"Kaninong bahay ito?" Tanong ko kasi naman dinala niya ako sa isang bahay dito sa LA.
"Isa sa mga bahay ko. I have plenty of house around US."
Hindi na ako nagulat dahil mayaman naman ang pamilya ni Zach.
"Bakit mo naman ako dinala dito?"
"From now on, I started to live here. I can watch over you while you were staying at your friend's apartment."
"Hindi mo naman kailangan gawin yun." Tumalikod na ko dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa ginawa niya.
"You know what, Alex stop being stubborn." Wow ah. Tama daw bang insultuhin ako.
"Kung wala ka ng sasabihin pa, Zach aalis na lang ako."
Narinig ko siyang huminga ng malalim. Kung may gusto siyang sabihin, sabihin na niya! Argh.
"Do you know how hard to say sorry to the person you love?"
Ano daw?"
Humarap ako sa kanya at naguguluhan sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"I love you, okay?"
Ganoon lang yun? Wala man lang sweetness. Grabe naman. Boring talaga ng lalaking ito. Ewan ko ba kung bakit sa kanya ko sinuko ang sarili ko. O dahil may nararamdaman na rin ako kay Zach ngayon. Sa tatlong buwan ko siyang kasama ay mas lalo ko siyang nakilala.
"Wala ka man reaksyon?"
"Ano naman gusto mong maging reaksyon ko? Wala nga man lang sweetness sa sinabi mo."
"Argh. Bakit ba ganyan kayo mga babae? Ang aarte niyo. Buti pa nga sinabi namin sa inyo na mahal namin kayo."
"Aba, ang kapal rin ng mukha mo. Wala man lang effort ang ginawa mo kaya uuwi na lang ako. Baka masira pa ang gabi ko sayo."
"You can't go anywhere, mrs. Jackson." Ngumisi ito at yun ang kinapula ng pisngi ko. Ano daw? Mrs. Jackson?
"For your information, Madrigal ang apilyido ko."
"Soon, baby." Sabay kindat sa akin. Pailing iling na lang ako. Ewan ko sa lalaking ito. "Kahit one percent wala ba akong pagasa?"
"May pagasa naman kung umalis ka diyan sa pagiging mafia mo. Kahit ang mama mo gusto ka na rin umalis diyan."
"Ilang beses ko na ba sasabihin sa inyo hindi ako aalis hangga't hindi ko napapatay ang pumatay kay Terence." Natatakot akong tumingin kay Zach. Nakakatakot siya ngayon. "Wala naman ginawa ang kapatid ko. Bakit nila pinatay? Yun ang hindi ko maintindihan."
"Paano kung nakita mo na yung pumatay sa kapatid mo?"
"Gusto kong patayin rin siya. Papatayin ko siya kung paano niya pinatay ang kapatid ko."
Lungkot at galit sa kanyang mukha. Nalulungkot siya sa nangyari sa kapatid niya. Nagagalit sa pumtay sa kapatid niya. Yun ang nakikita ko ngayon. Pero minsan hindi ko maintindihan ang lalaking ito.
"Kung gusto mo ko makuha pagsikapin mo. Pero ayaw ko sa lahat ang binibigyan ako ng kung anu-ano. Flowers, chocolates, teddy bears o kahit ano diyan. Ayaw ko noon. Hindi ako makukuha sa ganoong bagay." Iniba ko na yung topic namin. Ayaw ko makitang ganoon si Zach nakakatakot siyang magalit. Baka pati ako mapatay niya.
"Ano ba gusto mong gawin ko?"
"Ligawan mo ko. Yung mageeffort ka talaga. O kaya naman magpakilala ka sa mga magulang ko."
"Mahirap iyan. Alam ng papa mo na isa akong mafia. Baka hindi pumayag."
"Kung mahal mo talaga ako kaya mo ko ipaglaban."
Hinatid na niya ako sa apartment ni Yza bago pa siya tuluyang umalis. Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako ng yakap ni Yza.
"Makayakap ka wagas. Saan ka ba galing kanina?"
"Niyaya ako ng mga kasamahan ni Zachary kumain sa labas. Kaya sumama na ako."
"Pinagpalit mo ko sa mga yun?! Kakaiba ka, Yza. Anong klase kang kaibigan."
"Sorry na. Nagugutom na rin kasi ako at saka gusto ka rin talaga makausap ni Zachary."
"Kaya binigay mo naman ako sa kanya."
"Musta naman ang paguusap niyong dalawa?"
"Naging maayos naman. At saka inamin niyang mahal niya ako."
"Mahal ka ba talaga niya? O baka naman sinabi niya yun dahil magkakaroon kayo ng anak."
"Wala pang alam si Zach tungkol sa bata."
"Wala pa siyang alam pero nakita niya tayo sa clinic. Magkakaroon na yun ng ideya."
Kinabukasan, nagising ako noong may nagdoorbell kaya bumangon na ako para pagbuksan. Wala kasi si Yza ngayon.
"Zach?!" Nagulat ako noong makita ko si Zach pala yung nagdodoorbell.
"Magasikaso ka."
"Bakit? Saan naman tayo pupunta?"
"Sa bahay ng mga magulang mo." I blinked my eyes. Seryoso ba siya? "I'm serious, Alex. Kung liligawan man kita ang gusto ko official na."
Okay. Deep inside kinikilig ako.
"O-Okay. Maliligo lang ako." Naglakad na ako papunta sa banyo.
"Make it hurry. Alam mo naman ayaw ko ang pinaghihintay."
"Tumahimik ka! Dalawa kami ang pinapamahak mo, Zach."
"What do you mean dalawa?" Kahit hindi ko makita ang mukha ni Zach alam ko nakakunot ang noo niya. "Anong dalawa?"
"May sinabi ba akong dalawa?"
"Yes, you are."
"Pwede ba mamaya na lang tayo magusap."
Ibig sabihin pala wala pang alam si Zach tungkol sa batang dinadala ko.
"Okay. Fine. Maghihintay lang ako dito."
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na rin ako. Dahil hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan ko kaya hindi na muna ako magsusuot ng damit ng pangbuntis.
"I'm ready."
"Anong sinabi mong dalawa kanina?"
"Nanaginip ka yata, Zach. Wala akong sinabing dalawa."
"Alex, hindi tayo aalis hangga't hindi mo sabihin sa akin ang totoo. Buntis ka ba?"
Nakatingin lang ako sa kanya dahil ang seryoso niya. Gusto ko tumawa.
"Paano kung sabihin sayo na buntis ako? Ano ang gagawin mo? Kaya mo ba ako panagutan?" Sunod-sunod kong tanong.
"Shit. You're really pregnant? Shit, shit. Really?" Nakakatawa talaga ang mukha niya. Gusto ko na talaga tumawa. Kaya natatawa na lang ako. "What's so funny?"
"Yung mukha mo. Pero mukhang ayaw mo maniwala na buntis nga ako."
"Yes, I can't believe it. Magiging daddy na ko! Kung malaman ni mama iyan sigurado akong matutuwa siya." Sumakay na kami pareho sa kotse niya at pinaandar na niya ang makina ng kotse. "Hindi ito panaginib, right?"
"Totoo ito, Zach. I'm two months pregnant."
"Sa dami kong nakilalang babae ikaw pa lang nagpasaya sa akin ng ganito."
"How about your mother?"
"Except my mom, of course."
~~~~
Congrats, Alex & Zach. Hahaha
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomantikMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...