Alex's POV
Ten years later...
Ganoon na kabilis ang panahon? Twelve years old na si Lucas ngayon at ten years old ang bunso naming anak na si Beryl. Babae ang naging anak namin ni Zach. Magkasundo ang dalawa naming anak at close pa sa isa't isa. Mabait na kuya si Lucas dahil palagi yang inaalagaan ang kanyang kapatid.
"Beryl, stop being so stubborn!" Rinig ang pagtaas ng boses ni Zach. Konti lang ang pasensya ng lalaking ito pero sinabihan ko na siyang pagpasensyahan na niya si Beryl.
"No, papa! I don't want to sleep." Nakikita kong patalon talon pa sa kama si Beryl.
"Beryl Faye Jackson.. Wag mo ubusin ang pasensya ko bata ka." Tinapik ko ang balikat ni Zach kaya tumingin siya sa akin.
"Bata lang yan, Zach."
"Yun na nga. Pero sumusobra na itong batang 'to."
"I want a strawberry shortcake, mommy."
"No strawberry shortcake for you if you don't want to sleep." Naiinis na ang mukha ni Zach kaya huminto sa pagtatalon si Beryl at humiga na sa higaan.
"I hate you, papa."
"Then, I hate you more, little brat." Tumalikod na si Zach. Lumabas na ito ng kwarto ni Beryl. Loko talaga yung lalaking yun.
"Don't mind what your papa said, okay? He really loves you, Beryl. Wag ka lang pasaway."
"But mommy, papa is always mad at me. Hindi niya po ba ako anak?" Umupo ako sa gilid ng higaan niya.
"No, baby. Anak ka namin."
"But why he always like that?"
"Kaya sabi ko sayo wag ka masyadong pasaway. Sumunod ka na lang sa sinasabi niya. Kung gusto mo kumain ng strawberry shortcake ay sumunod ka sa gusto ng papa mo."
"Okay po. I love you, mommy. Good night." Hinalikan ko na siya sa noo bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si Zach nakatayo lang sa labas.
"At ikaw maguusap tayong dalawa." Hinila ko siya sa may tenga niya. Naglalakad kami papunta sa kwarto namin.
"A-A-Aray. Babe, mapupunit yata ang tenga ko sayo." Binitawan ko na ang tenga niya noong nakarating na kami sa kwarto.
"Ginagalit mo talaga ako, Zach. Pinapahamak mo talaga kaming dalawa."
"Huh?" He tilted his head on his left side. "Anong dalawa?"
"May sinabi ba akong dalawa?"
"Yes, you said two."
"Guni-guni mo lang yun, Zach." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko sasabihin kung hindi niya mahulaan.
"That's impossible. Sinabi mo talaga ang dalawa, babe. Buntis ka?" Ngumiti ako sa kanya. Tama yun, masusundan na si Beryl. "I'm going to be a father again?"
"Yes, Zach."
"Really? Yes!" Niyakap niya ako sa tuwa. Napasinghap ako noong inangat niya ako sabay ikot sa ere. "I'm so happy."
"Ibaba mo na ako, Zach. Nahihilo ako."
Binaba na niya ako.
"Sorry. Masaya lang talaga ako." Niyakap niya ako. "I love you. I love you so much, Alex. Pinasaya mo talaga ako dahil binigyan mo ko ng isang pamilya."
"I love you too, Zach. And thank you dahil kami ang pinili mo." Hinawakan ko ang kabilaang pisngi niya.
"Of course. Hindi ko kayang mabuhay na wala kayong lahat. I don't want to die without all of you in my life." Hinalikan niya ako sa labi. I can't resist his kiss. Siya ang first love ko, first kiss ko and my first in everything.
Hindi ako nagsisi noon na si Zach ang minahal ko. Alam ko na kaya kong baguhin ang ugali niya kahit isa pa siyang mafia boss noon. Pero muntik na akong sumuko dahil alam kong malabo kaming piliin ni Zach. Ngunit nagkamali ako dahil kami ang pinili niya. Importante sa kanya ang pamilya.
"Ilang buwan na, babe?"
"Eight weeks."
"Two months na pala ang magiging bunso natin." Makikita talaga sa mukha niya ang saya. Sobrang saya ni Zach. Hinawakan niya ang tyan ko kahit hindi pa itong malaki. "Siguro magiging lalaki itong bunso natin."
"Paano ka naman nakakasiguro?"
"Hula lang. Pero okay lang din sa akin kung babae ang bunso natin." Pinalibot ko ang aking mga braso sa leeg niya. "Wala na kong hihilingin pa, Alex. Binigay na sa akin ang mga gusto ko."
"Me too, Zach. Wala na rin akong mahihiling dahil binigyan na ako ng asawa na katulad ng nasa harapan ko ngayon at mga anak."
Nagfocus na si Zach sa kumpanya nila at dahil ten years na kaming kasal ni Zach ay masayang masaya pa rin ang samahan namin.
Tanda ko dati na hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay baka daw tumakas ako. Masaya ako noong nakuha ko ang loob niya. Mabait naman talaga si Zach at mapagmahal.
Tanda ko rin yung umamin siya sa akin during our second wedding anniversary
Sa totoo lang wala talaga akong balak patayin ka at wala naman talaga akong pakialam sa utang ng papa mo na limang milyon. Pero may balak talaga akong kidnapin ka. Gusto rin kita makasama ng isang taon pero hindi naman tumagal ang pagsasama natin noon. Ayos na rin yun dahil binigyan mo ko ng anak noon at si Lucas ang naging bunga. Tapos dumating sa buhay natin si Beryl. I love you, Alex.
Nagulat ako sa pagamin niya sa akin. Natakot talaga ako noon baka konting mali ko lang ay patayin niya ako. Ngunit wala pala siyang balak. Okay na rin dahil nakilala ko ang isang Zachary Jackson at ama ng mga anak ko.
A ruthless and heartless mafia boss pero ngayon ay isa nang mapagmahal na asawa't ama sa amin ng mga anak namin.
~~~~~~
Dito na talaga nagtatapos ang kwento nila Zach at Alex.
P.S. Pero nasa Carrying A Mafia's Baby pa rin ang mag asawa, okay? Hindi sila pwede mawala kahit extra na lang sila. Hahaha
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomanceMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...