CHAPTER TWO

23 3 1
                                    


MJ's POV

Dalawang oras na ang nakalipas mula nung sinabi sakin ni Harvey na manliligaw daw sya sakin. Ano kayang trip nun? Kakakilala ko lang sakanya kahapon, tapos agad agad ligaw daw? Sira. Tsk. Pwes, hindi ako easy to get. Atsaka bakit kaya nalaman nya section ko? Sa pagkakatanda ko, wala naman akong nabanggit sakanila ni Joson.

Breaktime namin at kasalukuyan akong naglalakad pababa ng building para pumunta sa canteen. Para talagang timang si Harvey eh. Hindi ko maipaliwanag pero naiirita ako na.... Kinikilig? Argh! Ewan ba. Pagbaba ko sa pinakahuling baitang ng hagdan, nakita ko si Garrett. Boyfriend ni Eliza.

"Uy MJ, si Eliza?"- tanong nya nung makita ako. Dumila ako sakanya.
"Malay ko, hindi naman ako hanapan ng nawawalang famous."- pagkasabi ko nun, nilagpasan ko sya at naglakad ulit. Paglabas ko ng building, tinitingnan na naman ako ng mga estudyante. Hays.

"Beshy!"

Napalingon ako sa bandang kanan at nakita ko sa corridor ng ground floor si Eliza. Tsk, nakakainis naman tong babae na to, bakit ba ang sexy sexy nya? -_- Pinagtitinginan tuloy sya ng mga manyakis na mga lalaki.

"Hello"
"Anyare..."- sabi nya tas hinawakan yung noo ko. Ay?
"Bakit parang hindi ka hyper? Asan ang bestfriend ko?"- mataray na tanong ni Eliza sakin. Parang timang eh.
"Nandun sa ilog river, tinapon ko. Che! Bili mo ko ice cream!"- reklamo ko sakanya tsaka naglakad na ulit. Nag-pout muna sya bago sumunod sakin sa paglakad.
"Ilog river daw, dami alam."- bulong ni Eliza. Umirap na lang ako.

----

Nasa fourth floor kami ng JICA building. Dito na yung nakasanayan naming tambayan ni Eliza simula nung Grade 9 kami, wala naman kasing gumagamit ng mga rooms dito. Tahimik, kaya lang mainit. Andaming dalang pagkain ni Eliza, nagugutom tuloy ako.

"Enge~"- pagtukoy ko sa choco mousse na hawak nya. Agad agad naman nyang binigay sakin yun tas kumain sya ng chichirya.

"Hoy ikaw ha. Sino si Harvey?"- maarteng tanong nya. Napatigil naman ako sa pagnguya pero tinuloy ko ulit. Expected ko nang itatanong nya sakin yan. Marami kasing papansin kay Eliza kaya maraming nagaupdate sakanya. Mga papansin talaga. Chismoso pa. Hays.

"Kaibigan."- maikli kong sagot.
"Weh."
"Oo nga, bakit ba? Crush mo no?"- tanong ko tsaka ngumisi.
"Ew ha."- maarte naman nyang reklamo. Sus. Ngudngud ko sya dito sa cake na kinakain ko eh.
"Manliligaw daw sya eh. Adik nga yun eh, kakakilala ko lang sakanya kahapon, ligaw daw agad."- sabi ko. Umiling lang sya tas di nagsalita. Kita mo to! Wala manlang sasabihin?!

"Malaki ka na, alam mo na dapat gawin."- sabi nya. Napatigil ako.
"Eh kasi, bat ganun? Kinikilig ako sakanya. Oo ang stupid pakinggan, pero.... Bakit ganun nararamdaman ko?"

Sabi kasi nila, once na iba ang pakiramdam mo sa isang tao, alamin mo na habang maaga pa. Kasi baka mahuli pa ang lahat.

"Eh baka crush mo MJ."- sagot nya ng hindi nakatingin sakin. Siguro nga. Crush ko nga sya siguro.

Nagulat ulit ako nung makita ko si Harvey sa tapat ng room ko. Eto na naman, kinikilig ako. Sinadya kong bagalan yung lakad ko para kapag lumingon sya, makikita nya ko. Hindi naman ako nagkamali at nakita nya nga talaga ako.

"MJ."- tawag nya sakin. Ngumiti ako sakanya. Bigla kong naalala na ngayon ko nga pala sasabihin yung sagot ko sakanya.
"Sige, pwede ka ng manligaw."- sabi ko. Ngumiti ulit ako sakanya. Ginantihan nya naman ako ng sobrang lapad na ngiti.

Nung lunch, kasama ko syang kumain sa canteen. Sinabi nya sakin na ihahatid nya daw ako sa bahay pag uwian na. Para tuloy akong baliw na all time, nakangiti. Duh. First time kayang may manliligaw sakin. Hmp! Nakita ako ni Eliza, at binigyan ng 'may-dapat-kang-ikwento-sakin-look.' Ngumiti na lang ako ng sobrang lapad sakanya.

"Manliligaw ko na si Harvey."- sabi ko kay Eliza. Uwian na at sabay kami ngayong naglalakad pababa ng building namin.
"Grabe, the flash ang peg ha."- komento nya. Napatingin tuloy ako sakanya.
"Eh gusto ko naman sya eh."- sagot ko sakanya.
Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Garrett. Napakunot agad noo ko. Grabe, ayoko talaga sa aura ng panget na to eh. Mukang si kamatayan.

"Hey baby, where have you been? I missed you so much."- sabi ni Garrett kay Eliza with matching hawak pa ng kamay. Napairap ako ng di oras. Hmp.
"Kasama ko si Beshy kanina. Bakit, baby?"- sagot ni Eliza. Nag-cross arms ako atsaka ngumiti ng malapad kay Garrett. Napasimangot sya sakin.
"Ikaw! Sabi mo, di mo alam kung nasan baby ko?!"- reklamo nya. Epal talaga nito, attention seeker eh? Pinagtitinginan tuloy kami.
"Huh? Wala naman akong sinabeeeee."- painosente kong sagot. Haha buti nga. Pinandilatan ako ng mata ni Garrett. Nag-belat lang ako sakanya.
"Sige na beshy, magdate na kayo ng look-a-like ni kamatayan na bf mo. Uwi na ko ha? Byeeee!"- paalam ko kay Eliza tsaka bumeso sakanya.
"Sama mo ha."- sabi ni Eliza pero humagikgik ng tawa. Napatawa ako ng mahina.
"Anong sabe mo?!"- sigaw ni Garrett. Hindi ko na lang sya pinansin at tumalikod na sakanila.

Masaya naman ako para sakanila, di ko lang talaga ma-take pag magkasama sila. Feeling ko kasi inaagaw nya sakin beshy ko. T.T

"MJ!"

Ay tipaklong! Nagulat ako dun ah. Nasa gate na pala ako ng school. Nakita ko si Harvey na inaantay ako. Mukang kagagaling nya lang sa practice ng basketball dahil sa nakasuot sya ng jersey ng school.

"Kanina ka pa ba dyan?"- tanong ko nung makalapit ako sakanya.
"Hindi. Tara na?"
"Sige."

Naglakad kami papuntang kotse? Hala, nakakahiya naman. Nilingon ko si Harvey.
"Uy, nakakahiya."
"Hindi. Tara na."- sabi nya. Napangiwi na lang ako. Ano ba naman tong lalaki na to, bat ganto? Feeling ko tuloy hindi sya sweet. Tsk. Inisip ko na lang na baka pagod lang sya.

Nakarating naman kami ng bahay after ng ilang minuto. Ang boring, nakakainis. Ni hindi ako nakaramdam ng kilig. Hmp!

"Bye MJ." HMP! Bye mo muka mo. Dumiretso lang ako sa pagpasok ng bahay at di na inantay pang umalis kotse nya. Akala ko pa naman, bababa sya ng kotse para ihatid ako mismo sa pintuan, hindi pala! Kainis.

Make It YoursWhere stories live. Discover now