CHAPTER TWENTY NINE

14 3 0
                                    



Yvonne's POV

I am so stressed! Bwisit talaga! Ang hirap humanap ng alliance sa plano kong pagpapahirap kay Maxine Jane! Ano bang meron sa babaeng yon at hindi mawala sa landas ko? Gaya gaya pa ang bruha! Nag-NCA din! Bullshit! Mukang matatagalan ako para mapasakin si JC Yu dahil sa Maxine na yon! Kung ipakulam ko na lang kaya sya? Argh! >____<"

"Ma'am saan po kayo pupunta?"

Nawala ang iniisip ko ng magsalita ang dambuhalang lalaki sa harap ng pinto. I rolled my eyes and tucked my new cut short hair.

"Papasok malamang, stupid!"- mataray kong sabi sakanya tsaka hinawi sya ng buong lakas pero walang naging effect sakanya at lalo pa syang humarang sa pinto ng club.

"Sorry ma'am, pero bawal ang under age."- pagbabawal nito sakin. Napabuntong hininga ako sa inis.

Mukang mang-aakit ako ng di oras for the sake of my happiness.

                            *****

Hays. Bwisit na lalaking yun, ni hindi marunong humalik. Ang boring nya, huh. Pagpasok ko sa club, hinanap ko kaagad ang comfort room para magretouch ng lipstick. Paglabas ko, sakto namang may nakabangga akong tao.

"What the hell?! Hindi ka kasi tumitingin sa dadaanan mo!"- iritang singhal ko habang pinapagpagan ang damit ko na nabuhusan ng iniinom nya. Argh! Such a waste of time! Parang gusto kong magsisi na pumunta pa ko dito.

"I can buy you another dress. Stop whining."- he calmly said.

Wait, I know him! Is he--

"Joffer Martin?"







MJ's POV

*sighs*

Nasa mall kami na pagmamay-ari ng pamilya ni Key ngayon at namimili ng mga school supplies dahil bukas, pasukan na. Kanina pa kami lakad ng lakad ni Key dito pero ni yellow pad, wala pa kaming nabibili. Kesyo dapat magandang quality ang piliin daw namin. Ugh. -___-"

"Ano nang petsa Key oh? Hindi pa tayo nakakabili ng kahit na ano. Nagpapakapagod ba tayo?"- reklamo ko ng mahinto kami sa mga notebooks. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga kamay ko tsaka sumandal sa pader. Sumasakit na ang mga paa ko, tsk.

"Will you shut your mouth? Makakabili din tayo, andami daming tinda dito Max oh. Hindi ka mauubusan."- mataray na sagot nya. Argh! Etong babaeng to!!

"Yun na nga eh, andaming tinda pero ni isa wala pa tayong nabibili! Key naman, mamili na tayo ng makauwi na tayo."- pagmamakaawa ko sakanya sabay yakap sa kaliwang braso nya.

She just glanced at me then rolled her eyes afterwards. Napanguso naman ako. Kahit kelan talaga, tong babae na to masyadong mataray. Pati ako na kaibigan nya, tinatarayan nya. Hayyy.

Maya-maya lang din, nag-umpisa na kaming mamili ng mga gamit at kanya kanya kaming lagay sa basket na dala dala namin kanina pa. Hay salamat! (-U-)/


FAST FORWARD


"Hoy Max oh. Take it, ayoko na nito."

Pagtapos sabihin ni Key yun, binato nya sakin yung bag pack na kulay black sakin. Wait, channel to ah?!

"Don't worry, dalawang beses ko palang nagagamit yan."- dugtong Nya habang nagkakalkal sa phone nya. Srsly??!

"Akin na lang talaga to?? Wooow! Thank you Keeeeeyyyy!! Pa-hug akooooo~"- sabi ko tsaka umamba ng yakap kay Key pero agad syang umiwas sakin. *pouts*

Nakita ko namang agad na inayos ng yaya ni Key yung mga gamit nyang nakalagay kanina sa bag na kabibigay nya lang sakin papuntang gucci bag na kabibili nya lang. Parang bata talaga to si Key. Nagyayaya pa, samantalang ang laki laki na. Hahahaha!

"Yes, what do you want asshole?"

Napalingon naman ako kay Key dahil sa sinabi nya. Nakita kong may kausap sya sa phone nya.

"And why do you want to know?... Shut up, I'm with a friend... Fine! We're in our mall."

"Sino yun?"- tanong ko ng pinatay nya yung tawag at inabot sa yaya nya yung phone.

"Si Ken, my suitor. Come on, let's eat. I'm hungry."

"Hala, may manliligaw ka pala?"- hindi kasi nabanggit sakin ni Key yung tungkol sa lovelife nya. Next time nga, magpapakwento ako sakanya.

Hindi na sya sumagot at naglakad na kaya naman sumunod na ko. Maya-maya lang, nakahanap na kami ng makakainan kaya pumasok na kami doon at naghanap na ng pwesto.

"Yaya, dun ka na muna sa kotse. Hintayin nyo na lang kami dun."- sabi ni Key ng hindi nakatingin sa yaya nya. I pouted. Bakit hindi na lang nya isabay yung yaya nyang parang anime ang suot kumain? Damot talaga nito ni Key. Ay, binigyan nya pala kong bag. Hihi!

"Alright, young lady."- tapos tumungo sya bago naglakad paalis.

"Hayy, ano na naman kayang kailangan ng Ken na yon at kasama pa nya ang James na yon. Aish!"- asar na bulong ni Key habang namimili ng pagkain namin sa menu na hawak nya.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating yung waiter para kunin ang order namin na kaagad din namang binigay ni Key. Hinintay ko munang makaalis yung waiter bago magsalita.

"Sino naman yung James? Grabe, andami mong manliligaw Key ha? Baka mamaya hindi lang Ken at James yan ha. Baka may Bong, Bond, Cyrus, Barbie, Xander ford, Alden-----"

"Sira! James is my cousin. Don't jump into conclusion, 'kay? Hays."- sabi nya sabay irap. Hmp!

"Inis ka lagi, alam mo yun? Maaga kang tatanda, akala mo."- pananakot ko sakanya. Hehe

"Hindi mo kasi alam kung paano kabwisit ang muka non at kung pano manira ng araw ang mga yon, Max. Kaya you better behave at wag na wag kang makikipag-usap sakanila unless I told you so. Understand?"- sabi ni Key.

Napatango na lang ako habang nakanguso. Parang nanay naman tong si Key magsalita, parang namamalo ng bata. Waaaaaa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make It YoursWhere stories live. Discover now