Zach's POV
Pabalik balik ako sa states dahil ang sabi ni Dex malapit na daw niya mahanap ang impormasyon tungkol sa pumatay kay Terence.
"Zach, kulang pa yung impormasyon nakuha ko dahil hindi ko mahanap kung sino itong black masked boss nila. Kahit rin kung saan mafia siya galing."
"Gawin mo ang lahat para malaman kung sino iyang taong yan. Hindi tayo susuko hangga't hindi natin mahanap kung sino ang pumatay kay Terence."
"Wag ka magaalala, Zach. Hindi ako susukong makuha ang impormasyon na iyan. Alam mo naman gusto rin namin gumanti sa pagkawala ng kapatid mo." Tumango tango lang ako sa sinabi ni Dex. Parang kapatid na rin nila si Terence.
Dalawang buwan na rin ang lumipas. Nakikibalita na lang ako kay Cooper kung kamusta na sila Alexis sa Italy. Naging busy na rin ako rito sa warehouse lalo na malapit namin malaman kung sino ang pumatay sa kapatid ko. Humanda siya sa akin kung sino man siya.
"Zach." Lumingon sa likuran pero binaling ko ulit ang tingin ko sa counter habang umiinom.
"May problema ba, Dex?"
"Medyo nahihirapan ako sa maghanap ng impormasyon sa black masked na ito." Umorder na rin siya ng maiinom. "Masyadong private ang impormasyon niya."
"He is a coward. Hindi niya lang siya magpakita sa akin. Kung matapang siya dapat matagal na niya ako hinahanap." Seryosong saad ko. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na ito. We're almost there.
"Don't worry.. As a promise until the end, Zach. We're right here to help you." Nilagay niya ang kanyang kamay sa likuran ko.
"That's right, Zach. Magkakasama na tayo sa simula kaya hanggang katapusan magkasama pa rin tayong apat." Narinig ko ang sabi ni Greg.
Tama naman sila. Simula pa lang magkakasama na kami. Simulang nabuo ang Golden Dragon ay magkasama na kaming apat. Kami ang orginal members ng Golden Dragon.
"Musta na pala ang magina mo sa Italy?" Paiba ni Hunter sa topic.
"They're all fine. Six months na rin yung tyan ni Alex kaya tatlong buwan na lang manganganak na siya. Ang gusto ko sana masamahan siya manganak at kailangan matapos na rin natin itong misyon."
"Dex, tulungan na kita sa paghahanap ng impormasyon diyan sa black masked na yan." Suggest ni Hunter.
"Mabuti pa nga. Para naman mapadali ang trabaho natin dito." Pagsang ayon ni Dex kay Hunter.
"Ikaw naman, Greg.. Anong gagawin mo habang busy ang dalawang ito?" Tanong ko kay Greg na busy lang sa pagiinom niya ng alak.
"Busy rin ako sa personal life ko. May bagong dating kasi." Sabi nito. Napakunot ang noo sa sinabi niya. May bagong dating? Ano? O baka naman sino?
"Bagong dating?" Takang tanong ko.
"Oo nga. Sino ba yan?" Tanong ni Dex.
"Secret." Ngumisi ito sa amin.
"Gumaganoon ka na ngayon ah." Sabay akbay sa kanya ni Hunter.
"Siyempre. Hindi naman ako papayag na maiwanan ako sa inyo." Natatawang saad nito. "Si Zach kasal na at meron nang mga anak. Si Dex ikakasal sa mystery girl. Ikaw naman may asawa't anak na rin. Tapos ako wala...?"
Nagsitawanan kaming tatlo kay Greg. Ganyan naman talaga buhay. Pero sino naman kaya itong mystery girl ng dalawang ito? Wala naman pinapakilala sa amin si Greg na babae. Kay Dex naman wala siyang ideya sa itsura ng papakasalan niya. Kahit nga pangalan wala siyang alam. Wala siyang alam sa impormasyon sa bride niya.
Kinabukasan, halos araw-araw na ako dito sa warehouse nakatira dahil hindi na ako umuuwi sa bahay. Marami rin kasi akong inaasikaso rito sa warehouse. Hanggang lumapit sa akin si Dex na dala itong folder.
"I finally found the information, Zach." Sabay abot nito sa akin ang hawak niyang folder. "Information about this black masked."
"Wag ka sana mabigla sa mababasa mo, Zach." Saad ni Hunter. Bakit naman?
Binuksan ko na ang folder na binigay ni Dex sa akin. Binasa ko ang mga nakalagay pero nabigla ako sa mga impormasyon nandito.
"Bakit pangalan ni uncle Albert ang nandito?" Siya si uncle Albert, ang ama ni Dean. Hindi ako makapaniwala all this years matagal ko na pala kilala ang pumatay sa kapatid ko.
"Siya ang black masked, Zach. Original leader ng Black Knights bago si Dean." Sabi ni Hunter.
"I know that. But still I can't believe this. All this years matagal na natin nakakasama ang pumatay kay Terence pero wala tayong ideya na siya pala yun. Sinasabi pa natin noon sa kanya ang plano natin na gusto natin gumanti sa pagkamatay ni Terence." Nandidilim na naman ang paningin ko sa galit. "Dex, Hunter, kailangan niyong hanapin si uncle Albert. Ang alam ko wala siya sa Spain kaya hanapin niyo siya."
"Okay." Sabay alis ng dalawa sa warehouse.
Napaupo ako sa bench dahil hindi ako makapaniwalang magagawa ni uncle Albert yun. Close sila ni Terence noong maliit pa ang kapatid ko.
"Anong problema, Zach?" Tumingin ako sa nagsalita. Si Greg. May inabot siyang maiinom sa akin. Ngayon lang dumating ito.
"Nalaman ko na kung sino ang pumatay kay Terence."
"Sino?" Tumabi na ito sa tabi ko.
"My uncle Albert."
"Hindi ba close siya kay Terence? Bakit niya yun ginawa sa pamangkin niya?"
"Yun ang hindi ko alam, Greg. Hindi ko alam kung bakit niya pinatay ang sarili niyang pamangkin."
"Maybe because of your father, Zach. Hindi ba hindi magkasundo ang dalawa?"
"I don't know until I ask him what is his reason. Why he killed Terence."
Maya maya pa ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Dex. Sinagot ko yun agad.
"Hel--" May narinig akong putok ng mga baril. Kumunot ang noo ko sa naririnig ko. "Ano nangyari, Dex?"
"Nalaman ng mga Black Knights nandito kami ngayon ni Hunter... Pero Zach, si Hunter."
"Bakit? Ano nangyari kay Hunter?"
"Binaril ng isa sa kanila si Hunter ng ilang beses." Nagulat ako sa sinabi ni Dex. Hindi pwedeng mamatay si Hunter. "Zach... Wala na si Hunter."
Nabitawan ko ang phone ko sa pagkagulat. Hindi pwede ito pero dapat inaasahan ko na ito dahil maaaring isa sa amin ay mamatay.
Nakita kong kinuha ni Greg ang phone ko sa sahig.
"Si Greg ito, Dex. Ano nangyari? Huh?! Okay, okay.. Saan iyan pupuntahan namin kayo diyan. Okay, kakausapin ko na lang si Zach." Binalik na sa akin ni Greg ang phone ko. "Kahit rin ako nagulat sa pagkawala ni Hunter, Zach. Tanggapin na lang natin na wala na siya."
"Puntahan mo ang pamilya niya at sabihan mo ano nangyari kay Hunter, Greg. Ibabalik namin dito ang katawan ni Hunter para ilibing."
"Okay." Tumayo na ito. "Ang sabi pala ni Dex nasa Miami daw nila nakita ang uncle mo. Puntahan mo na sila doon para matapos na ang lahat na ito."
Tumango ako.
Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko para papuntang Miami. Hindi ko mapapatawad ang uncle ko dahil dalawang buhay na mahalaga sa akin ang pinatay niya.
~~~~~
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomanceMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...