MJ's POV
"Ayos ka lang ba, Maxine?"
Nag-angat ako ng tingin at agad napakunot noo nang makita ang muka ng nakabunggo ko.
"A-ayos lang... Pero teka. Diba bully ka? Bakit mo ko tinutulungan? Akin na nga tong kamay ko----AAAAH!"- napatili ako dahil sa pagbawi ko ng kamay na hawak ni Russen, napaupo muli ako. Awwwwssssh... Huhu miyaki.. (个_个)"Tara na kase. Ang arte eh, tinutulungan na ngang makatayo. Wala naman akong virus."- sita nya. In one swift motion, nakatayo agad ako. Ang awkward dahil nakatitig sya sa mata ko. Feeling ko nag-iinit ang pisngi ko. Napakurap ako.
"Okay, salamat. Ngayon, kailangan ko ng umalis. Tsupi bully!"- sabi ko at winasiwas ang aking kamay upang maitaboy sya. Akmang lalakad na ko ng pigilan nya ko gamit ang paghawak sa aking balikat. May katangkaran kasi sya eh. Kumunot muli ang noo ko. Agad kong inalis sa balikat ko ang kamay nya at inis syang tiningala.
"Ano na naman?! Wala akong ice cream, okay?!"
"Hindi kasi yun! Uhm, ano.. Uh... Eh kasi, uhm..."- hindi mapakaling sabi nya. Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang problema ng isang to? Para syang ice cream na naiinitan. Wahaha!
"Ano?!"- singhal ko.
"Ano! May gagawin ka ba ngayon! Kasi kung wala baka pwede mo kong samahahan sa mall!!"- singhal nya din pabalik. Napakurap kurap ako sa sinabi nya.Ano daw? Samahan ko daw sa mall? O.O umiling iling ako.
"Ha? Ikaw nagpapasama sa mall?"- usisa ko. Umikot ako sakanya na para bang sinusuri sya ng mabuti. Napahawak ako sa baba ko ng mahinto akong muli sa harapan nya. Kunot noo nya akong tiningnan.
"Siguro... Bakla ka no!?"
"Hindi ah! Tss! Labo mo! Dyan ka na nga!"- sabi nya atsaka tuluyang umalis pabalik sa loob ng school.
"Huy teka!"- sigaw ko pabalik sa kanya. Hinabol ko sya at hinarangan ang kanyang daan.
"Okay sige. Sasamahan kita sa mall pero ililibre mo ko ng pagkain. Pambayad mo na din sa ice cream ko na napunta lang dyan sa muka mo. Deal?"-malapad na ngiti kong sabi sakanya. Nag-iwas sya ng tingin atsaka tumango bago tumalikod sakin para maglakad muli palabas ng gate.*
Siomai republic
"Bakit dito sa siomai? Gusto ko sa jollibee!"- reklamo ko ng pumasok kami sa siomai republic. Aish.
"Ang arte mo. Buti nga papakainin pa kita eh."- boring na sabi nya. Ngumuso na lamang ako at sumunod sakanya sa paglalakad. Di rin nagtagal ay nakahanap kami ng mapupwestuhan kahit na maraming tao.
"Dyan ka lang, ako na ang oorder."- prisinta nya.
"Okay!"- masiglang pagsang ayon ko. Tiningnan nya ulit ako sa mga mata bago tuluyang umalis. Ano ba yun? Bakit ba sya tingin ng tingin sa mata ko? May muta kaya ako?(〇_o) Waaaaa! Agad kong kinuha ang maliit na salamin sa aking bag atsaka tiningnan ang aking mata pero bigong makahanap ng muta. Psh. Wala naman eh. Kung makatingin sa mata ko eh... Maya maya lang, nakarating na si Russen dala yung pagkain namin. Umupo sya sa tapat ko.
"Bakit mo pala ko inaya dito?"- diretso kong tanong sakanya pagtapos nyang ibigay yung pagkain. "Pero di bale, dito naman talaga sa mall ang punta ko.""Can I ask kung pwede akong manligaw sayo?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagflashback lahat sa utak ko yung tungkol samin ni Harvey. At higit sa lahat, bakit ganito yung puso ko ngayon? Hindi ko maintindihan...
"B-bakit---"
"Nung una kang dalhin ni Eliza sa bahay, nagustuhan na agad kita. You got something I don't know what it is that captures my heart, Maxine... I've been there everywhere you go. At alam ko lahat ng tungkol sainyo ni Harvey... Until now, I'm still into you that's why I'm telling you this. I wanna protect you from everything. Sawa na ko na nakatanaw lang sayo sa malayo habang nasasaktan ka."- Russen explained. I don't know what to say. Dammit! I gulped, blinked several times, and looked down to the food.
"A-ano ka ba! Wag ka ngang magjoke. Di kaya nakakatawa."- palusot ko and fake a laugh. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng hawakan nya ang dalawang kamay ko. Napatingin ako sakanya sa gulat.
"I'm dead serious Maxine. I'm begging you. Let me court you, until I got you."***
8:45pm
Hindi pa din ako makatulog. Bakit ganito ang nangyayari sakin? Tsk. Napatingin ako kay Miyaki na kumportableng nagpapahinga sa ibabaw ng tyan ko. Hinimas ko ang balahibo nito habang nagmumuni muni. Inalala ko lahat ng nangyari sakin these past few months. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nangyayari to. Hindi naman ako kagandahan, ni hindi nga ako marunong pumorma. Napapikit ako ng mariin. Aish!
Napabulalas ako ng malakas ng tumunog ang notification ringtone ng phone ko. Buti na lang di nagising si Miyaki.
From: unknown number
Good evening! We would like to inform all the Grade 11 who enrolled to our beloved New Crescent Academy that we will have an orientation this coming monday at exactly 8am in the Mini Auditorium of the said Academy. See you there!
[A/N: I'm so sorry if this chapter is too short. I am preoccupied these past few days. He he. Ciao~]
YOU ARE READING
Make It Yours
RandomPerfect and imperfect situations in an relationship. Yung walang kaplastikan na parang fairy tale kuno kayo. Yung true to life hindi fantasy. Babae akong nagmamahal ng tunay kaya deserve kong mahalin ng totoo. Very unrealistic naman kung ang ending...