramdam agad ako ng init. Hayyyyy, nawawala yung lamig na nararamdaman ko.

"So, pano ka napadpad dito?"- biglang tanong nya. Ganun pa din ang reaksyon nya, hindi ko maintindihan. Hindi naman sya galit, pero hindi din naman mukang mabait. Aish, bastaaaa!

"Eh pano! Ako na nga naghatid sakanya dito, tapos hindi manlang nya ako tulungan kung paano ako makakauwi! Walang kwen----Hoy! Saan ka pupunta?!"- tanong ko bigla. Eh paano, bigla nyang pinaandar yung kotse palayo sa gate.

"Ihahatid kita. Sorry sa ginawa ng Kuya ko."- he said. Napatingin ako sa repleksyon nya sa rear mirror. Kamukang kamuka nya talaga si ugok. Kambal na kambal. Kaso ang pinagkaiba, masyadong maepal ang ugok na yon! Siguro walang gf yun kasi ganun ang ugali!

"Stop staring at me."- utos nya na kaagad naman akong napatungo.
"Saan ang bahay mo?"- dugtong nya. Nag-angat ako ng tingin sakanya at sinabi ang lokasyon ng bahay namin.

--------------------

"Ey! Jusko, saan ka ba nagpunta at ngayon ka lang nakauwi----Teka sino yang kasama mo?"- biglang bulong ni Ate Mira ng mapansin nya si Thunder sa likod ko.

"Hi, I'm Thunder Yu. Hinatid ko sya dahil nakita ko sya sa tapat ng mansion namin. It's raining and she doesn't know how to go home so I decided to bring her here myself. I think it's time for me to go. Bye."- sagot nya mula sa likod. Paglingon ko sakanya, naglalakad na sya palabas ng bahay namin. Nagkatinginan kami ni Ate Mira.

"Alam ba nya ang pangalan mo?"- tanong nya. Umiling ako sakanya.
"Hindi nga eh. Ang weird nun... Hays, tara na nga sa loob ate."- yaya ko na lang sakanya atsaka hinila sya papasok ng bahay.

*

"After ng month na to, uuwi na ulit kami ni Ate Mira mo sa Korea."- biglang sabi ni Kuya El habang kumakain kami ng hapunan. Naangat naman ang tingin ko sa kanya.

"Hala? Edi mawawalan ulit ako ng kasama?"- malungkot na sabi ko. Simula kasi ng mawala si Eliza pakiramdam ko ayaw ko nang mag-isa...

"Aww, okay lang yan Ey. Kung gusto mo bibisibisita kami ng kuya mo pag may time kami."- si Ate Mira.

"Owwwwkaaaaay~ aasahan ko yan ah."- sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain, nag-aya si Ate Mira ng movie marathon. Nakaramdam ako ng pagod kaya hindi na ko sumama sakanila sa sala manood. Isa pa, walang ice cream kasi. Pagka-akyat ko ng kwarto ko agad akong nag-linis ng katawan at nagsuot ng pantulog na barbie. Kinuha ko yung phone ko na nakacharge sa bedside table ko.

Maya-maya, nabagot ako kakacellphone kaya naisipan kong ibalik sa table yung phone ko tsaka tumingin sa kisame habang iniisip yung nangyari kanina. Kunot-noo kong inisip si JC. Gwapo na sana kaya lang napaka-sungit naman! Akala mo kung sino, hmp! Natatawa na lang ako sakanya kasi nung makita ko syang natatakot mula sa likod ko habang nasa motor kami. Napangiti ako ng malapad.

"BWAHAHAHAHA! Ugok na yun, bakla pala! HAHAHA!"

Napawi naman ang ngiti ko kasabay ng halakhak ko ng maalala ko yung tinawag nya saking biik. Huu, nako! Pati yung pang-iiwan nya sakin sa ere!! Grr! Stressin--------

"H-hachoooo~!"- bahing ko sabay punas ng ilong.

Aish! Bwisiiiiiiiiiit!!

Make It YoursWhere stories live. Discover now