Chapter 2

29.7K 716 14
                                    

Alex's POV

Hindi ako makapaniwala mapapayag ako sa kagustuhan niya. Wala akong magagawa para maging kabayaran sa utang ni papa. Hindi ko naman kayang bayaran ang limang milyon.

Pagkagising ko kagabi ay nasa kama na ko. Ang alam ko ay nakatulog ako habang nakaupo. Paano ako nakarating sa kama?

Naisipan ko ng bumaba dahil nagugutom na talaga ako. Hindi ko naman alam ganito pala kalaki ang bahay na ito. Hindi ko alam saan papuntang kusina.

"Where are you going? May balak kang tumakas?" Nagulat ako sa nagsalita. Lumingon ako para tingnan. Si gwapong boss pala pero wala namang puso.

"Hindi ako tatakas. Hindi ko mahanap ang ban--" Biglang umingay ang sikmura ko. Ngumisi ito sa akin.

"I see. Hungry. Hindi ka kasi kumain ng hapunan kagabi. And you are not looking for rest room." Naglakad na ito. Ang sama talaga ng ugali. Ni hindi man lang ako tulungan. "Ano pa ginagawa mo diyan? Sumunod ka na sa akin."

Napahanga ako dahil pati kusina ay malaki rin. Mayaman talaga ang pamilya niya dahil sa kanya pa naisipan umutang ni papa.

"Here. Eat." Nilapag na niya ang plato sa mesa pero tiningnan ko lang yun. "Wag ka magaalala wala akong nilagay na lason diyan. Kaya kumain ka na."

"Siguraduhin mo lang. Kahit may balak kang patayin ako."

"Hindi naman kita papatayin kung wala kang balak tumakas." Pumuwesto na siya sa harapan ko.

"Kagabi pa tayo naguusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Zachary. Zachary Jackson."

"Alexis Madrigal."

"I know. Palagi kita binabantayan o inuutusan ko ang mga tauhan kong bantayan ka."

Hindi na ako nagsalita dahil nagsimula na akong kumain. Ang sarap ng pagkain.

"First time mo?" Tumingala ako sa kanya para tingnan siya. "Para ka kasing batang kumain."

"Shut up. Gugutom lang ako."

"Dapat hindi ka na lang ulit kumain ngayon. Hindi naman kita pipigilan kung gusto mo mamatay." Ngumisi ito. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking ito.

"Alam ko naman papatayin mo si papa kung mamatay ako dahil alam kong walang pangbayad ng utang si papa."

"Exactly."

Nagiisip ako ng paraan para hindi matuloy ito. Kahit pumayag ako sa kagustuhan niya maging bayad sa utang ni papa. Argh. Alam ko isa siyang mafia. Mafia boss.

Nakita ko si Zachary sa garden kaya naisipan kong lumapit sa kanya.

"Zachary." Tawag ko sa kanyang pangalan.

Lumingon ito sa akin sabay tapon sa hawak niyang sigarilyo sa lupa.

"What?" Ang sungit talaga. Daig pa ang may monthly period.

"Gusto ko lang malaman kung bakit ang pagiging mafia ang pinili mo?"

"Mind your own business. Hindi ka naparito para pakialamin ako." Sungit talaga, oh.

"Alam ko namang wala akong karapatang alamin. Psh."

Nanliliksik ang mga mata niya. Eek. Nakakatakot. Umaatras ako baka maglabas siya ng baril at itutok sa akin sabay putok. Patay ako nito.

"You're scared?" Ngumisi ito sa akin. Sumimangot ako sa kanya. Ang sama talaga niya. Damn you!

---

"Come in." Sabi ko habang nakahiga sa kama. Boring naman dito. Wala kasi magawa saka miss ko na si Yza. Bigla na lang kasi ako kinidnap dahil sa utang ni papa. I don't hate my father sa kanyang ginawa.

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon