CHAPTER EIGHT

11 3 0
                                    

ELIZA's POV

"Haaaaaaaaaaaaah~~ Goodmorning world!"- masayang bati ko habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko habang nag-iinat. 7:00 palang at 8am pa naman pasok ko kaya chill chill muna. Pwaha! Pagkatapos kong ayusin ang hinigaan ko, dumiretso ako sa baba para mag-breakfast. Nakita ko yung kuya ko na nakaupo habang nakaub-ob ang muka sa lamesa sa kusina.

"Hello panget~"- bati ko sakanya. Nakakunot noong tiningnan nya ko with matching masama pa ang tingin. Sus! Dukutin ko eyeballs nya eh. Inirapan ko sya atsaka dumiretso sa refrigerator para kumuha ng lulutuin. Epal kasi si yaya, tulog mantika. Nagsimula na kong magluto nang biglang kausapin ako ng kuya ko. Wow. Himala to.

"Gwapo naman ako Liz, diba?"- muntik na kong matawa sa tanong nya, kaynes. Hindi ko makita ang itsura nya dahil nakatalikod ako sakanya.
"Hmmm, oo naman. Wala akong kapatid na panget."- sagot ko sakanya habang hinahalo yung itlog sa fried rice.

Alam ko na kung saan tutungo ang usapan. Kay beshy. Yup. Crush ng kuya ko si MJ. Ewan ba sa kuya kong to. Masyadong torpe. Napangalanang leader ng isang gang, napaka-torpe naman pala. Weak.

"Tsk. Bakit nawawalan ako ng confidence pag si Maxine na yung kaharap ko. Aish."- reklamo nya sabay alis na. Bahala sya sa buhay nya. Bahala syang dumiskarte kay MJ dahil hindi ko sya tutulungan. Ayoko sya para kay MJ, dahil gangster sya. Kahit kuya ko sya, hindi pa din. Kasi baka kung maging sila, mapapahamak si MJ dahil sa pagiging gangster nya.

------
"Miss Eliza, for you. Sana tanggapin mo."- bungad sakin ng isang lalaki na nag-aabang sa hagdan papuntang classroom ko. Nginitian ko sya atsaka kinuha yung chocolate na may nakadikit na papel, mukang letter ata. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na sa paglakad nang biglang sumigaw yung lalaki.

"Miss Eliza! Pwede ka ba mamaya? Kain tayo sa labas!"- sigaw nya. Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang isang to? Naalala ko tuloy si Garrett sakanya. Ganito din sya nung nagsisimula pa lang syang manligaw sakin. And speaking of him, dumating sya at mukang, uh, galit? Naku, mukang narinig nya... Hays, magiinaso na naman tong baby ko.
"Sorry, may date kami ng boyfriend ko eh."- sabi ko habang bumababa atsaka hinatak sa braso si Garrett pataas. Para di na humirit yung lalaki, I kissed Garrett's lips. Smack lang.
"Kainis yun ah!"- gigil na sabi ni Garrett nung makalayo kami.
"Haynako, wag mo ng pansinin yun! Alam mo namang ikaw lang love ko eh... Nga pala, I need to go na. May performance pa mamaya si MJ, dapat nandun ka ha!"- paalam ko sakanya atsaka nagpatuloy kaming naglakad papuntang room ko.

~~
Nagsimula yung program around 3pm at si MJ ang mauunang magperform sa stage. Poem recital lang naman yun, alam kong sisiw lang sakanya yun. Yung poem na na-aasign sakanya is yung death ang theme. I forgot the title eh.

Syempre, inutusan ko ang lahat ng classmates ko na magcheer para sa beshy ko dahil syempre kaklase namin sya. At yang Yvonne na yan, hindi makakapalag sakin yan.

"WOOOOOOOOOOOOOOOOH!!"
Dumagundong ang buong court nung lumabas si MJ. All I can say was, wow! Ang ganda ng bestfriend ko with her Persephone imitation. Naka-cloak sya with black dress and stringed sandals. Kitang kita yung lips nyang kulay black. Woooooah. Fierce na fierce yung datingan! Nahagip ng mata ko ang taong unang nanakit sa beshy ko. Nakatulalang pinapanood nya si MJ. Napaangat ang kaliwang kilay ko ng makita kong lumapit sakanya si Yvonne na kung makakapit kay Harvey akala mo linta. Pag-untugin ko tong dalawa eh!

Naalis yung tingin ko sakanila ng magsipalakpakan ang mga tao. Tapos na pala si MJ magperform. Nakipalakpak muna ako bago tumingin sa kinaroroonan ni Yvonne. Nagtaka ako nung mawala sya sa braso ni Harvey. Agad ko syang hinanap at nakita ko syang papunta sa back stage.

"Leche..."- i murmured. Gagawa na naman ng iskandalo yung bruha!

MJ's POV

"I will be here, looking at you, till death do us apart..."- huling linya ko habang tinitingnan ang audience in fierce way. Yun yung sabi nung trainer eh.
"Death string by Clarkson Davis."- dugtong ko. Nagpalakpakan ang lahat pagtapos kong magperform. I take a bow and then tumalikod sa audience tsaka dumiretso sa backstage. Phew! Easy. Ni, hindi ako pinagpawisan. Napangisi ako.

Didiretso na sana ako ng comfort room para magbihis nang may tukmol na humarang sa daraanan ko.

"So, magaling ka na nyan?"- mataray na sabi nya. Ugh, di pa ba sya nadadala sa pangbabara ko sakanya dati tungkol sa pangingialam nya samin ng ex ko? Kumunot ang noo ko nung maalala ko yung lalaki na yun.

"Kumpara sayo? Oo naman."- mapagmataas kong sabi tsaka ngumiti ng malapad. Bear it Yvonne. Masyado akong masaya dahil sa performance ko kaya itotodo ko ang pangbabara sayo.
"Ang yabang mo! Kaya ka siguro iniwan ni Harvey!"- sagot naman nya. Para akong sinabuyan ng lava at sobrang nag-iinit ang ulo ko sa sinabi nya. Wala naman syang alam sa kung ano talaga ang nangyari, kung makapagsalita akala mo kung sino!

"Ah, hindi pala. Malandi ka kasi."- dagdag nya pa. Saglit akong natigilan na naging dahilan para ngumisi sya. Inunahan pa ko sa pagwowalk out! Aba! Akala nya siguro barado nya ko. Psh. Wala syang alam! Sinundan ko sya para malapitan pagkatapos, tinawag ang pangalan nya.

"Yvonne"
Lumingon sya at saktong paglingon nya, sinampal ko sya.
"Sabihan mo pa ko ng malandi, hindi lang yan ang aabutin mo sakin."

[A/N: The title of the poem I used is just a creation of my mind. Even the person, Clarkson Davis. 😂 I, thank you. *bows"]

Make It YoursWhere stories live. Discover now