CHAPTER SEVEN

12 3 0
                                    


MJ's POV

Mabilis lang na natapos ang august. September na at simula na ang BerMonths.

Anong magandang gawin? Sabado kasi ngayon. Ehehe. Grabe, ang boring... Nakapag-enroll na kami ni Eliza sa NCA. Yup, dun kami. Hihi! Grabe ulit, sobrang ganda dun. Puro aircon. Bwahahaha! Eto ako, nasa kusina habang ngumangata ng cake na binili ko kahapon. Birthday kasi ni Miyaki kahapon, september 1. Hehe. Ayaw nga kainin ni Miyaki yung cake eh, kaya ako na lang ang uubos netong two layered chocolate cake na to. Dog food sakanya.

Maya-maya, tumawag si mama sakin. Kinakamusta kami ni Miyaki. Sabi nya baka daw bisitahin ako ng Kuya ko. Sana naman no. Miss ko na yun, kahit palagi akong trip nun. Hindi ko na din nakayanang ubusin yung cake kaya naman binalik ko na ulit yun sa ref. Gusto kong pumunta ng court, kaso baka nandun si Harvey. Masuntok ko pa sya. Naalala ko nga pala na candidate ako ng classroom namin sa poem recital dahil English month namin sa school. Bakit hindi yung rank three na si Yvonne? O di kaya rank one na si Beshy? Well, andaldal ko kasi nun kaya napag-initan ako nung English teacher namin at ako ang pinili. Akala siguro masisindak ako. Wahahaha! Englisera ata to, uy! Aish, magseseven eleven na nga lang ako. Bibili ako ng sundae.

~~
Pagkadating ko ng convenient store, nahagip agad ng mata ko si Jonson na nakatingin sakin. Hindi ko pinahalatang nagulat ako at dirediretso lang na naglakad papuntang counter para makabili agad ng sundae. Wala akong emosyon na ipinakita kay Jonson, yung tipong parang hindi ko sya kilala.

"Sundae po."- order ko dun sa babae. Nararamdaman kong may nakatingin sakin mula sa gilid, at alam kong si Jonson yun. Di ako nagkamali dahil nagsalita sya.

"MJ, yung tungkol kay Harvey... Nagsisisi na sya."

Napahinto ako sa pagkuha nung sundae nang marinig ko yung sinabi ni Jonson. Pero agad din akong naka-recover at tuluyan ng kinuha yung sundae tsaka tumalikod at umalis.

"Huli na ang lahat, nasa huli talaga ang pagsisisi."- walang emosyon kong sabi sa sarili ko habang naglalakad palayo.  Nakabili na ko ng sundae, at ano naman ang susunod kong gagawin? Hays. Amboring talaga ng buhay ko, kaynes...

Naglalakad ako pabalik ng apartment ko. May kalayuan yun pero ayos na din, lilibangin ko na lang yung sarili ko habang naglalakad. Alam mo yung, bumalik sa pagkabata? Hayyyys. Ansaya saya nun, sana mangyari sakin yun. Pero dahil nga nasa real world ako at wala sa fantasy land, hinding hindi mangyayari yun. Asa pa ko.

Siguro dahil sa pagkasabik ko maging bata, naging isip bata ako sa paningin ng iba. Pero anong pake ko? Basta eto ang gusto ko. At least, inaamin ko sa sarili ko na hindi pa ko matured. Hindi tulad ng iba na trying hard magmuka lang mature sa mata ng iba. Napahinto ako sa paglalakad ng may nagbato ng bola sa harap ko. Aish! Napatili ako ng di oras dahil muntik ng tumama sakin yun. Bakit ba walang magawa ang mga tao ngayon? -____-+

Tiningnan ko lang ng diretso yung apat na lalaking nasa harap ko ngayon. Ang grupo ni Russen.
"Hoy"- hiyaw ni Russen kasabay ng paghinto ng bola sa paanan ko. At dahil hindi 'hoy' ang pangalan ko, nilagpasan ko yung bola at nagsimula muling maglakad habang dinidilaan ang sundae na binili ko.

"Bastos ka eh no?!"- galit na reklamo ni Russen. Nagulat ako ng itulak nya ko mula sa gilid dahil nga sa hindi ko pagpansin sakanya. Aba, aba. Sumusobra na tong kumag na to ah!!

Nang makabalik ako sa balanse, hinanda ko ang sarili ko para itapal sa pagmumuka nya tong sundae na to. Tutal nawalan ako ng ganang kumain dahil sakanya. Mabilis ko lang na nagawa yun sakanya.

"Bastos ka din! Tinulak mo ko eh. Bleeee!"- sagot ko sakanya pagtapos kong isampal sa muka nya yung sundae sabay pagpag ng kamay. Hah! Hindi porket kuya sya ni Eliza, pagbibigyan ko syang ibully ako. Kung si Eliza nga, di nya magawa sakin yon eh!

"Hoy bata, alam mo ba kung anong ginawa mo?!"- sabat naman ni Red, yung sunudsunuran kay Russen. Nilingon ko sya ng painosente atsaka tumango sakanya.

"Hm, sinampal ko sya ng sundae ice cream na binili ko dun sa 7-Eleven. Kaya, bayaran mo ako. Diba alalay ka netong mama na to?"- pagtukoy ko kay Russen na kasalukuyang nililinis yung muka nyang punong puno ng sundae. Tiningnan naman ako ng masama ni Red tas binad finger pa ko. Waaaaa. Ansama. Hmp!

"Hoy"- sabat naman netong asul na to. Si Kirby at as usual, naka-yosi na naman. Ambaho siguro ng hininga neto, tas bulok bulok na yung ngipin nuh?
"Hoy ka din!"- ako
"Papansin ka eh no?"
"Oh talaga ba? Eh sino ba tong nambato ng bola, at nanulak?! Lakas mo ah! Ihamehamewave kita eh! Palibhasa, mga pulubi kaya nambubully ng may ice cream ng may ice cream para may makain! Mga walang pambili!"- sunod sunod kong sumbat sakanilang tatlo at isang malakas na,

"CHEEEEEEE!!"- ang para sa leader nilang dugyot ang pagmumuka bago ako umalis sa lugar na yun.

-----
"Oo na, oo na! Ang ingay mo sa tenga!"- inis na sagot ko kay Eliza.
"Alam mo bang buong school manonood sayo? Ha, Maxine Jane?!"- pasigaw na tanong ni Eliza. Argh! Ingayyyy!
"Don't call me in my full name!!"
"Don't shout at me!!!!"
"Ikaw nauna!!"
"Eh ikaw kasi, ang kulit kulit moooo!"

"AISH, PWEDE BA?! ANG INGAY NYONG DALAWA!!"

Napatigil kaming pareho ni Eliza ng sumigaw din si Garrett. Tiningnan namin sya at nakitang nakatakip yung mga kamay nya sa dalawa nyang tenga habang nakapikit. Unti-unti namang minulat ni Garrett yung mata nya at tiningnan kaming dalawa.

"Sinisigawan mo ko?"- si Eliza. May pagkabossy ang tono nya. Pfft. Eto na, eto na. Wahahahaha!
"Baby kasi, ang ingay nyo..."- mahinahon na sabi naman ni Garrett habang nakakunot ang noo nya.
"So, sinisigawan mo nga ako?"
"Aish, sorry na baby.."- pagkasabi ni Garrett nun, niyakap nya si Eliza na ginantihan naman kaagad ng beshy ko.

Luh?! Ganun na lang?! Hinde Eliza! Awayin mo, awayin mo!

(〜 ̄△ ̄)〜
"Anong itsura yan MJ?"- sabay na tanong nila sakin. Agad ko namang binalik sa dating ayos ang muka't kamay ko. Wahaha!
"Wala, sasakalin ko sana kayong dalawa... Beshy, nakita ko si kuya mong mama."
Tiningnan naman ako ni Eliza, nakayakap pa din sa boyfie nya. Ugh, please. May kagagaling lang sa break up sa harap nyo oh! Mahiya naman sana sila! (҂⌣̀_⌣́)
"Saan?"
"Dun sa daanan, puro ice cream ang muka."

Tapos tumawa ako ng malakas, lalo na nung nakita kong nanlaki ang mata ni Eliza. (≧∇≦)/

Make It YoursWhere stories live. Discover now