MJ's POV
Okay. 8:34 na pero di pa din nagsisimula yung practice. Anyway, few weeks to go and school is over. Lumipas lang ng napakabilis yung christmas and new year. Wala namang masyadong nangyari nung christmas except sa regalo ni Kuya El sakin na gold bracelet with different crystals at yung kay Ate Mira na uhm, err, malaking sumbrero na kulay peach with blue ribbon na nakapalibot sa sumbrero. Alam nyo yung sumbrero ng mga mayayaman pag nasa beach? Yun, ganun.
Flashback
"Merry Christmaaaaaaaaaaaaaaas!! Wohooooo!!"- boses ni Ate Mira sa labas ng kwarto ko. Napangiti ako ng malapad tsaka tumingin sa wall clock ng kwarto ko. Agad akong lumabas ng kwarto para puntahan silang lahat bitbit yung mga regalo na binili ko para sakanila. Naabutan ko silang nagbibigayan ng regalo sa sala kaya nakisali na din ako.
"Merry Christmas Kuya El."- sabi ko kay kuya tsaka inabot yung regalo ko sakanya.
"Merry christmas din, Ey."- bati nya sakin pabalik tsaka ginulo ang buhok ko bago buksan yung regalo. G-shock na relo yun na color black. Ngumiti sya sakin tsaka inabot yung regalo nya sakin.
"Thank you, ito naman sayo."- sabi nya. Inabot ko agad yun at walang alinlangang binuksan yung regalo. Bumungad sakin yung pahabang box tas sa loob nun may gold bracelet.
"Omg, kuya... Walang wala to sa regalo ko sayo."- nahihiyang komento ko.Tumawa lang silang lahat pati sila mama't papa. Kasunod na nagbigay sakin si mama at nakatanggap ako ng dalawang dress. Niregaluhan ko naman sya ng silver earrings na may design na music note. Si papa naman, niregaluhan ako ng maagang allowance na ikinatawa naman naming lahat.
"Eh wala kasi akong maisip na ipanregalo, kayo naman!"- sabi ni papa habang natatawa-tawa pa.
"Okay lang papa! Hahaha, merry christmas po."- sabi ko habang inaabot yung regalo ko sakanyang sapatos na pang-bike nya.
"Syempre hindi matatapos ang gabing ito ng wala ang mga regalo ko sainyo!"- masayang announcement samin ni Ate Mira.
"Magpapakasal na kayo???"- mapang-usisang tanong ni papa. Namula si Ate Mira tas si Kuya El naman ngumisi. Wahahaha!
"H-hindi pa po, tito! Kayo naman po."- sagot ni Ate. Nilabas nya lahat ng regalo at halos mapahagalpak ako sa tawa ng makita kung pano nya binalot yung mga regalo. Yung isang regalo halos makita ko na ang laman: Green na damit.
"Kasi naman, ayaw ako turuan nyan ni Kiel sa pagbabalot eh. Hindi ako marunong."- nguso ni Ate Mira tas inabot na samin lahat. Napadako naman ang tingin ko kay Kuya na nagkakamot ng ulo, halatang nagpipigil ng tawa.
"Ang laki ng regalo ko Ate ah!"- excited na sabi ko
"Syempre, love kita eh! Buksan mo naaaa."Binuksan ko naman yung regalo na halos itinapal lang yung wrapper. Pffft! Cute talaga ni Ate Mira. Bumungad sakin yung malaking sumbrero. Inangat ko yun tsaka tinignan.
"Pwede mo yang gamitin sa school!"
End of flashback
Umiling ako habang nangingiti. Nilabas ko ang phone ko para sana magpatugtog ng may lumapit sakin para abutan ako ng folder. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Eliza sa harap ko. Unlike me wearing our school uniform, she's wearing our P.E shirt and jeans tas naka-black cap din sya.
"Para saan naman to?"- nakakunot noo kong tanong sakanya tsaka tuluyang sinalpak sa tenga ko yung earphones ko. She rolled her eyes tapos tumabi sakin umupo sa gilid ng hallway sa tapat ng halamanan.
"Clearance form. Hay, mamimiss ko yung school. Yung kulitan ng section natin. Yung pagiging president ko sa section 4-A..."
Tinanggal ko yung earphones ko dahil di ko maintindihan yung sinasabi nya.
"Ha?"- tanong ko sakanya dahil clearance form lang yung naintindihan ko sa mga sinabi nya. Nilingon nya lang ako tsaka ngumiti bago tumayo. Nilipat nya ang tingin nya sa covered court. Tapos lumingon ulit sakin.
"Sabi ko, tara na kase start na ng practice."
----------------------
"Jusko day, ang init."- reklamo ni Eliza at padabog na inalis yung cap nya. Magti-thirty minutes na kaming nakapila pero di pa din kami umuusad papuntang court. Ganun daw kasi ang set up eh. Una sa pila yung pinaka-huling section then yung second to the last na section, so on and so forth. So bale, kami ang pinakahuli sa pila dahil first section kami. Binigyan daw kasi ng chance na mauna yung mga last sections. Well. I shrug at the thought.
"Kasali ba sa ipapractice yung pagsabit ng medal sa mga may honors?"- tanong ni Alec Rodriguez, yung second rank namin. Bale sya ang salutatorian. Tango lang ang sinagot ni Eliza, kaya naman nanahimik na din si Alec.
Maya-maya lang, nagsimula ng umusad ang pila namin. Sandamakmak na "hay, salamat" at "sa wakas" ang lumabas sa bibig ng section 4-A.
Nung section na namin ang tatawagin nung MC para pumasok sa court, sinabi ni Eliza na ayusin ang pila by surnames. So naghiwalay kami ni Eliza dahil Reyes and apelyido nya at De Guzman naman ang sakin. Nahagip ng mata ko si Yvonne na nakatitig sakin habang naka-smirk. Problema na naman nung kumag na yun? Tss. Tumalikod ako sakanya at pumila na lang ng maayos. Buti na lang malayo-layo sya sakin."Ang mga magsisipag-tapos sa pangkat ng 4-A. Sa pangunguna ng kanilang guro, Ginang Editha Reynaldo."- announce nung MC.
Kanya-kanyang taasan ng mga ulo ang mga kaklase ko bago maglakad, lalo na ang mga lalaki. Ang lalaki talaga ng mga ulo. Napangisi ako. Naglingunan din samin ang mga estudyante habang naglalakad kami isa-isa sa gitna ng court papunta sa upuan na naka-assign samin sa harap. Hindi ako tumingin sa mga estudyanteng nakatingin sakin nung ako na ang naglakad dahil baka makita ko si Joffer, o kaya naman si Harvey kaya diretso lang akong nakatingin sa harap at sinundan ang nauna kong kaklase.
"First section pala sya..."
"Sino, sya?"
"Anong pangalan nya?"
"Baka naman nerd kasi yan?"
"Gaga, hindi! Nakita ko kung pano nyan awayin si Yvonne Ibo!"
"Weh?! Si Yvonne Ibo? As in yung Rank Three???!"Owkay, para akong alien na pinaguusapan ng mga babaeng to kaya binilisan ko ang lakad ko para mawala na ako sa paningin ng mga echuserang mga to.
FAST FORWARD
Medyo antagal ng bigayan ng diploma kaya mag-aalas dose na nung matapos. Dinismiss kami para sa lunch at sinabing babalik ng one pm sa court para naman praktisin yung pagbibigay ng honors. I sighs heavily. May baon naman akong pagkain kaya didiretso na lang ako sa JICA bldg. para dun na magpahangin.
Hindi pa man ako nakakarating sa 4th floor, hinarangan ako ng daan ni Yvonne at Eunica. I scrunched my nose at kunot noo silang tinignan.
"Kamusta ang araw mo, MJ?"- nakangising tanong ni Yvonne sakin habang naka-cross arm. I rolled my eyes.
"Maganda na sana araw ko, kaso dumating ka. Ang pangit mo eh. Anong kailangan mo?"- walang gana kong tanong. Nawala ang ngisi nya at napalitan ng galit.
"Alam mo MJ? Matapang ka lang dahil kay Eliza. Palagi kang nakabuntot sakanya para pag may gumalaw sayo, sakanya ka tatakbo kasi may kapangyarihan sya. Pero kung tutuusin, pag mag-isa ka lang, taob ka sakin."- mataray na sabi nya sakin. Kumunot ang noo ko at napahawak sa string ng bag ko. Bumuntong hininga ako para kontrolin ang galit ko.
"Kahit kailan, hindi ako dumepende sa kahit na kanino. Kaya kong mag-isa at wala akong pake kung ikaw pa ang makaharap ko. Bumuntot sa isang tao? Nakakalito, sino bang tinutukoy mo? Ikaw na naghahabol sa teacher maipasa ka lang o yang alagad mong si Eunica? At hindi mangyayaring taob ako sayo, hanggang panaginip mo lang yon. Let's have a deal, Yvonne. You will leave me alone, and I will not give fuck to you."
Nginisian lang nya ako atsaka nag-angat ng ulo.
"MJ, MJ, MJ... Konting panahon na lang, magagawa ko na din ang plano ko. Kaya kung ako sayo, I'll watch my back."And with that, she leaves me there dumbfounded. Anong plano?
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...