MJ's POVAng ingay.
"Huy, bat ganyan?"
"Teka lang, yung wallet ko--- SHANAAAAA!"
"Sino nagtali nang bag ko dito?!"
"Oo si Kai, my gosh!! Ang hot!"
"Kyaaaaaaah!! Hastag my feels sabog! As in! Hihihi!"Kinamana. -___________- Nakakarindi ah. Sobrang inga----
"WAHAHAHAHAHAHA!"
Napalingon ako sa likod ko. Pusha, ayaw nyong tumigil? Sige makikipagsabayan ako! Akala nyo! Tumayo ako sa upuan ko at namewang.
"Hoy kayo dyan! Ambabaho ng hininga nyo, tawa kayo ng tawa dyan!"- sita ko dun sa mga lalaki na nasa dulo na nagtatawanan. Tiningnan nila ko sabay sabi ng "luh" at "epal to ah." Inirapan ko lang sila. Sunod ko namang pinansin yung grupo nila Jem na nagkikiligan dahil sa EXO.
"Kayo namang malilibog kayo, hinaan nyo ang boses nyo! Pasakan ko bibig nyo ng lollipop eh. Ano ha? Ano?!"- banta ko sakanila, sinamaan nila ko ng tingin. Sus! Kahit lumabas mata nila sa kakatingin sakin ng masama, hindi ako matatakot noh! Pinandilatan ko lang sila ng mata. Kaynes."Hoy Maxine Jane De Guzman! Anong trip mo ha?!"- sita naman sakin ni Yvonne. Kinamana talaga ng tuka ng ibon na to eh. Di ko na nga sya pinansin dahil sa kaingayan nya!
"Baka TRIP NYO? Sinasabayan ko lang kayo, shunga!"- sagot ko naman sakanya. Halos humagalpak ako sa tawa nung makita ang itsura ni ibon.
"BWAHAHA! Ganyan pala magulat ang ibon??! WAHAHA!"Susugurin sana ako ni Yvonne dahil sa inis, buti na lang napigilan sya ng mga classmates ko. Phew! Nilabas ko ang dila ko kay Yvonne tsaka pinalo ang pwet ko sabay sabi ng "PANIS!" Tumawa ako muli ng makita na naman ang inis na panget na muka ni Yvonne.
Bumaba ako sa upuan ko ng makita si Eliza na papasok ng room. Malapit na ko kay Eliza nang biglang umaamba ng sapok si Yvonne sakin.
"Hep hep!! Bakit mo sasapukin si MJ ha?!"- pigil ni Eliza kay Yvonne. Nagtago naman ako sa likod ni Eliza.
"BWISET YANG KAIBIGAN MO! SINABIHAN AKONG SHUNGA AT... AT... AT IBON!!"- pagtapos nyang sabihin yun, dumadagundong na tawanan na naman. Ugh! Kelan ba sila tatahimik, kainis na..-------
After lunch, bumaba kami ng building para pumwesto sa school court. Nagsidatingan na kasi yung mga schools na nanghahakot ng estudyante para papasukin sa campus nila. At ako? Hehe, sa NCA ako papasok. Halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa mabigat na kamay na dumapo sa balikat ko. Kunot noo akong lumingon sa likod at nakita si camilla. Classmate ko dati.
"Etong pandak na to..."
"Hi MJ!! San ka, next year?"
"Wait lang oh, wala pa nga eh."- sabi ko, sarcastically.
"Enyenye. Hoy! Ikaw ah! Ang childish mo pa din kahit kelan."-sabi naman nya. Nudaw? Pinagsasasabe nito?
"Ha?"
"Nakipag-away ka, magtatago ka din naman sa likod ni Eliza. HAHA!"- pang-aasar nya. Tsh. Ngumuso na lang ako at humarap sa stage.Napatingin naman ako sa katabi kong si Eliza na busy-ng busy sa pagme-make up. Hays. Minsan nakakainggit sya. Sobrang popular nya to the point na konting galaw nya, alam ng lahat. Yung kanina nga lang eh, nakaabot sa section ni Camilla. Expected ko na naman ang mga chismosang mapanghusgang palaka na kesyo sipsip ako kay Eliza. Pwwwweeee!! Kung tutuusin kaya kong agawin kay Eliza ang pagiging rank one noh! Hmp!
"Hoy, beshy. Ano na naman yang nginunguso nguso mo dyan? Wag mong isipin yun, panget yun. Hahaha!"
"CHE!"- sigaw ko sabay cross arms at talikod sakanya.
"Aish, isip bata..."- sabi nya sabay hawi ng malakas sa buhok ko. Tsk, kita mo yun! Ginulo pa buhok ko! Paglingon ko sa direksyon ni Eliza para sana magreklamo nakita ko si Harvey.Nakatingin sya sakin.
May parang kung ano sa dibdib ko. Ano ba to? Inis? Galit? Ugh, hindi ko maintindihan. Relax, Ey. Wag mo syang pansinin. Nakipagtitigan muna ako sakanya atsaka sya inirapan. Pagtapos nun, hindi na ako lumingon sa direksyon kung nasan sya. Panghuling speaker ang NCA kaya medyo sumasakit na ang pwet ko nun. Pano ba naman kase, 12 schools with super extra long speech. Aish.
"And last but not the least, New Crescent Academy!"
Syempre at dahil dream school ko ang NCA, ako yata ang may pinakamalakas na palakpak para sakanila. Woooooooh!! \(*⌒∇⌒*)ノ Nag-announce sila kung kelan ang enrollment at kung ano ang dapat dalhin bilang requirements. Excited na ko~ Ano kayang itsura sa NCA? Hihihi! Napansin kong may dalawang estudyanteng lalaki na nakasuot ng uniform ang umeksena sa stage. Tumayo sila sa magkabilang gilid nung speaker. Ay? Bakit walang babae? Diba usually pag may ganito, babae at lalaki dapat? Unfair. Hmp, wag ko na nga lang pansinin.
"Just to inform you dear students, these two young men standing in front of you are the sons of the owner of NCA..."
"Huy, panyo mo nalaglag."- sabi ko dun sa katabi kong babae nung malaglag yung panyo nya. Agad naman nya yung kinuha. Teka, ano daw yon? Hala hala, di ko narinig!
"Ano daw yun, beshy?"- pagbabakasali ko kay Eliza. Pero isang seryosong "SSSSH" lang ang natanggap ko. Ay badtrip."Good afternoon co-students. My name is JC Yu, standing in front of you to represent New Crescent Academy wherein different academic tracks are offered..."- sabi nung lalaki na gwapo pero mukang masungit. Hmp. Pagtapos nyang mag-discuss ng academic tracks, pinasa nya yung mic dun sa isa pang lalaki.
"Good day everyone. I am Thunder Yu to show you the facilities inside our beloved NCA..."- pagpapakilala naman nung isa pang gwapo na mukang masungit din. Ayt. Bakit lahat na lang ng gwapo, masungit? Buti na lang si Harvey hindi gwapo. Muntik na kong mapatingin sa direksyon kung nasan sya, buti na lang nagulat ako sa palakpakan.....
Ay teka, YU? Wait, pareho silang YU diba? Ah... Magkapatid pala sila.
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...