Alex's POV
"Since today is the first day we're going to celebrate new year eve together." Sabi ni Zach sa akin. Bagong taon na. Ang bilis talaga ng araw. Kailan lang ay pasko pa lang.
"What's your plan, Zach?" Sumandal ako sa kanyang dibdib habang nakayakap ito sa akin mula sa likuran.
"Celebrating new year eve with you and others. Pero siyempre dadalawin na muna natin si mama sa simenteryo." Tumango ako sa sinabi niya.
Pumunta na kami ngayon sa simenteryo para dalawin si mom. Naglagay ng bulaklak si Zach sa puntod at nagdasal na kami.
"Ma, ito na po ang gusto niyo mangyari na umalis ako sa pagiging mafia. Sorry kung ngayon lang. Pakisabi na lang din kay Terence na okay na ang lahat dahil naipaghiganti ko na ang pagkamatay niya. We missed you, ma." Napatingin lang ako kay Zach dahil nagpupunas siya ng mata. Ngayon ko lang ulit nakitang umiyak si Zach.
"I love you, lola." Narinig ko ang sabi ni Lucas. Napangiti na lang ako sa kanya. Ginulo naman ni Zach ang buhok ni Lucas.
"Grandma will always love you, Lucas." Sabi ni Zach. Si Lucas kasi ang unang apo nila kaya naging spoiled brat na ito si Lucas pero sana wag siya maging ganoon paglaki niya.
"Let's go." Pagyaya na sa akin.
Pagpunta namin sa bahay ng papa ni Zach ay nagulat ako dahil nandito na ang lahat.
Napapansin ko may something pagitan kila Yza at Greg, eh. Todo tingin si Greg kay Yza na para bang mawawala. Ayaw pa kasi mag aminan na dalawang ito.
May naririnig na kaming paputok kahit wala pang bagong taon. Ang ganda ng view. Kung nasa taas lang kami sa hollywood mas maganda ang tanawin doon lalo na manood ng fireworks display.
"Kain na tayo, guys." Sabi ni Zach na may dalang tray ng mga handa.
"Niluto mo ito, Zach?" Tanong ni Dexter.
"Hindi ko yan niluto. Nagpadeliver na lang. Wala na ring oras para magluto. Gutom na asawa ko." Pinalo ko siya sa braso at yun ang kinatawa niya.
"Mama, look!" May tinuro si Lucas kaya tumingin ako kung siya nakaturo. Isang fireworks pala. Ang ganda.
Pagkatapos namin kumain ay nagkakasiyahan ang tatlong lalaki. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang mga paputok. Dahil maingay kaya hindi makakatulog ng maaga si Lucas. Mamaya na lang siguro kung wala ng fireworks. Gusto ko na rin kasi matulog dahil bawal rin sa akin ang magpuyat.
"Happy new year, Alex." Bati ni Yza sa akin.
"Happy new year rin sayo." Ngumiti ako sa kanya. "Bagong taon na pero mukhang hindi ka masaya."
"Masaya ako dahil natupad na rin ang pangarap ko."
"Pangarap? Ano naman pangarap mo?"
"Ang makasama si Greg. Pagkatapos nangyari sa amin noon ay sinundan niya ako sa Canada."
"Talaga? Kilala na ba siya ni Jared?" Tumango ang kaibigan ko. "Pero magkasama kayo? Sa isang bahay?"
"Oo. Anong masama kung magkasama kami? Kasal na rin naman kami ni Greg." Ngumiti ito na parang kinikilig.
"Kasal? My goodness! Bakit hindi ko yun alam?! Ang daya mo naman, Yza."
"Nagpakasal na kami noong nasa Canada pa bago bumalik rito sa states."
"Bakit biglaan naman yata ang pagkasal niyo?"
"Dahil buntis ulit ako kaya naisipan ni Greg na pakasalan ako. I'm three months pregnant, Alex."
"Talaga? After what happened before binigyan pa rin kayo ng anak ni Greg."
"Oo, pero masaya na ako para sa amin ni Greg. Aalagaan ko na rin ang sarili ko para hindi na maulit ang nangyari dati."
"Masaya ako para sayo. Pero magaminan na kayo? Baka ginagawa niya lang ito dahil sa bata."
"Oo, inamin na namin na may feelings kami sa isa't isa noong araw ng kasal niyo ni Zachary."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin yan? Nakakatampo ka na." Ngumuso ako pero napatingin ako sa mga lalaki. Enjoy na enjoy sa paputok. Parang bumalik sa pagkabata.
"Maiba tayo, Alex. Lalaki o babae ang magiging anak niyo?"
"Hindi ko alam. Hindi ko kasi inaalam ang gender ng magiging anak namin ni Zach. Ang alam ko lang ay malusog na bata."
"Gusto mo pa talaga surprise."
"Oo naman. Pareho kaming walang ideya kung lalaki o babae. Ayos lang naman kay Zach kung lalaki o babae ang pagiging anak namin."
"Dapat lang. Anak niya iyan dinadala mo. Kung hindi ka niya panagutan baka ano ang gawin ko sa kanya."
Mas nakakatakot pa si Yza kaysa kay Zach. Kahit isang mafia si Zach noon pero siguro nawala ang pagkatakot ko sa kanya noong araw na binago ko siya. Ang walang puso at walang awang pumatay ng karibal na mafia ay naging masayahin, mapagmahal na asawa at ama pero siguro hindi naman mawawala ang mga kalaban dahil maraming kalaban ang Golden Dragon noon.
"Happy new year!" Sigaw ni Greg. Nagiinuman na ngayon ang tatlong lalaki pagkatapos nila magpaputok ng paputok. Lasing na siguro si Greg ngayon.
"You're drunk." Sabi ni Zach. Isa rin siya. Lasing na rin si Zach. Alam ko yun.
"I'm not drunk, 'kay? I want more. Whooo!" Inaangat pa niya ang hawak niyang baso.
Zach's POV
Mas masaya ang bagong taon kahit dalawang mahalagang tao sa akin ang nawala. Alam ko naman hindi sila magiging masaya kung makita nila kaming malungkot. We need to be happy.
"Want to drink after this?" Pagyaya ko sa kanilang dalawa.
"Sure. Hindi kami uurong diyan ni Greg." Payabang na sabi ni Dex.
"Oo naman. Magsaya tayo ngayong bagong taon."
Noong maubos na namin ang lahat na paputok ay nauna na umupo si Greg at hindi lang yun dahil may hawak na itong bote ng whiskey. Nauna na talaga.
Nagkatuwaan lang kaming tatlo habang umiinom. Kahit nawalan kami ng isa ay alam ko nasa tabi lang namin si Hunter at nakikisaya rin sa amin.
"Happy new year!" Hay naku! Lasing na si Greg. Sumisigaw na kasi.
"You're drunk." Sabi ko habang tumatawa.
"I'm not drunk, 'kay? I want more. Whooo!" Inaangat na niya ang hawak niyang baso sabay sway.
Nakita kong nakatingin sa amin si Alexis kaya lumapit ako sa kanya.
"Matulog na kayo ni Lucas, babe. Bawal sayo ang magpuyat. Ako na bahala sa mga kalat ng mga kaibigan ko."
"Okay. Pero bawal ka tumabi sa akin na amoy alak ah. Kung ayaw mo sa labas ka matutulog."
"Don't worry, maliligo ako after. Good night." Ngumiti ako kay Alexis bago pumasok sa loob ng bahay. Dito na muna kami matutulog ngayon gabi. Hindi na siguro makakauwi ito si Greg sa kanila lasing na.
"Zach, I need to go." Sabi ni Dex. Buti pa ito hindi masyado lasing.
"Bago ka umalis tulungan mo na akong buhatin si Greg papunta sa guest room."
"Okay."
Tinulungan na ako ni Dex buhatin si Greg papunta sa guest room. Binaba na rin namin siya sa kama para makarelax na rin. Nakita ko si Yza.
"Dito ka na rin sa guest room magpahinga. Alam ko naman nagaalala ka sa kaibigan ko."
"Salamat, Zachary."
"Kaibigan ka ng asawa ko kaya feel at home ka lang rito." Sabi ko. Pumunta na muna ako sa banyo para maligo. I really need cold shower. Nakakawala ng sakit ng ulo. Pero pagkagising ko mamaya may hangover na ako.
~~~~~~
Eearly Christmas & New Year to everyone. :)
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomantikMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...