MJ's POV30 minutes na ang nakalipas simula nung madala namin dito yung ugok na lalaking yun sa bahay nila Minju. Nakaupo kami sa sala at katatapos ko lang make-up-an si Minju tulad ng request nya. Pagkatapos kong suklayin ang buhok nya, napasulyap ako sa kwartong nasa bandang kanan namin. Napatitig ako ng masama sa pintuan niyon ng bigla ko na lang maalala ang tinawag sakin ng lalaking yun! Teka, ano nga bang pangalan ng ugok na yon?
"Eonni, rice cakes. Kain tayo."- alok sakin ni Minju ng makakuha sya ng isa sa box na nasa lamesitang katapat namin. Agad akong kumuha tsaka iyon kinain.
"Omona! I can't believe na nandito ang anak ng senyor! Ano bang nangyari't napadpad dito yun?"- usisa sakin ni Mrs. Seo paglabas nya ng kwartong inuukupa ni ugok.
"Ano ho? Senyor?"- kunot-noo kong tanong sakanya. Agad naman syang tumango tsaka tumabi sakin umupo.
"Anak sya ng pinakamayamang senyor dito sa Zaraga. Ang gwapo nya, hindi ba?"
Napaubo ako sa sinabi nya ngunit nakarecover naman din agad. Gwapo nga, ampangit naman ng ugali...
"Isang napakagaling na business man ang tatay ng batang iyon kaya naman sobrang dami ng pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Mabait naman ang senyor ngunit kadalasan talaga'y nagsusungit iyon. Dala na rin siguro sa katandaan."- pagpapatuloy nya. Naalala kong hindi ko pa pala alam ang pangalan ng lalaking yun.
"Ah, ano po bang pangalan ng lalaking dinala namin dito tita?"
"JC. JC Yu. Tagapag-mana ng pamilya nila. May kakambal syang kapatid na ang pangalan naman ay Thunder."- mabilis nyang sagot sakin. May kapatid pala sya... Dalawa lang kaya silang magkapatid? Hmm.
"Ano po bang ugali nya?"- mapangusisang tanong ko muli kay tita. Ngumiti sya sakin ng kakaiba atsaka lumingon sa kwarto. Napalingon din naman ako doon.
"Masipag na bata. Masunurin, lahat ng gusto ng kanyang ama'y laging sinusunod. Mapagmahal din naman, lalo na sa kanyang ina. Namana nya din ang pagiging masungit nito kadalasan sa kanyang amang si Senyor Dindo. Palaban din naman ang batang iyan, hindi man halata."
Hm, kaya naman pala... Naalala ko na naman tuloy ang pagnakaw nya sa first kiss ko at ang pagtawag nya saking biik kanina. Argh! Gusto ko syang sugurin ngayon din sa kwartong yun at sakalin sya!
*
"May bali sya sa kaliwang paa dahil naipit ng husto ng motorbike nya. Paano sya makakauwi?"- tanong ni Mrs. Seo pagtapos naming magmeryenda ng kalamay at juice. Nakatulog naman si Minju dahil sa pagod kakalaro ng fashion show kuno. Ngunit pumalit naman sakanya ang kuya nyang 10 years old na si Minyu.
"Si appa?"- sagot ni Minyu sa kanyang ina.
"Naku, may gagawin pa si appa mo kaya hindi nya maihahatid si JC. Nakakahiya namang dito pa sya matulog, malamang hindi sya magiging kumportable dito baka din hanapin sya sakanila lalo na si Senyorita Mariana."- mahabang paliwanag ni Mrs. Seo pagkatapos ay nagbuntong hininga. Napatingin ako sa gilid kasabay ng pagbagal ng nguya ko sa kalamay na kinakain ko.
"Maayos naman po ba ang motor nya?"- agad kong tanong. Napaangat naman ang ulo nito, ganun din si Minyu.
"Naku, hindi naman makakapag-motor si JC dahil nga sa nabali nyang paa..."
"Ako po ang maghahatid sakanya."- prisinta ko.
"Woah, daebakk! Marunong kang mag-motor eonni?"- (Amazing) komento ni Minyu with matching hawak pa sa braso ko. I just smiled and nodded at him.
"Sigurado ka ba dyan, hija?"- nagaalalang tanong ni Mrs. Seo.
"Ne."- (Yes) sagot ko naman habang nakangiti.------------------
"Oh, anong tinitingin tingin mo dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng kayang mag-motor?"- tanong ko sakanya ng mapansing nakatayo lang sya sa gilid ko at nakatingin sakin na para akong tinubuan ng isa pang ulo.
Pagtapos namin magpaalam ay agad ko syang inalalayan palabas ng bahay nila Mrs. Seo. Nung una, nag-iinarte pa ang loko kesyo kaya naman daw nya. Nung bitawan ko nama'y hindi makalakad. Mukang ewan lang eh.
Nakunot naman ang noo ko ng hindi pa din sya kumilos mula sa pagkakatayo nya sa gilid ko. Ano bang tao to, oh! Gagabihin ako neto mamaya pag-uwi eh!
"Hoy, ano ba? Gusto mo bang sapakin ko yang bali mo sa paa para kapag sumakit, magkaroon ka na ng dahilan para magmadaling umuwi? Wag mo nga akong titigan!"- reklamo ko sakanya. Nanatili lang sya sa posisyon nya at pinakatitigan akong maigi. Putspang to, o-oh!
"Sakay na ano ba----!"
"Antaba mo talaga."- walang buhay nyang sabi sabay sakay sa likuran ko. Natigil naman ako dahil sa sinabi nya. Bwisit na lalaking to, nakakadalawa na to sakin ha!!"Inaano ba kitang siraulo ka ha?! Ako na nga maghahatid sayo, aasarin mo pa ko?!! Eh kung iwan kita dito------"
"Drive now"- utos nya pagkatapos nyang pukpukin ang tuktok ng helmet nya na suot ko. Napapikit ako.Ugh! Okay! Drive pala ha! Agad kong pinaharurot ang motor nya na halatang ikinagulat nya dahil nag-aayos palang sya ng posisyon, pinaandar ko kaagad ang motor nya.
"What the----- slowdown, oh my goodness!!"- sigaw nya sa likuran. Umirap ako kahit di nya nakikita at pinagpatuloy ang pagdidrift sa kalsada para iwasan ang ibang sasakyan. Ang bakla bakla naman pala nito eh.
"Saan dito?"- tanong ko ng makakita ako ng two ways sa harapan namin.
"S-sa kaliwa.."
"Ha?! Saan?!?"- ulit ko ng hindi ko marinig ang sinabi nya.
"Ka-kaliwa!"- sigaw nya pabalik. Tumango na lang ako bilang sagot at nagdrift pakaliwa. Maya-maya, nakaramdam ako ng patak ng ulan. Lintek, aabutan pa ata kami ng ulan ah...
"Hoy, malapit na ba?!"- tanong ko sakanya habang nakatingin sa repleksyon nya sa salamin ng motor.
"Diretsuhin m-mo, may makikita kang ba-bahay..."- sagot nya. Halos matawa naman ako sa reaksyon at itsura nya. Kanina lang ang angas angas tas ngayon akala mo kuting na inosente. Pautal-utal pa!
"Okay, haha. Kapit ng maigi! WOOOOOOOOH!!!"- sigaw ko kasabay ng mabilis na pagpapaharurot ko ng motor nya.
"Stop the motorbike here."- utos nya, may bahid ng awtoridad ang boses nito. Nakabalik na sya sa ugali nyang masungit dahil mabagal na ang pagpapatakbo ko. Eh panong hindi babagal?
Isang malaking gate na kulay itim ang sumalubong samin habang binabagtas ang daanan na may mga puno sa gilid. May nakaukit na letrang Y at U na kulay gold sa mismong gate na kasinglaki ata ng gate sa factories. Napalunok ako.
"Bahay nyo na to?"- tanong ko sakanya, manghang mangha pa din sa laki mg gate. Imagine, gate palang yan ha. Paano pa kaya pag sa loob na ang nakita ko?
"Yeah"- tipid nyang sagot habang may kinakalikot sa phone nya.
"Seryoso?! Isang subdivision ata to eh!"- komento ko. I heared him snort kaya napalingon ako sakanya. Nakita ko naman syang nakangisi habang nakatapat sa cellphone nya. Tss. Siraulo... Ang yabang. Hmp.
"Hoy, paano ako uuwi?"- tanong ko sakanya. Nagtaas sya ng dalawang kilay sakin na parang wala syang matandaan. Naramdaman ko namang nagbukas ang malaking gate kaya napatingin ako doon. Agad din akong napatingin sakanya ng maglakad sya palapit doon.
"Ewan ko sayo, diskarte mo na yun."- sabi nya habang suot suot ang nakakairita nyang ngisi.
WHAT THE HELL!!!!!!?
-------
[A/N: Okay, I kennat.]
YOU ARE READING
Make It Yours
De TodoPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...