Chapter 5

22K 574 6
                                    

Alex's POV

Hindi talaga mawala sa isipan ko ang nakita ko noong gabing yun. Ngayon ko lang kasi nakitang umiyak at natatakot si Zachary na ganoon. Kung ano man yun ay hindi maganda ang nakaraan niya. Parang gusto kong malaman kung ano ang dahilan. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Greg dahil sasabihin lang niya sa akin si Zach lang ang makakasagot sa mga katanungan mo. Tama naman siya. Si Zachary lang ang makakasagot noon. Maghihintay na lang ako hanggang maging handa na siya.

Nakita ko si Zachary na pumasok sa kanyang opisina kaya sinundan ko siya.

"Zachary." Tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon ito para tingnan sa akin. Pansin ko ay may hawak siyang isang folder.

"Ano kailangan mo?" Tanong nito sa akin pero umiling lang ako ng ulo.

"Mukhang busy ka kaya mamaya na lang. Hindi na kita iisturbuhin pa." Saad ko bago ako lumabas ng opisina niya.

Nakaupo lang ako sa sofa habang nanonood ng TV. Nakikita kong pumasok sa loob ng opisina niya sila Greg. May meeting yata sila sa loob. Nakita ko rin silang lumabas nang opsina pati na rin ng bahay. Maya maya pa ay nakita ko na ring lumabas ng opisina si Zachary. Mukhang aalis rin siya. Wala naman akong karapatang tanungin siya at baka sungitan na naman ako.

"Pupunta lang ako ng warehouse kaya wag mo na ako hintayin umuwi dahil mamayang madaling araw pa ako makakabalik." Sabi nito kaya tumango lang ako.

Lumabas na rin ito ng bahay kaya naiwanan na rin ako rito magisa. Himala yata hindi niya sinabi sa akin na wag mong subukang tumakas. May tiwala na ba sa akin si Zachary? Pero ayaw ko naman taasan ang pagasa ko doon.

I sighed. May narinig akong nagdoorbell kaya binuksan ko ang pinto. Isang matanda lalaki ang nasa harapan ko. Kamukha siya ni Zachary. Siya siguro ang ama ni Zachary.

"Who are you?"

"I'm Alexis Madrigal, sir." Pakilala ko at tumatango tango lang ito.

"I'm Henry Jackson. Zachary's father."

"Sorry, sir. He is not here."

"You know where he is?"

"He told me he went to the warehouse." Tumango ulit ito ng ulo.

"Tsk. That young man. When he home, tell him to call me."

"Okay po, sir."

"Marunong ka pala mag-Tagalog."

"Yes po. Lumaki po ako sa Pilipinas pero dito na po ako nakapagtapos."

"I see. Bakit ka nga pala nandito sa bahay ng anak ko, hija?"

"Ano po kasi... Nagkaroon po kasi ng utang si papa kay Zachary."

"A debt? How much?"

"Five million dollars po. Hindi ko naman po kayang bayaran yun kaya ako na ang naging bayad utang ni papa."

"I know my son. Even he is a ruthless and heartless person hindi niya magagawa ang ganitong bagay. Marami na rin ang umuutang sa amin pero hindi naman binabalik. Naging ganito lang naman si Zach noong namatay ang kapatid niya."

Siguro ito ang dahilan kaya nakita ko siyang umiiyak at natatakot noong gabing yun.

"Ilang araw na kasi nawawala ang kapatid niya na si Terence. Hinanap ni Zach ang kapatid niya. Hindi nga umuuwi ang batang iyan pag hindi niya makita si Terence pero isang araw nakatanggap na tawag si Zach sa kaibigan niyang si Dexter. Ang sabi nakita niya si Terence kaya agad pumunta si Zach doon pero ang nakita ni Zach ang wala ng buhay na si Terence."

"Someone killed his brother?"

"Yes. Hanggang ngayon wala pa rin nakaalam kung sino ang pumatay sa kapatid niya." Tumingin ang papa ni Zachary sa akin. "Girlfriend ka ba ni Zach?"

Hindi ko masagot ang papa ni Zachary. Hindi ko alam kung seryoso ba siya na maging girlfriend niya ako o hindi.

"Y-Yes po." Bahala na nga.

"Alagaan mo ng maigi si Zach. Lumayo siya sa amin para hindi kami mapahamak sa mga naging kalaban niya. Alam ko naman kaya ka rin niyang protektahan."

"S-Sige po. Aalagaan ko po ng maigi si Zachary."

"Sige. Yun lang. Akala ko pa naman maabutan ko rito si Zach. Alis na ako."

"Sige po. Ingat po sa paguwi."

May dahilan pala si Zachary kaya siya naging mafia. Gusto lang niya maipaghiganti ang pagkamatay ng kapatid niya.

Ang sabi niya sa akin ay hindi ko na siya hihintayin ang paguwi niya pero hindi ako makatulog. May nakita akong ilaw galing sa labas. Mukhang nakauwi na siya. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto sabay ang pagbukas ng ilaw.

"Why are you still awake?" Tanong nito pagkakita sa akin.

"Hindi kasi ako makatulog."

"Are you still a kid? How old are you?"

"Twenty-one. Bakit mo naman gusto malaman ang edad ko? At saka hindi ko naman sinabing natatakot ako. Ang sabi ko hindi ako makatulog. Magkaiba yun."

"Whatever, Alexis." Umupo ito sa tabi ko.

"Oo nga pala. Dumating dito kanina ang papa mo."

"Nagkausap kayong dalawa?" Tumango ako ng ulo biglang sagot. "Anong sabi?"

"Kinuwento niya sa akin ang dahilan kung bakit ka naging mafia."

"I see."

"Hindi ka galit dahil nalaman ko?" Umiling lang ito ng ulo.

"Hindi ako galit. Galit ako sa taong pumatay sa kapatid ko."

"Alam kong kakarmahin rin ang may gawa noon sa kapatid mo." Pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya. "Basta hindi kita iiwanan."

Hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi sa kanya.

"Are you sure? Alam kong miss mo na ang pamilya mo."

"Yes, pero iniwanan naman nila ako kasama ka." Nag-inat ako ng katawan habang humihikab. "Okay na rin ito dahil may kasama ako kaysa wala."

"Promise?"

"Para kang bata. Ilang taon ka na ba?" Binalik ko ang tinanong niya sa akin kanina.

"Thirty-one. Hindi lang halata sa itsura ko."

"Ten years pala ang age gap natin."

Pero narinig kong siyang tumawag. Wow. Ngayon ko lang narinig tumawa si Zachary at ang sexy pa.

"Biro lang. Hindi naman ako thirty-one. Nasa twenty-five pa lang ako."

"Ay. Akala ko nasa thirty-one ka na talaga." Pinalo ko siya sa kanyang braso. "Napaniwala mo ko doon."

"Sorry. Hindi ko naman alam maniniwala ka doon."

"Paano naman ako hindi maniniwala kung sayo pa mismo nanggaling?"

"Simula ngayon ay tawagin mo na lang akong Zach at tatawagin na rin kitang Alex." Sabay halik nito sa aking noo. Kinapula ng pisngi ko kahit sa noo lang yun. Ang lakas rin ng kalabog ng dibdib ko parang lalabas na ang puso ko.

Ito na ba yung sinasabi nila kung nakilala ko ng maigi si Zachary? Siguro ito na nga yun. Ang other side niya. Nakuha ko na rin ang tiwala ni Zachary.

~~~~

Yiiieee... Okay na sila ni Alex. Sa tingin niyo ba may feelings na si Zach sa kanya? XD

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon