Chapter 13

17.7K 412 4
                                    

Alex's POV

Kinapa ko ang kama dahil wala na kong makapa. Bumangon ako kasi wala na sa tabi ko si Zach. Nasaan naman kaya ang lalaking yun. Nilibot ko ang paningin ko hanggang may makita akong lalaki nasa balcony. Pumunta na ko doon sabay yakap sa kanya mula likod.

"You're awake. Good morning."

"Good morning." Pumuwesto na ko sa tabi niya. "Anong iniisip mo? Mukha kasi ang lalim."

"Nothing."

"Work?"

"Nope. Not work."

"Mafia?"

"No. I let those three handle it while I was away."

"Ano ba kasi yung iniisip mo?"

"It's nothing. It's not important." Napabilog ang mga mata ko sa paglapit ng mukha niya. Bigla na lang niya ako hinalikan sa labi. Hindi na rin naman ako nagdalawang isip na tumugon.

"You really love me that much?"

"Of course. Hindi ko alam kung ano meron sayo na wala sa ibang babae. Hindi ko rin alam kung bakit nagkasundo ang isipan at ang puso ko dahil ang gusto ko lang gawin ay protektahan ka sa mga kalaban ko. That's all."

Okay. Yun na yata ang sweet na salita galing kay Zach. Marunong rin pala maging ganoon ang isang mafia boss.

"So...?"

"Anong so?"

"Kinilig ka sa sinabi ko?"

"Oh. Shut up." Ngumisi ito pero hindi ko na lang siya pinansin.

"You're so cute. Sayang nga lang wala akong kapatid na babae."

"Mas lalo na ko. Nagiisang anak lang kaya ako."

-----

"Musta naman ang overnight time bonding with in laws?" Loko talaga itong si Yza kahit kailan.

"Anong in laws pinagsasabi mo diyan?"

"Bakit? Magiging in laws mo na rin naman ang mga magulang niya. He is your future husband."

"Future husband?! Ni hindi pa nga nagpropropose yung tao."

"Sus. Diyan rin naman ang punta niyong dalawa."

"Maiba tayo lumevel up na ba ang relasyon niyo ni Greg? Akala mo hindi ko yun napapansin ah."

"Wha- Napunta na sa akin ang usapan."

"Aminin mo na kasi may gusto ka kay Greg, no? Ang masaklap nga lang isa rin siyang mafia katulad ni Zach."

"Ewan. Masaya ako pag nakakasama ko siya noon."

"Nagkikita pa ba kayo?"

"Hindi na. Ang huling kita ko sa kanya noong mga araw na ayaw mo makita yang ama ng anak mo."

"Kausapin ko si Zach."

"Para saan pa?"

"Sabihin ko na isama niya si Greg."

"Ewan ko sayo, Alex. Ganyan ba pagbuntis?"

"Hindi ko alam. Ngayon lang naman ako nabuntis ah."

"Ikaw pa nga ang nagsabi mahirap magmahal ng isang mafia. Dahil nasa panganib palagi ang buhay mo."

"Yeah, pero hindi naman maiiwasan tumibok ang puso."

"Tumibok ba ng malakas yang puso mo pagkasama mo si Zachary?" Tanong nito.

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon