MJ's POVOne month later...
"Yah, eonni! Baegopa~" (Ate, I'm hungry)
Nasa probinsya kami ngayon ng Zaraga para sa bakasyon. Kami ni Ate Mira, ako at si Kuya lang ang nandito. Wala sila mama't papa dahil nagkaroon ng konting problema sa negosyo nila doon sa Q.C. Napatingin ako sa tyan ko ng bigla itong kumulo.
Napaangat ang ulo ni Ate Mira atsaka humarap sakin habang nakangiti. I pouted my lips.
"Jamkkan, dongsaeng ey. Arratji?" (Wait, ey. Understand?)
Sagot ni Ate Mira sabay tumawa ng mahina. I rolled my eyes and sighs."Arraso"- sagot ko habang tumatango tsaka pinanood syang magluto ng adobo.
Uub-ob na sana ako sa mesa ng bigla syang tumawa ng malakas. Napabalikwas ako sa upuan at muntik na kong mahulog doon.
"Dapat talaga doon na lang tayo sa Korea eh... Ang galing!"- sambit nya habang kumekembot tsaka pumalakpak. Napapikit at napailing ako. Hays, isip-bata...
-------------------
"Ate Ey, sige na po. Punta ka na po sa bahay. Kakain po tayo ng rice cakes na dala ni Appa. Pero dapat turuan mo kong mag-make up."
Napangiwi ako tsaka napatingin kay Ate Mira pabalik kay Minju, half-korean na 7 years old na nakatira malapit sa bahay na tinutuluyan namin ngayon. Bahay dati ito ng parents ni papa until they died dahil sa sakit at katandaan.
Ang probinsya ng Zaraga ay hindi kilalang lugar. Maliit lang na bayan katabi ng Binama province at pinaninirahan ng mga koreano kaya naman kapag lumabas ka ng bahay, madami kang makakasalubong na Koreano o kaya naman half-half.Napatigil ako sa pagtitig sa bintanang kaharap ko ng hilahin ni Minju ang laylayan ng damit ko. Kinurap-kurap nya ang mata nya atsaka ako nginitian. "Jebal, eonni~" (Please, Ate)
"Sige na Ey, sasabihin ko na lang sa kuya mo. Mukang miss na miss ka ni Minju atsaka para makamusta mo din sila Mr. And Mrs. Seo. Diba minju?"
Agad na tumango si Minju atsaka nagthumbs up kay Ate Mira. Ngumiti ako ng maliit kay Minju atsaka hinimas ang ulo nya.
Pinili kong suotin ang kulay puting plain sweater at tinernuhan ng black jeans at black ankle boots. Tuwing bakasyon, hindi kagaya sa ibang lugar sa Pilipinas, malamig sa Zaraga dahil sa malapit ito sa Pacific Ocean. Tumingin pa kong muli sa salamin atsaka nagdecide na itali ang buhok ko into a pony. Bago ako lumabas, binitbit ko ang maliit na box na nakatago sa maliit na cabinet katapat ng kama ko. Matagal-tagal na din ng huli akong nag-make up. Kaya ko pa kaya? I sighs and leaves my room.
Paglabas ko naabutan kong nagtatawanan sila Ate Mira at Minju sa sala. Napansin ko ang puting plastic bag na nasa lamesa. Sakto namang napatingin sa direksyon ko si Ate Mira.
"Oh, nandyan ka na pala. Ingat kayo ha? Ikaw naman Minju, don't make your Ate Ey go home late, arratji?"
"Lalakarin na lang natin hanggang bahay nyo Minju, ayos ba yun?"- tanong ko kay Minju ng makalabas kami ng bahay. Hawak-hawak ang puting plastic bag kanina na ang laman pala ay adobo na niluluto ni Ate Mira kanina. Ibigay ko daw kina Mr. And Mrs. Seo katulad ng bilin nya. Agad na humawak sa kamay ko si Minju atsaka giniya ako sa paglakad.
"Alam mo ate, madami akong ikukwento sayo. Naging princess ako sa school dahil sobrang ganda ko daw!"- masayang sabi nya atsaka tumalon talon.
"Pero sabi ni Eomma, masama daw ang magyabang kaya hindi ako nagyayabang. Hindi ako nagkukwento sa kanila, dahil para sakin pagmamayabang yun."- dugtong nya atsaka sumulyap sakin.
"Hindi ka ba nalungkot dahil hindi mo maikwento sa mga kaibigan mo?"
"Aniyo. Kasi naniniwala ako sa 'everything happens for a reason.'"- nakangiting sagot nya. Napatingin ako sakanya ng sandali. Iniisip kung anong connect ng sinabi nyang qoute sa tanong ko. Nangyaring hindi nya makwento dahil may rason. Ganun ata ang gusto nyang sabihin.
"Wae?"- (Why?) tanong ko ulit sakanya. Nakakatawang isipin na imbes na ako ang nagtatanong sa batang to, ay parang ako pa ang pinapangaralan nya.
"Kasi po it's for good naman eh. Kasi gusto ni God na mangyari yun. Kung ayaw nyang mangyari yun, hindi mangyayari sayo."
Napakurap ako sa sinabi nya. Back when Eliza's death at pinagsabihan ako ni Kuya ng katulad sa sinabi ni Minju, ngayon ko lang nabigyang linaw ang lahat. Nawala si Eliza dahil may reason. Kung ano mang reason yun, maghihintay na lang ako.
Napaangat ang ulo ko ng makarinig ako ng kalabog at parang may sumemplang. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may nakahandusay na rider ng motor na bumangga sa puno.
"Omona, eonni!!"- (My goodness, Ate!) sigaw ni Minju na halata din ang pagkagulat. Napatingin ako sa paligid at napagtantong walang kahit na sino ang naglalakad manlang. Marahil ay gubat kasi ang dadaanan papuntang bahay nila Minju. Manipis lang ang pathway na dadaanan kaya naman naisip ko na baka na-out of balance sya kaya tumama sa puno. Eh kung hindi ba naman sira ang tuktok nya at dyan pa dumaan. May kalsada naman sa gawing kanan ng gubat na to eh.
Napatakbo ako sa kinalalagyan ng rider pagtapos ay gumalaw sya ng bahagya.
"A-ah, ayos ka lang ba?"- nauutal kong tanong. Dahan dahan at maingat nyang tinanggal ang helmet na suot nya. Nakita ko namang kinuha yun ni Minju.
"Please, c-call----- IKAW?!"
"IKAW!?"
Sabay naming tiningnan ang isa't isa. Napatayo ako at napatitig ng mataman sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko! Bigla akong nainis at hinila papunta sakin si Minju.
"Yah eonni, hindi ba natin sya tutulungan? He must be in pain."- komento ni Minju atsaka umupo sa tapat ng nakahigang lalaking to. "Oppa, gwaenchana?" (Kuya, are you alright?)
"Sorry, but I cannot understand you."- sagot nya kay Minju habang nakangiwi.
"Tsh, pupunta punta dito pagtapos hindi kayang magsalita ng lenggwaheng gamit dito..."- mahinang bulong ko habang nakatingin sa malayo.
"Sandali po, oppa. Tatawag ako kay eomma."- biglang sabi ni Minju tsaka tumayo sa pagkakaupo nya. Kinuha nya agad ang cellphone na nasa maliit nyang shoulder bag at nagdial ng numero doon.
Pagbalik ko ng tingin sa lalaking nakahiga sa paanan ko ay laking gulat ko ng nakatingin sya sakin ng masama. Luh, problema nito. Kinunutan ko sya ng noo.
"Narinig ko ang sinabi mo, biik ka."- mahina ngunit may diin nyang sinabi. Napantig naman ang tenga ko sa itinawag nya sakin. WTF?
Babanat na sana ako ng bigla namang humarap si Minju mula sa pagkakatalikod nya. Naibalik ko kaagad ang kamay ko na handa na sana syang batukan papunta sa likod ko.
"Appa will come now."- nakangiti nyang anunsyo habang palipat-lipat ng tingin saming dalawa. Napatango na lang ako bilang sagot sakanya pagkuwa'y tumingin sa lalaking to ng masama. Sasapakin ko talaga to pag walang nakatingin eh. Biik pala ha...
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...