Chapter 10

18.5K 455 2
                                    

Alex's POV

Ilan buwan na rin noong umalis ako sa bahay nila Zach. Two months na rin siguro. Kaya lang umalis ako sa bahay dahil bigla akong nagalit kila papa kasi umalis sila na iniwanan ako sa isang mafia boss. Dahil wala na rin naman ako mapuntahan kaya pumunta na lang ako sa apartment ni Yza. Si Yza na lang ang pwede kong lapitan.

"Alex, musta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Nitong nakaraang araw kasi naging masama ang pakiramdam ko. Parang gusto ko ilabas lahat na kinain ko at gusto ko palaging natutulog.

"Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon." Sabi ko habang nakahiga pa rin sa kama. Dalawa ang kama dito sa apartment niya. Isa sa kapatid niya pero nasa Canada ngayon kaya nagiisa na lang si Yza dito.

"Hindi naman kaya buntis ka?"

Ako? Buntis? Hindi imposible yun. Magkakaroon nang baby sa tyan ko at sa loob ng siyam na buwan ko dadalhin ang anak ni Zach.

"Hindi naman imposible yun, 'diba?" Tanong ko sa kanya.

"Ibig sabihin ba noon may nangyari sa inyo ng boyfriend mong si Zachary?"

"Pwede ba hindi ko siya boyfriend. Kahit kailan hindi ko siya boyfriend."

"Tumawag nga pala sa akin dati yung bodyguard mo pero ang nakausap ko si Zachary." Lumingon ako kay Yza. Bakit naman ako hinahanap? Ang akala ko ba tapos bayad na si papa sa lahat na utang niya. "Gusto ka nga niya makausap pero ang sabi ko ayaw mo siya makita. Kaya binigay niya sa akin ang contact number niya kung may masama kang nararamdaman."

Alam niya na magkakaganito ako? Matutuwa ba siya kung malaman niyang magkakaroon na siya ng anak? Pero hindi pa nga alam kung positive o negative.

"Wag mo siyang tawagan. Ayaw ko na muna siyang makita o kausapin."

"Okay. Sabi mo." Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya lumingon ako.

"Saan ka naman pupunta?"

"Bibili ng pregnancy test para malaman kung buntis ka ba o hindi."

"Oh, sige. Ingat ka na lang sa daan."

Naiwan na ako dito magisa kaya natulog na lang ulit ako. Ilang oras na siguro noong ginising ako ni Yza.

"Nandito ka na pala." Inaantok na saad ko.

"Hindi lang ako ang nandito kasi nakita nila ako kanina na bumibili ng pregancy test." Nahahalata talaga sa boses ni Yza ang kaba.

"Sino? Sino ang kasama mo?"

"Si Zachary at yung bodyguard na palagi mong kasama sa tuwing nagkikita tayo." Napalaki ang mga mata ko sa aking narinig. Nandito sila? Bwesit. Kung kailan ayaw ko sila makita.

"Paalisin mo sila, Yza."

"That's how you treat your visitor, ms. Madrigal?" Nagulat na lang ako sa nagsalita dahil familiar sa akin yun. Nakita ko si Zach nakatayo sa doorframe.

"Yza, iiwanan mo muna kami."

"Oh. Sige." Lumabas na siya ng kwarto.

Lumapit sa akin si Zach sabay upo sa gilid ng kama.

"I heard you are not feeling well. How are you?"

"Bakit ka nandito? Hindi ba sinabi na sayo ni Yza na ayaw kita makita?" Sunod-sunod na tanong ko. Iniiwasan ko kasi ang tanong niya.

"Answer my question first." Bumalik na naman ang dating ugali ni Zach.

"I-I'm fine now." Umiwas ako ng tintin sa kanya. Ayaw ko mag-eye to eye contact.

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon