CHAPTER TWENTY EIGHT

8 3 0
                                    

MJ's POV

*sniffs*

Hay, sa susunod na araw pasukan na pero pakiramdam ko magkakasakit ako. Huhu. Pagtapos ko kasing umiyak, sinipon ako. Waaaaa!

"Sean Key?"- rinig kong tawag ni Thunder sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Nakatulog ako pagtapos kong umiyak kanina dito sa sofa tas nagising ako dahil sa pagkatok ni Thunder. Malapit lang naman kasi sa sala yung kwarto ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga tsaka kinusot kusot ang mata. Nakatalikod sakin si Thunder habang kumakatok sa pinto.

"Uhm, Thunder..."- tawag ko sakanya. Kaagad naman syang lumingon sa direkyon ko. I tucked my hair in my ears and cleared my throat. Panigurado kasing pangit ang boses ko pag bagong gising.

"Bakit mo tinatawag si Key?"- tanong ko sakanya.

"I'm going home."- maikling sagot nya. Oh.

"Ah, ganun ba. Sasabihin ko na lang sakanya. Mukang tulog pa sya eh... Anong oras na ba?"

Tiningnan ko ang wall clock sa sala and it says, 2:15 pm. Wait-----WHAT?! Ibig sabihin hindi na ko nakapagtanghalian? Grabe, ilang oras ba akong natulog?

"Uhm, kumain ka na ba? Sorry talaga. Nakatulog ako."

Kaagad syang umiling.

"Nah. I'm full. Maybe I'll just stop by at the nearest coffee shop there."- sagot nya.

"Gusto mo samahan kita?"- I offers. Mag-iiwan na lang ako ng note kay Key. Nakakahiya kasi kay Thunder. Sya lang naiwang gising dito habang tulog kami. I wonder kung anong ginawa nya habang tulog kami. Waaaaa, ang lonely ng feeling nun..

"You sure?"- paninigurado nya. Tumango na lang ako bilang sagot.

---------------------------------


Kopimin

Malapit nga tong coffee shop na to, kaso ang mahal na mga nasa menu. Hay, Sabagay mayaman naman itong si Thunder kaya sisiw lang sakanya ang magbayad.

"Coffee latte and.... What do you want?"- baling saakin ni Thunder.

"U-uh, hmm, h-hot choco? Meron ba nun dito?"- tanong ko sa waiter. Tumango sya sakin.

"M-magkano yung ganun?"- nahihiyang dugtong ko.

"280 ma'am."- sagot nung waiter pagtapos nag-bow sya.

W-what?! Hot choco lang, 280 na agad?! Mygad... Iisang daan lang tong dala ko, huhu.

"Don't worry. My treat. Sinamahan mo naman ako dito eh."- singit ni Thunder.

Oh my god. Bakit naman napaka-bait nito nakakahiya tuloy sakanya. Kaya naman gustong gusto ko sya eh. Napaka-boyfriend material. Hihi!

MJ! Ano ba? Itigil mo nga yang boyfriend boyfriend na yan! Haynako!

Napansin ko namang umalis na yung waiter kaya naiwan na ulit kami ni Thunder.

"U-uhm, thank you Thunder."

Hindi sya nakatingin sakin pero alam kong narinig nya yung sinabi ko. I sighed. Ang cold cold talaga nitong si Thunder. Kaya yung ibang tao iniisip na masamang tao sya dahil napaka-cold nya pero ang totoo mabait naman talaga sya. Kaya ba ganun na lang kung magsungit yung kapatid nyang si ugok dahil nasa lahi na nila yun? Eh ano namang dahilan? Hayy, bakit ko ba kailangan pang problemahin yung kanila? Hays! Ewan!!

"Tell me something about your encounter with my brother."- biglang sabi ni Thunder habang nakatingin pa din sa labas ng glass window nitong coffee shop.

Nakunot bigla ang noo ko kasabay ng pag-ugong ng tyan ko ng sabihin nya ang tungkol sa kuya nya. Kita mo na, gutom na tuloy ako.

"Uhm, ang totoo nyan... Hindi naging maganda yung una naming pagkikita. Napaka-sungit nya. Parang walang pakelam sa nararamdaman ng iba. Kaya palaging hindi maganda yung nangyayari pag nagkukrus ang landas namin ng ugok na yun."

I said and looked at him. Nakita ko ang maliit na pag-ngisi nya dahil sa sinabi ko. I furrow my eyebrows.

"Kapatid ko nga talaga sya."- komento nya.

"Huh? Hindi ah. Mabait ka naman kahit ang cold mo. Ramdam kong may pake ka sa ibang tao. Hindi kagaya ng kuya mo. Masyadong masungit."- I said in a matter-of-fact tone.

This time tiningnan nya ko ng matagal. Feeling ko naman namumula na ang pisngi ko dahil sa pagtitig nya sakin. Omg, di kaya nahuhulog na sakin si Thunder? Huwaaaaaa!! Hayy.

"You know the saying 'the more you hate, the more you love?'"- nakatitig pa din sya habang tinatanong ako.

Oo, pero gusto ko naman sya ah? Hindi naman kasi ata totoo yang kasabihan na yan. Dapat the more you like, the more you love. Tsaka kahit siguro sino magkakagusto kay Thunder kasi ang gwapo gwapo nya. Hihi.

Hindi na lang ako sumagot sakanya at nag-iwas na ng tingin. Saglit pa kaming natahimik tsaka dumating yung waiter dala yung order namin.





"Soooo, sinasabi mo bang mas type mo si JC kaysa kay Thunder?"- komento ni Key. Ugh! Nadatnan ko kasi sya dito sa sala na naka-robe at umiinom ng kape sa sala habang nagbabasa ng kung ano man yun nung hinatid ako ni Thunder dito galing sa coffee shop. Naisip ko kasing ikwento sakanya yung napag-usapan namin ni Thunder at eto sya, sinasabing mas gusto ko raw si ugok kesa kay Thunder. Siraulong babaeng maitim ang lipstick. Aish. Sinabi ko pa nga yung nararamdaman ko pag nasa malapit lang sya simula doon sa pagkulo ng tyan ko pag nababanggit ang pangalan nya hanggang sa pag-init ng muka ko pag nakakasagutan ko sya dahil sa inis. -_-"

"Hindi ko gusto si JC, okay? Paano ko sya magugustuhan, eh yung ugali nga nya hindi kagusto-gusto."- depensa ko sakanya. Sumipsip lang sya sa kape nya tsaka umiling-iling.

"Like what Thunder said, the more you hate, the more you love. O sadyang di ka nakakaintindi ng english? Alam mo Maxine, wala namang masama kung magkagusto ka sa masungit at chic magnet na JC Yu. At the end of the day, Yu pa rin sya. Ano bang ikinapuputok ng buchi mo dyan ha?"- nakakunot na noong tanong nya sakin. I pouted.

"Na hindi ko nga kasi sya gusto!"

Nagbuntong hininga sya then patted my head.

"Haynako Maxine, in denial ka lang. Tingnan mo nga yang muka mo oh. Nangangamatis na."- nakangising sabi nya sakin tsaka humalukipkip.

"Ugh! Ewan ko sayo Key! Ang hirap mong kausap! Sinabi ng hindi ko sya gusto eh!"- inis na sabi ko naman sakanya tsaka nagdabog papuntang kwarto.

"Woooookeeey! Kunwari naniniwala ako sayo ha?"- sabi nya habang tumatawa. Bwiset. -_______-#

Make It YoursWhere stories live. Discover now